4

5 1 0
                                    

Nang pumasok ako sa room ay guilty ang tingin sa akin ng lahat dahil habang nasa ground ako kanina ay nakita ko silang nasa labas at tinatanaw ako. Agad silang pumasok nang makita akong nakatingin.

Umupo ako sa madalas kong upuan at agad bumaling sa'kin sina Sophy at Lucy. Walang preno ang bibig at agad nagtanong

"So totoo nga?! May gusto sayo ang Zenn na yon kaya tingin siya ng tingin habang nasa klase ni Sir Duray?!" Si Lucy na medyo hysterical ang pagkakasabi na binigyan ko lang ng 'fuck you' sign para sabihing ang OA niya. Bumusangot ako at ipinakita ang kawalang pakialam sa usapan.

"Pwede naman Isay basta pag kayo na siguraduhin mong hindi siya makakapag-advance study para di na siya pabida sa klase ni Sir Duray!" Si Sophy naman na hanggang ngayon ay iniisip pa rin na nasapawan siya mg lalaki.

"Tangina ano yun Carissa? Narinig ko ang usap-usapan sa baba?!" Si George na kakapasok lang hindi alam na kasunod sa likod ang lalaking yun. Natahimik lahat.

Lumapit siya sa'kin at umupo sa upuang bakante sa harap ko. Wala oa yata ang nakaupo roon. Tiningnan ang mukha ko at naghahanap ng sagot doon.

"Totoo nga?!" Humalakhak siya na tila isang nakakatawang balita ang malamang nililigawan ako ng napakamisteryosong tao sa klase namin. Kahit hindi ko siya tinitingnan ay nakita ko sa aking peripheral view na naupo na siya sa upuan niya na ang inuupuan lang ni George ang pagitan namin.

"Tumahimik ka nga! Naririndi ako sa boses mo!" Pagalit kong sigaw at kunwari ay may kinakalkal sa sling bag na dala. Isa iyong itim na sling bag na may tatak na channel galing kay mama noong nakaraang birthday ko. Hinding hindi ako gumamit ng back bag kailan man mula nang nag high school ako dahil ayokong magmukhang elementary lalo na at di ako katangkaran. Nagmumukha lamang akong matangkad dahil sa hubog ng katawan ko na hindi naman ganon kapayat pero hinding hindi naman mataba.

Dumating pa sina Mike at Matt pati ibang kasama namin na hindi ko naman talaga napapansin dahil hindi ko gaanong nakakausap. Basta alam kong parte ng barkada edi ayos. Pareho ang kanilang tanong at nahihimigan ko rin ang pagkamangha at pagkaaliw habang pabalik-balik ang tingin sa amin ni John Zenn Faneriño. See? Ni hindi ko alam kung anong itatawag sa kaniya pero minsan naririnig ko ang iba sa klaseng ito tinatawag siyang Zenn o kuya Zenn.

Bagama't hindi nagtatanong ang iba naming kaklase dahil Hindi naman kami close, kita ko sa mga mata nila ang pagiging curious dahil kanina pa sila nakatuon sa usapan namin. Buti na lang tumunog na ang bell hudyat ng susunod na klase. Bumalik na rin si George sa upuan niya dahil dumating na ang nakaupo dun. Natahimik na ang lahat, hinihintay ang pagdating ni Mr. Duray pero bago iyon narinig ko ang biglaang pagtikhim ni John Zenn kaya napunta ang tingin ng lahat Sa kaniya. Pati ako, oo. Tumingin siya sa akin at inayos ang salamin sa mata sabay bigay ng nakakakokong ngiti.

"Sabay tayong umuwi mamaya Carissa!" Iyon lang at bumalik ang tingin nya sa unahan. Nakita ko naman ang lahat na tumingin sa akin maging ang katabi kong sina Lucy at Sophy. Sasagot pa sana ako pero eksaktong dumating na si Sir kaya buong klase ay insip kung paano makakaganti sa pagkakapahiyang ginawa sa'kin ng walang hiyang lalaking nasa unahan ko!

Hindi pa natatapos ang klase ay atat na akong sunggaban siya pero pinanatili ko ang pagiging cool ko at iniisip ang mga ibabato sa kaniya mamaya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa lahat na magsasabay kami pauwi! Nakakagigil siya!

Sabagay matagal na akong walang boyfriend. It's been five or seven days. I lost count. Well, pwede ko rin naman talaga siyang patulan. Parang katulad rin lang siya ni Alex. Mayabang pero hindi rin nakapalag ng ayawan ko.

Nang matapos ang klaseng iyon ay agad nag-ingay para sa paglilipat ng room. Kulang pa kasi ang room sa senior high dahil sa madaming sections at nagpapatayo pa lang ng extension sa likod nitong building kung nasaan kami.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now