CHAPTER FIFTEEN✅

1K 27 1
                                    

CHAPTER 15









"BITIWAN mo ako Kuya Calvin! ano ba?!"






       Nagpupumiglas ako sa mahigpit pagkakahawak niya, kanina pa niya ako kinakaladkad pagkababa pa lang sa kotse ay walang sabi-sabing hinaklit niya ang braso ko na kalaunan ay hinawakan niya ang kamay ko. At heto na nga papasok na kami sa mansion.






      Nadaanan namin si Manong guard, humingi ako ng tulong ngunit takot rin siya sa amo. Isang tingin lang ni Calvin ay umatras na agad si Manong Guard.





      At ngayon kinakabahan naman ako sa gagawin niya sa akin. Natatandaan ko pa yung 'or else' niya. Naku! Wag naman sana niya akong sasaktan. Pag talagang sinaktan niya ako ipagdadasal ko na lang talagang mamatay na siya.





     Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon nalulungkot, naiinis, nagagalit at nanghihinayang.







    Yun na yun eh abo't kamay ko na pangarap ko kaso tinapon na ni Calvin sa malayo ang pangarap ko na iyon.




      I don't know what game is he playing, and what is he up to. At kung plano niyang sirain ang buhay ko, well around of appluase please dahil nagtatagumpay siya. If he planned to pissed me then congratulations to him cause he have done a good job of pissing me.







"Ano ba Calvin?! Bitiwan mo nga ako?" I hissed at him. Gosh he's really getting on my nerves.






"Just shut up will you?" he hissed back.






        Hinila ko ang kamay ko ng makitang nasa salas na kami ng mansyon. And what's worst? Nakita kami ni Tito Zack at Tita Cler na nakaupo sa salas at nagtsa-tsaa. Nakatingin sila sa amin kaya nakaramdam ako ng hiya.





   Lumapit ako kay Calvin na hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. Kahit hilahin ko pa ang kamay ko ay huli na dahil nakita na iyon ng mag-asawang Mondejar.





"Calvin bitiwan mo ang kamay ko please lang. Nakakahiya." I whispered.






        Ngunit nagbingibingihan lang siya at hinigit ang kamay ko papunta sa mag-asawa. Yinuko ko ang ulo ko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig na binibigay nila sa akin.





        Nanikip ang dibdib ko sa isiping nagmumukha akong walang utang na loob. Kamumuhian ako ng mag-asawa, sa lahat ng tulong na pinansyal nila ay ito ang gagawin kong kabayaran sa kanila? Malamang ay nakaabot na sa kanila ang pagpunta ko sa kumbento, malabong hindi iyon sasabihin ni Lola.




    Tapos ngayon haharap ako sa kanila na kasama ko itong anak nila? Gosh! Pinakilala ako ng unggoy na ito na girlfriend niya, tapos pumasok pa ako sa kumbento, and now kaharap ko ang mga magulang niya at alam nilang galing ako sa kumbento at pagbalik rito makikita nilang magkahawak-kamay kami?





         Isa itong malaking kahihiyan! Ano ang iisipin ng mag-asawa sa akin? Na isa akong malandi at walang utang na loob na pinalamon nila sa mahabang panahon pero eto at kasintahan ko raw kuno ang ang unggoy na anak nila?






       Umusbong ulit ang galit ko. Wala akong kasalanan dito kung ipapamukha man sa akin iyon ng mag-asawa. Alam ko ang katotohanan at ipaglalaban ko iyon. Itatama ko ang lahat ng kasinungalingan.





"Francine? A-akala ko ba pumunta ka na ng Kumbento?" nagugulahan na tanong ni Tita Cler. Akma na akong sasagot ng maunahan ako ni Calvin.






Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon