23

4 1 0
                                    

Ramdam ko na ang init ng sikat ng araw sa kinahihigaan ko pero tinatamad akong bumangon at nanatiling nakapikit. Saka nag-flash sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Napabangon ako bigla at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang katabi ko. Dumaan ang sandamakmak na kaba sa dibdib ko. Kahit naaalala ko ang mga nangyari, gusto ko pa ring makasiguro.

"John Zenn!" Pumiyok ang boses ko at nag-uunahang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon pero bigong bigo ako sa sarili ko. Ganon na lang kadali iyon? Isang gabi lang ang lumipas nawala na sa'kin lahat?

Kinuha ko ang nagkalat na damit at nagmamadaling sinuot ang mga iyon. Nahirapan pa ako dahil nanginginig ang mga kamay ko at masakit pa rin ang ulo ko epekto ng sobrang pag-inom ko kagabi. Nanghihinang hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha. Hindi alam ang gagawin dahil sobrang gulo ng isip ko sa ngayon.

"John Zenn gumising ka!" Sumigaw na ako dahil sa pinaghalong frustration at kaba. Naalimpungatan naman siya at kaagad na bumangon nang makita akong umiiyak. Pero hindi na rin siya nakapagsalita nang makita ang pwesto naming dalawa.

Pinahid ko ang mga luha at tumingin sa kaniya. Hindi pa rin siya gumagalaw sa pwesto niya kahit nakahubo't hubad siya sa harap ko. Tinakbo ko ang kwarto at kumuha ng kumot. Binigay ko iyon sa kaniya para matabunan ang katawan niya. Tahimik na tinanggap niya iyon.

Ngayon ay parehong walang nais magsalita sa aming dalawa o baka pareho kaming hindi makapaniwala. Magpapaliwanag ba kami dahil nangyari iyon? Magagalit ba ako kahit alam ko namang pwede kong pigilan yung nangyari? Kailangan niya bang humingi ng tawad kahit pareho naming sinadya iyon? Oo lasing kami pero magiging sapat na rason ba iyon para sisihin namin ang isa't isa?

"Magbihis ka na at umuwi," iyon lang ang tangi kong nasabi dahil alam ko na may responsibilidad rin ako sa nangyari at ayaw kong magmukhang malinis sa harap niya. Alam niya na siya ang una pero gusto kong isipin niya na wala lang iyon sa akin. Ayaw kong isipin niya na dapat siyang managot sa nangyari. Ayaw kong maawa na naman siya sa'kin.

Ako naman ang may kasalanan. Ako ang nag-anyaya sa kaniya dito sa bahay at pwedeng ako rin ang dahilan kaya nagawa niya iyon.

Hindi na ako nakapasok sa school at itinulog ko na lamang ang mga oras na mayroon ako na hindi ko rin naman magawa dahil kung saan saan napapadpad ang isip ko. Hindi nababawasan ang sakit ng ulo ko at sa tuwing sinusubukan kong tumayo ay nahihilo ako. Naparami yata ang inom ko kagabi dahil hindi naman ganito kalala ang hangover ko pero ngayon halos hindi ako makaalis sa higaan.

Napakurap ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. May message galing kay Lucy at Sophy. Huminga ako ng malalim bago buksan iyon. Hindi ko alam kong kaya ko bang balewalain ang nangyari kahapon dahil napakaliit na bagay lang naman iyon kung tutuusin. Masyado lang siguro akong naapektuhan na pati sila muntik nang maniwala na buntis ako. Kailangan ko rin ng kausap lalo na ngayon.

Lucy: Galit ka ba? Sorry na please. Nagulat lang kami pero I know you at alam kong hindi totoo yun. We'll find kung sinong naninira sayo at ako mismo ang sasampal sa kanya!

Sophy: Bakit hindi ka pumasok? We reported what happened at hinahanap na ng student council kung sinong gumawa nun.

Hindi ako nag-reply. Suddenly, I've felt uninterested about that anymore. Kung mahanap man nila ang kung sinuman ang naninira sa akin at mapatunayan na mali ang sinasabi niya tungkol sa'kin, e ano naman? May mababago pa ba? Nangyari na iyon at kahit naman anong gawin ko wala nang ikakaganda ang emahe ko sa eskwelahang iyon. Sa buong Sta. Isabel pa nga.

Kinahapunan ay si John Zenn ang napagbuksan ko ng pinto. May bitbit siyang supot na tingin ko ay pagkain dahil amoy pa lang ay natatakam na ako.

"I brought this—"

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now