Chapter 10: Memory

1 0 0
                                    

Chapter 11: Memory

"Ano kamo? Hindi ka maka-alala?" si Haru. Ngayon niya lang nalaman ang pangalan nito dahil nag attendance kanina.

"Kailan pa?" tanong ni Eugene habang kumakain.

Breaktime nila ngayon at nakatambay sila sa isang table sa Canteen. Kaunti lang naman ang tao dito dahil silang Seniors lang ang nagrecess. Ang Juniors kasi ay iba ang oras ng breaktime. Para daw hindi nagkakagulo sa Canteen.

"Uhm.. simula nung nalunod ako sa pool noong birthday ni Erwell. Noong umuulan." tumatango pang sabi ni Hannah. Iyon lang ang naiisip niyang idahilan. Iyon naman kasi talaga ang nangyari, nalunod naman talaga sila. Iba lang ang naging resulta.

"Nalunod ka nga pala noon ano? E bakit hindi mo sinabi sa magulang mo?" si Ken.

Mabuti na lang kanina bago makapasok ang Ma'am nila ay hinatak na siya ni Eugene papaupo. Isang upuan lang ang espasyo nila ni Eugene at pinagpapasalamat niya 'yon. Hindi siya mahihirapan kung sakaling gusto niya nang kausap.

Sa klase naman kanina halos maging lutang na siya. Wala siyang maintindihan sa topic. General Mathematics agad ang subject nila at ikinainis niya 'yon. Buti na lang hindi nagparecite kundi malalagot talaga siya.

"Ayoko sila mag-alala." iiling-iling pa niyang sabi habang kumakagat sa burger. Sana maging maganda ang alibi na sinasabi niya.

"Edi piling memories lang ang naaalala mo? Ang weird ha." ani Phoebe. Nasa tabi niya ito at ngumangata naman ng fries.

"Parang ganun na nga."

"E anong mga nakalimutan mo?" tanong ni Haru.

"Bobo. Pa'no niya sasabihin e nakalimutan nga?" sabat ni Grim.

"Bobo! Utak mo may sipon. 'Wag kang umepal lulunurin kita."

"Lunurin mo 'ko sa pagmamahal please."

"Dude, what the fvck?"

"'Wag nga kayo dito maglampungan, pwede ba?" naiinis na sabat sakanila ni Eugene. Nanlalaking mata naman napatingin sakaniya ang dalawa.

"Maglampungan? Gago, kadiri ka." nandidiring sinuri ng mata ni Haru si Grim.

Habang si Grim naman ay napapangisi, "Oh babe 'wag daw dito. Gusto mo sa restroom?" nakapalumbaba pa ito at nakatingin kay Haru. Nagtawanan naman sila nang nandidiring umalis si Haru at sumisigaw ng '911! 911! May balak mang-rape sa'kin. Oh shit!'

"Laptrip talaga asarin no'n, e." natatawang sabi pa ni Grim.

"So," sabat ni Phoebe. "Ano nga 'yong mga hindi mo matandaan?"

"Uhm.." inisip niya ang mga hindi niya Alam sa buhay ni Gino. "'Yong mga lesson. Hindi ko sila maalala. 'Yung pangalan niyo din lahat hindi ko maalala. Nagpapanggap lang ako na okay para hindi kayo magtaka. Iniisip ko kasi baka bumalik din naman 'yon." nagpaawa pa siya. Sana gumana. Kapag nalaman 'to ni Gino talagang malalagot siya. Hindi naman kasi talaga ugali ni Gino ang ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Switched SoulsWhere stories live. Discover now