Chapter 3: Torn

2 0 0
                                    

Chapter 3: Torn

Nabapalikwas sa pagkakahiga ang isang binatilyo ng makarinig ng sigawan sa kusina. Madali siyang lumabas ng kwarto at pinuntahan ang kapatid na bunso na nasa salas tsaka hinila palabas. Maraming beses nang nangyari ang ganito, sanay na siya. Sanay na sanay na.



Huminto lang sila sa isang playground. Dito sila madalas tumambay ng kapatid niya kapag nagkakaro'n ng ganoong eksena.



Mabuti na lang at nakajersey short siya at white sando, hindi na niya kasi naisip pang magpalit kanina. Nasa isip lang niya ang paglayo ng kapatid sa sigawang nangyayari.



"Kuya, bakit nanaman sila nag-aaway?" kalmado lang ito na para bang sanay na rin sa ganoon.



"Stupid. Natutulog ako diba," masungit na sagot niya dito. At syempre, dahil lagi niyang kasama ang kapatid niya sanay na ito sa pagsusungit niya.



"Nagugutom ako, kuya. Nagsigawan na kasi sila hindi na tuloy nakapagluto si mama." nakangusong ito habang nakahawak sa tiyan. Gutom na nga siguro siya.



Pagod pa ang katawan niya dahil nagkaroon ng practice match noong nakaraang araw at kinabukasan naman noon ay nagkaroon ng match laban sa Rewis.



Late pa siya nakauwi kagabi dahil nagpractice pa sila ng tamang toss ni Eugene. Iyon lang ang libangan niya para makaalis panandalian sa mata ng magulang niya.



"Uwi na tayo," humawak ang batang lalaki sa laylayan ng damit niya. Grade 5 palamang ito pero mahahalata nang matangkad at may itsura pag laki.



Siguro ay pagtungtong nito sa edad niya ay ganoon din ang magiging height nito, tulad ng kanya. Ang tatay kasi nila ay basketball player noon at Captain ng team kaya doon sila nagmana.



"Kuya.." tawag ng kanyang kapatid sakanya. Hindi siya sumagot pero nilingon niya ito. Nakatingin ito sa jersey shorts niya. "Gusto ko pag laki ko maging katulad mo akong player! Iyung magaling at saka sikat." malaking ngiti ang iginawad ng bata sakanya.




Kahit na madalas ay sungitan niya ito, mahal pa rin niya ang bunsong kapatid niya. At natatouch siyang iniidolo siya nito at balak bang sundan ang yapak niya. Hinawakan niya ang buhok nito at ginulo.



"Tara na, gutom na ko."



"Saan kayo galing?" bungad ito ng kanilang tatay pag-uwi nila. Kumain kasi sila sa 7Eleven ng siopao dahil nangungulit ang kapatid niya. Bumitaw na ang batang lalaki at tumakbo palapit sa ama. Nagmano ito bago dumiretso sa kusina.



"Sa labas." kalmado lang siyang sumagot. Wala siyang pake kung tunog walang respeto 'yon dahil una sa lahat para sa kanya hindi karespe-respeto ang taong kausap niya.



"Matuto kang gumalang sa tatay mo! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo yan, Gino?" napabuntong hininga na lang si Gino nang magsimula ito muling sumigaw.



"Umalis kami dahil ang ingay niyo... po," diniinan niya pa ang salitang po habang nakatingin sa ama na nagpupuyos na sa galit.



Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at basta na lang umakyat at pumasok sa kwarto. At ang mga ganitong eksena ang kinasanayan niya magmula ng pumasok siya sa Tobirio Volleyball Team. Ang tatay niya ang laging nakahadlang sa mga gagawin niya.



Switched SoulsWhere stories live. Discover now