CHAPTER 13
PALINGA-LINGA ako sa buong paligid habang nagpeperform ang banda. Nasa VIP seats kami ni Summer. Umaalis lang ito sa upuan kung pupunta na ang banda sa likuran. Napahikab ako gusto ko ng matulog pasado alas nuebe na ng gabi.
Kahit sobrang ingay ng paligid dahil sa hiyawan ng audience ay talagang napapahikab ako. Hindi naman boring nakakakilig nga 'eh. Yun nga lang hindi talaga ako sanay sa mga ganitong event.
Never in my life na pumunta ako sa isang concert. Mas gugustuhin ko pang magdasal buong gabi kesa manood ng concert o kahit na anong palabas diyan. Antukin rin ako, wala akong ka amor-amor sa mga ganito.
Siguro dahil immune na ako sa mga gwapo at magaganda. Araw-araw ko rin kasing nakakasalumuha ang mga ganitong magaganda't gwapo, simula nung bata ako. Mga elites, mga may sabi sa buhay, nakakaangat ang aking katauhan, kagandahan at kagwapuhan.
Nilalamig na rin ako, mabuti na lamang at binigay sa akin ni Summer ang isang makapal na coat na pinapabigay ni Calvin sa akin. Nanunuot sa coat na iyon ang pabango at natural na amoy ni Calvin.
Nang mapatingin ako sa stage ay lahat sila nakaupo sa isang wooden chair. Bago na ulit ang kanilang ayos at porma. Walang kahit na anong instrument na dala. Lahat sila ay may mikroponong hawak.
"Hi."
Naghiyawan at nagtatalon ang mga kababaihan at maging binabae sa simpleng bati ni Hari. Simpleng hi lang pero nagkakagulo na sa buong Araneta.
"Easy babies." napaismid ako ng maghiyawan ulit ang lahat ng taong naroroon sa concert dahil lang sa pa babies ni Zacheus. Parang mga kiti-kiti na inasinan.
"So... Well be having a Q&A portion from the selected---"
Napatakip ako sa tenga ko dahil sa nakakabinging hiyawan. Naputol ang sasabihin sana ni Zacharias dahil sa hiyawan ng crowd. They're chanting there names over and over again.
"Buntisin mo ako Zacheus!"
"Baby Hari asawahin mo ako now na!"
"Wyatt baby! Take me please!"
"Oppa Calvin make love to me!
"Zacharias! Let's make babies!"
Kung lahat ay nakangisi si Zacharias naman, ayun sobrang namumula sa mga pinagsasabi ng mga taong naroroon. Si Calvin ay nakapoker face lang. Parang hindi apektado sa mga sigawan ng crowd.
"S-so I was saying that our team have selected several questions from our fans. We will try our best to answer all of it." nakangiting sabi ni Zacharias na bahagyang namumula pa. Aww, He's really the Good boy of the group.
"Wag lang talaga Mathematics or related to Science questions, dahil bobo tung mga ugok!" kantyaw ni Hari. Tumawa naman ang buong crowd.
"Gago baka ikaw?" binatukan ni Zacheus si Hari, madali lang maghampasan dahil magkatabi lang silang dalawa.
Nasa gitna naman si Calvin na walang kaemosyon ang pagmumukha niyang unggoy. Katabi naman niya si Wyatt at Zacharias sa kabilang gilid naman ay sina Zacheus at si Hari.
BINABASA MO ANG
Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)
General FictionMondejar Series 2 Di bell'aspetto Band Series 1 First Installment Francine is happy and contented with her simple life. Kahit ang dami niyang kulang sa pagkatao niya ay hindi niya binalak pa na kilalahanin kung sino ba talaga siya. Masaya siy...