CHAPTER NINETEEN✅

983 22 1
                                    

CHAPTER 19



     
          DUMATING si Calvin gaya nga ng sabi niya sa sulat. Umuwi na rin si Nina. Ngayon kami na lang dalawa ni Calvin ang narito, ngumuso ako habang nagluluto ng hapunan namin.



       Ayokong napag-iiwanan kasama siya sa iisang bahay lang. Kinakapos ako ng hininga pag nasa malapit lang siya. Nagiging abnormal rin ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako tuwing magkakasalubong ang mga mata namin.




       Bakit ba kasi napunta ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ko maiwasan na tanungin ang Panginoon kung bakit hindi ako natuloy sa pagmamadre. Iniisip ko kung ano ba talaga ang purpose ko sa mundo.



         Maging mananayaw na lang kaya ako? Tutal doon naman ako magaling.  Buohin ko kaya lahat ng mga senior dancers? Magiging masaya iyon pag nagkataon. Kaso may mga kanya-kanya ng trabaho ang mga iyon.



          Aral na lang kaya ako ulit? Kaso magastos na. Saan naman ako kukuha ng pera kung ganoon? Ayoko namang si Tito Zack at Tita Cler pa ang sasagot sa pag-aaral ko kung sakali. Nakakahiya na kung ganoon.


      Nabigla ako ng may sumigaw sa labas. Nangunot ang noo ko ng marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. Itinigil ko ang pagluluto at in-off ang stove.




"CALVIN! ILABAS MO SI FRANCINE!" rinig kong boses ni Ate Calla. Rinig ko rin ang mga yabag niya kasunod ng isa pa.



"Ay Ate! Ingay mo naman. Required ba talagang sumigaw?" nangunot ang noo ko sa boses na iyon. Agad akong lumabas ng kusina para kumpirmahin kung kaninong boses ba iyon.



"Manahimik ka! Kukurutin kita sa singit mo!" pagbabanta ni Ate Calla. Posible kayang umuwi na siya?





"Duh! Ate baka gusto mong paliguan kita ng pinta diyan? Subukan mo lang talaga, Ate." balik pagbabanta ng panauhin.






"Alam mo wala na akong narinig diyan sa bunganga mo kundi pinta. Asawahin mo na lang kaya yung mga pinta mo?" nadatnan ko sila sa entrada. Agad na gumuhit ang isang masayang ngiti sa mga labi ko.





"Mabubuntis ba ako nun, Ate? Common sense naman." she rolled her eyes at her older sister.




"Mas matanda ako sayo Rise ha?" tumaas ang boses ni Ate Calla at pinandilatan ang nakababatang kapatid.



"Mas maganda naman ako, dagdag pa na matalino rin ako. Anong magagawa ng katandaan mo sa mas batang nakakaganda at nakakatalino pa sayo?" mahina akong napatawa. Havey talaga pag si Rise na ang tumatalak.




"Ay letse kang bata ka! Ate ako mas maganda ako!" mukhang naaasar na si Ate Calla tumataas na ang boses eh.




"Yeah right like for only one-eight?" pang-aasar ni Rise sa kapatid.



"Aba't! Isusumbong kita kay Nanay! Inaapi mo ang mas nakagaganda sayo!" ayan na nagsusumbungan na.



"Sumbong naman kita kay Tatay. Nagsasabi lang naman ako ng totoo!" ganyan sila magbangayan magkapatid, pag nagkapikunan na nasusumbungan na sa mga magulang kahit na matatanda na.



"What's with the noise?" bumaling ang tingin ko sa hagdan kung saan bumaba si Calvin may hawak-hawak pa siyanv libro sa kanang kamay at inaayos sa pagkakalagay ang salamin suot.


"Eto kasing si Ate ayaw maniwala na mas maganda ako." sumbong ni Rise saka dinuro si Ate Calla. Umirap naman si Ate Calla saka inekis ang mga kamay sa dibdib.





Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now