Chapter 8: Final

2 0 0
                                    

Chapter 8: Final

Narito pa rin sila Hannah at Gino sa playground. Walang nagsasalita. Isang oras na rin matapos sabihin 'yun ni Gino, natahimik na silang dalawa. Parehas silang nag-iisip kung anong paraan ba ang gagawin nila.

"I-try kaya natin 'yung sa movie?" bigla niyang suggestion. Naalala niya kasi 'yung nagkapalit nang katawan tapos nalaglag sa pool tapos parang may may bulalakaw na maliit na bumagsak sa pool tapos ayon—boom! Nagkapalit sila.

"What?"

Tinignan niya si Gino, "Oo, 'yung sa movie! Try natin 'yung sa kuryente. Ano ba pwedeng gamitin? 'Yung mosquito killer kaya? 'Yung parang pang tennis?" nakahawak pa siya sa baba niya at nakatingin sa malayo. Tumatango-tango pa na parang ang ganda nang idea na ibinigay niya.

"The hell? Palabas lang 'yun." inis na sabi ng lalaki.

"E wala naman kasing science explanation sa nangyari sa'tin na 'to, e!" nakanguso pa niyang sabi.

"It's scientific explanation." pagtatama ni Gino. Napailing na lang ito sa kalokohan niya.

"Basta may kinalaman sa science, magkapareho lang 'yun! Wala lang 'yung tific e."

Natahimik muli sila. Sobrang hirap talaga ng sitwasyon nila ngayon. Napabuntong hininga na lang siya nang maisip na hindi niya makakasama ang pamilya niya nang ilang araw or worst baka ilang buwan pa.

Si Gino naman, parang gusto pa nga niya ang nangyayari. Mawawalay siya sa mga magulang niya. Ang inaalala lang niya ay ang volleyball career niya. Hindi sila pwedeng matalo sa final match dahil 'yun ang magiging daan para makasali sila sa Spring Tournament.

Wala mang alam si Hannah sa buhay ni Gino parang nagkakaroon na rin siya ng ideya. Mahina man siya sa academics pero hindi siya tanga para hindi makita ang pinagdadaanan ni Gino sa bahay nila. Akala pa naman niya perpekto na ang buhay nang lalake.

"We have no choice but to pretend." biglang pagsasalita ni Gino.

Nang lingunin ito ni Hannah nakita niya rito ang pag-aalala. Pag-aalala sa mangyayari sakanila kinabukasan. Pag-aalala sa volleyball career niya. Pag-aalala na baka may mangyari pa na mas masama dito. Who knows.

"You will pretend as me. In class. In practice. In my house. Pretend like Gino." nakatingin na ito sakanya. Mata sa mata. Kita niya ang pagiging hirap nito sa sitwasyon. Pero hindi ganoon. Siguro nga 'yung volleyball career talaga ang iniisip niya. Pangarap niya 'yun e.

"And I'll pretend as you. It's not that hard though."

"At bakit ha?"

"You're stupid. You're a fool. You're an idiot. Madali ka lang magaya. Well, for me in some ways it's hard. I'm not talkative as much as you." umiwas na ito ng tingin. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hannah dahil naintindihan niya ang mga sinabi nito. Ganito pala kapag masyado siyang seryoso naiintindihan niya ang English.

"Hoy, hindi kaya ako masyadong madaldal."

"Ah, for that. You should lessen your kadaldalan, okay? Magtataka sila." muli itong lumingon.

Nakasimangot siya. Oo nga pala. Hindi madaldal ang isang 'to. Mukhang mahihirapan siya ah. Sht! Paano na? May pasok bukas!

Ang conyo naman nito.

Switched SoulsWhere stories live. Discover now