17

2 1 0
                                    

"Here we go again. Isang taon na naman ng paghihirap."

Pabagsak na umupo si Lucy sa tabi ko at bored na tumingin sa'kin.

"Si Sophy? Wala pa?"

Umiling ako bilang sagot at tamad na hiniga ang ulo sa desk. Tama nga si Lucy. Nakakatamad ang taong ito.

"Canteen muna tayo? Wala pa namang teacher yan lalo't first day!" Ginalaw galaw niya ang upuan ko kaya walang gana akong tumayo at nauna nang naglakad palabas ng room. Konti pa lang ang mga naritong kaklase ko. Kung alam ko lang edi sana hindi na muna ako pumasok.

"Hoy! Wait naiwan ko wallet ko!" Sigaw ni Lucy mula sa room na rinig pa yata hanggang college building. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Binagalan ko rin naman para kung sakali ay maabutan niya pa ako.

Maraming estudyanteng nasa hallway. Siguro dahil first day of school kaya nag-aabang sila sa mga kaibigan nilang hindi nila nakasama nang halos dalawang buwan. Ang iba ay nagmamasid lang din sa paligid kung ano ang mga naging pagbabago. Naghahanap ng mapapansin. Naghahanap ng mapagtatawanan o kung ano pa man. Mangilan ngilan pa rin ang nakakapansin sa'kin at magbubulungan. Konti na lang silang nakakaagaw ng pansin ko. Dati pakiramdam ko lahat ng tao pinag-uusapan ako. Hindi naman sa may pakialam ako pero syempre nagmamasid rin ako.

"Isay! Kanina pa kita tinatawag! Pakyu ka!" Si Lucy na humahangos na lumapit sa'kin.

Dumaan muna kami sa gym at umupo sa bleachers kahit malapit na rin naman ang cafeteria. Naroon kasi ang basketball team at gustong makiusyuso ng kasama ko.

"Sayang next year pa makakasali sina George," aniya habang sinisipat ang mga estudyanteng nag-aagawan ng bola. Naka-uniform naman sila kaya baka katuwaan lang. Usually, September ginaganap ang sports meet at doon naglalaban laban ang bawat college department sa iba't ibang sports.

"Makakapasok naman kaya sila?" Biro ko pero nakatanggap lang ako ng irap mula sa kaniya.

"Siraulo ka! Magkasama tayong magchecheer sa kanila next year!"

Naalala ko yung sinabi ni mama na pagkatapos ng graduation susunod na ako sa kaniya.

Tumambay lang kami ni Lucy sa usual spot namin sa cafeteria habang inuubos ang binili naming float.

"May teacher na kaya?" Tanong niya maya-maya at nagkibit-balikat lang ako.

"Di pa naman magtuturo yun! Kahit naman magturo sya di rin naman tayo makikinig so ayos lang din!"

Sabay kaming natawa.

"Hoy gago nabalitaan ko nga pala na nag-away raw si Alex at Zenn sa pinagtrabahuan mo! Di ka nagsasabi sa'kin!"

Hindi ko na tatanungin kung paano niya nalaman dahil sigurado na talaga ako na nag-hire sila ng spy para sundan ako.

"Ano naman? Importante ba yun?" Balewala kong sabi para hindi na humaba pero dahil nga siya si Lucy, hindi ko siya kayang pigilan.

"So pinag-awayan ka nung dalawa? Ang ganda mo naman!"

"Thanks."

"Anong ginawa mo? Sinong pinili mo?"

"Wala."

"Pero umamin ka! May gusto ka kay John Zenn no?!"

Bago pa ako makatanggi ay nakita na naming papalapit ang grupo. Nangunguna si Sophy na mukhang stress na naman kahit unang araw pa lang ng pasukan. Padabog siyang umupo sa harap namin ni Lucy at ang boys naman ay sumandal lang sa kabilang table.

"Would you believe it?!" Si Sophy na namumula na sa galit. Bago pa kami makapag-tanong kung anong nangyari ay sumagot na si Mike.

"May mga nalipat sa section natin. Kapalit nang mga nalipat sa higher section. Rinandom ata nila."

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now