Chapter 2: Watch

2 0 0
                                    

Chapter 2: Watch

Nagbabasa si Hannah ng kabibili lang niyang Wattpad books sa room. Iilan lang ang mga kaklase niyang natira dito dahil nga vacant na nila hanggang uwian. 'Yung iba nasa canteen at 'yung iba nagpagala-gala na lang baka tumambay din sa labas.


"Girl, kaya hindi ka nag-e-excell e! Imbis na libro sa mga subjects ang basahin mo inuuna mo pa 'yang wattpad books. Hay nako!" kasama niya pala ngayon ang kaibigan niyang si Ritz.


Sumang-ayon ang katabi nito, "Pero tutulungan ka naman namin basta tutulungan mo rin ang sarili mo. Gusto ko lahat tayo makakaakyat sa stage at makakakuha ng Certificate of Recognition!" masiglang sabi naman ni Hanny.


"Sana all! Hahahaha." tawa ng kanilang kaibigan na si Paul ang nang-istorbo sa kanila. Papasok ito ngayon sa classroom nila at tumatawa pa na parang wala ng bukas.


Si Paul ay dalawang taon na niyang kaklase. Kaklase rin niya kase ito last year at parehas silang naging repeater. Kaya sobra ang sakit sa ulo ni Ma'am Rizel nang makita silang dalawa noong first day of class.


"Gusto niyo ng umalis?" bulong ni Paul sa mga kasama. Nakangisi ito at masama ang pakiramdam niya sa ideya ng lalaking kaibigan.


"Eh? Umalis? Bakit?" si Ritz.


"Ang dinig ko kasi ay maglalaro ang Toribio Volleyball Team. Gusto kong manood!" agad naging masigla si Ritz at Hanny. Ang Volleyball Team kase ng Toribio ay puro mga naggagandahang lalaki. Kaya hindi na maipagkakaila na marami ngang sumusuporta sakanila. Ngayon pa na unti-unti na silang lumilipad sa ere. Parang mga ibon.


"Hala! Ako din gusto ko makita 'yung Libero nila! Si Aki Gomez. Gosh!" parang kiti-kiti kung kumilos naman itong si Ritz.


Napakunot noo naman siyang nakatingin sakanila. Bigla niyang naalala si Gian at ang kapatid nitong Setter sa VB team. Nakalimutan na naman niya. Basta kalapit lang ng pangalan ni Gian 'yun e!


"Sino nga pala 'yung Setter nila?" tanong niya sa mga kasama. Tumingin si Paul sakanya at ngumisi.


"Bakit, crush mo ba? Naku, suplado ang isang 'yon. Pag-aaral at paglalaro lang yata ang nasa utak niya. Iyon ang sabi ng mga kakilala ko." nakapalumbaba pa ito habang nakatingin sa kawalan. Tumango na lang siya at magbabasa ulit nang lumingon itong sakanya. Bakit ba?


"Crush mo nga?" makulit na tanong nito kaya umiling siya. Tinatanong lang naman e!


"Hindi nga kasi. Hindi ko pa kasi nakikita ang mukha niya. Gwapo ba? Maappeal? Dinig ko nga ay matalino raw 'yun."


"Matalino talaga! Lagi siyang highest honor at sigurado ako na magiging valedictorian siya pagka graduate ng highschool!" sabat ni Hanny.


"Ano nga! Manonod ba tayo o hindi? Sayang ang opportunity na 'to oh. Yurbong-yurbo na ko dito sa room, yung mga nakatambay naman sa labas wala din ginagawa. Manood na lang tayo ng laban nila sa kabilang school." anyaya ulit ni Paul sakanila.


Agad umiling si Hannah na ikinalingon nilang tatlo. Himala at hindi ito naglalamyerda.


"Ayos ah. Bagong buhay ba?" nakangising ani Paul. Umakbay ba ito sakanya.


Switched SoulsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora