CHAPTER FOURTEEN✅

932 27 0
                                    

CHAPTER 14







        MAAGA pa lamang ay nagising na ako. I was getting the hang of being here. Pakiramdam ko ang saya-saya ng kalooban ko. This is it! My dream is finally becoming true.






        Pagkalabas ko ay nabigla pa ako ng may mga batang nagsipagtakbuhan.




       Muntik na akong mabangga ng isang bata buti na lang at nagkapaghinto ito. Ngumiti ako, isa ito sa dahilan kung bakit gusto kong maging madre gusto kong mag alaga ng bata.







"Anla! May bisita yata sina Sister Mack!" pabulong ng batang babae sa kasama niyang batang lalaki. Natawa ako kasi medyo pasigaw ang ginawa niyang pagbulong. Nakapigtails siya at para siyang manika.







"Alam ko Lavinia hindi ako bulag." inirapan ng batang lalaki ang batang babae. Natawa ulit ako ang cute lang nilang tignan. Malakas na tinampal ng batang babae ang balikat ng batang lalaki.





"May sinabi ba ako Mack?" pinlakihan niya ng mata ang batang lalaki. Sabay na tumingin ang dalawang bata sa akin saka ngumiti.






"Hi po! Ako po si Lavinia pero hindi po ako maldita at walang akong inaaway na nagngangalang Princess Sarah. Mas pinaganda version lang ako ni Lavinia Inggetera." napahalakhak ako sa turan niya. Napakabibong bata at palangiti.








"Anong hindi maldita? Nananakit ka kaya!" angal ng batang lalaki sa kay Lavinia. Inirapan at saka binelatan lang ni Lavinia ang lalaki.






"Wag ka ngang epal Mack! Bestfriend tayo diba?" maangas na siniko niya ang batang lalaki. Napaaray naman ang kawawang bata sa ginawa ni Lavinia ang cute nilang tignan habang nagbabangayan.







"Oh tapos? Pag bestfriend sinasaktan?" tanong ng lalaki.








"Hayaan mo dahil way ko iyon para iparating sayo na mahal kita bestfriend ko." bumungisngis si Lavinia saka niyakap ang batang lalaki na nakabusangot na ang mukha.





"Ay ate! Ito pala ang bestfriend kong si Mack!" inakbayan pa niya si Mack. Nakakatuwan naman ang samahan ng dalawa kahit puro bangayan.





"Ako naman si Sister Francine." pagpapakilala ko saka ako lumuhod upang pantayan sila. Sa pagkakaobserba ko ay nasa anim at pitong gulang ang dalawa.






"Sister po?!" gulat na sabi ng dalawa. Natawa na naman ako ang cute ng expression nilang dalawa.






"Hindi pa sa ngayon pero malapit na." napatango naman ang dalawa na tila naintindihan.






      Halos nalibot na yata namin ang buong lugar sa kumbento dahil nagsisilbing tour guide ang dalawa -- I mean si Lavinia lang pala. Nasa unahan kasi ito at walang tigil sa kakasalita.





      Sinasabi nito lahat ng nalalaman sa lugar. Tapos nagkukuwento kung saan sila madalas tumambay ni Mack. Napakabibong bata, walang kapaguran kung magsalita. Nakakapagtaka lang kung bakit ito narito sa ampunan. Maganda ito kahit simpleng dress lang suot. Halatang luma na rin pero umaangat pa rin ang angking kagandahan taglay niya. Medyo maangas nga lang. Parang tambay sa kanto.






       Habang ito namang katabi ko sa paglalakad ay mukhang bagot-bagot na. Ito rin, bakit nandito rin itong batang ito? Aba'y kay gwapo, nakakapag-ingles at seryoso palagi. Naalala ko tuloy si Calvin sa kanya. Sumagi na naman siya sa isipan ko. Dapat hindi ko na siya dapat alalahanin pa.





Into You : MONDEJAR SERIES 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now