Chapter 4: Brunch

2 0 0
                                    

Chapter 4: Brunch


Maagang gumising si Gino para magjogging at maikundisyon ang katawan. Kasama niya ang kapatid niyang si Gian dahil nagpumilit itong sumama.


Tsk. Napakakulit naman kasi. Sinabing matulog ng matulog na lang sa bahay.



Saturday ngayon at sinabi ng coach nila na wala munang practice para hindi masyadong mabugbog ang katawan nila. Bukas na lang daw ulit.



"Kuya.. sandali lang!" habol sakanya ni Gian na ngayon ay hinihingal na.


Huminto muna siya at hinintay ang kapatid.


"Bakit ka ba kasi sumama? You haven't eaten yet." masungit na sabi niya rito. Totoo naman kasi. Nang makita siya ni Gian palabas ay sumama na ito. Ang mama naman nila ay naglilinis sa harapan ng bahay nila.


"Ayoko po kasi sa bahay. Pag-iinitan lang ako ni papa do'n e." nakanguso pa ito. Naupo na ito sa sahig habang hinahabol ang hininga. Masyado kasing malalaki ang hakbang ng kuya niya kaya hindi siya nakakahabol.



"Tsk. Let's go."



"Kuya, nagugutom na 'ko." reklamo ni Gian sakanya. Nakaupo na ito sa bench sa may playground na pinupuntahan nila.


"The go home." suplado niyang sabi.


"Ah! Naalala ko bigla!" tila nagliwanag ang buong mukha ng bata nang maalala si ate Hannah. "Kuya, gusto mong sumama sa'kin? Pupunta ako sa bahay ni Hazel." pag-aaya ng bata sakanya. Sumimangot naman siya. Ano bang gagawin niya don? Tsk.



"No." inaayos niya ngayon ang sintas ng kapatid niya.



"Sige na. Naalala ko sabi ni ate niya dumalaw ako do'n tapos magluluto siya. Sa tingin ko kuya masarap siya magluto." pagpipilit niya rito.



Napabuntong hininga naman siya, "Ang kulit mo. Ayoko nga." sakit talaga niya sa ulo.



"Okay. Ako na lang ang pupunta. Sunduin mo na lang ako kuya ah! Sabihin mo kay mama nandoon ako sa bahay nila Hazel." bago pa man niya pigilan ang kapatid ay tumakbo na ito papunta sa direksyon kung saan ang bahay nila Hazel.



Napakamot na lang siya ng ulo bago tinahak ang daan pauwi.



"O, nasaan ang kapatid mo?" nakasalubong niya ang mama niya sa may labas. Galing itong tindahan.



"On Hazel's. Doon daw siya kakain." binuksan na niya ang gate at binalak ng pumasok. Ngunit napahinto siya ng pingutin siya ng mama niya. "Mama!"


"Bakit mo hinayaan na doon kumain si Gian?! Ako ang nahihiya sa ginagawa ng kapatid mo e! Hala, sunduin mo ro'n. Bilisan mo!" sigaw sakanya ng mama niya. Binitawan naman niya ang tainga nito bago batukan. Sadista talaga ang mama niya.


"E where the hell is my fault there? Siya iyong gustong pumunta ro'n e." nakasimangot pa siyang sumagot. Agad siyang napapikit ng makatikim na naman ng batok sa mama niya.



Nanay niya ba ito o ano? Ampon ba siya? Kung itrato kasi siya ay parang gano'n. Hayst.



"Pupunta ka o hindi? Ihahampas ko sa'yo yung walis tingting!" banta ng mama niya. Napailing na lang siya at tinahak ang papunta kila Hazel.



Switched SoulsWhere stories live. Discover now