20

2 1 0
                                    

"Lucy wala bang after-party sa birthday mo? Ang boring naman nun!"

Naglalakad kami palabas ng school habang pinag-uusapan ang nalalapit na birthday ni Lucy.

Oo nga pala! Wala pa akong regalo!

Siguro dadaan na muna ako ngayon sa shop sa bayan para bumili ng regalo. Pero medyo madilim na dahil nag-extend ng oras iyong last subject namin. Badtrip!

"Syempre meron! Kaya doon na kayo matulog sa bahay ha! Magdamag tayong mag-iinom!" Sabay kaming nagkatawanan.

Nasa gate na kami nang napansin ko ang mga estudyanteng tumigil at nakatingin sa amin.

"Anong meron?" Si Sophy na nagmasid sa paligid. Ako naman ay nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad pero natigilan rin nang may humarang na bulaklak sa harap ko.

"C-Carissa, f-flowers for y-you."

Napirmi ang tingin ko sa nanginginig niyang kamay habang inaabot sa'kin ang isang bouquet ng pinaghalong pula at pink na rosas.

"Razel?" Tiningnan ko siya habang nakatungo ang ulo sa harap ko. Nanginginig na ang mga braso niya kaya kinuha ko na ang bouquet. Mukhang nakahingi naman siya nang maluwag dahil unti-unti niya nang inangat ang tingin sa'kin.

"Sa labas na lang tayo mag-usap?" Hindi makapaniwa kong tanong sa kaniya dahil nasa amin na ngayon ang atensyon ng mga estudyanteng palabas at papasok ng campus. Bigla tuloy sumikip sa gate at sinisigawan na kami ng guard.

"S-sige."

Nauna na akong maglakad habang ramdam kong nakasunod ang mga yapak niya sa'kin. Muntik pa akong matumba nang may bumangga sa'kin. Buti na lang ay agad may mga brasong umangkin sa bewang ko.

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ng kung sinuman iyon at hinanap ang bumangga sa'kin.

"Putangina! Sino yun?!" Nang walang mahanap ay naaasar kong binalikan ng tingin ang nakasalo sa'kin para magpsalamat sana pero nagbago ang isip ko.

"Bastos!" Nilampasan ko siya hawak ng isang kamay ang bouquet na binigay sa'kin. Sa lahat naman nang pwede sumalo sa'kin, iyon pang lalaking yun! Mas gugustuhin ko pang mahulog na lang kaysa madikit sa kaniya!

Si Razel nga pala!

Tumingin ako sa pinanggalingan pero wala na roon si Razel. Sa halip ay ang papalapit na si John Zenn ang humarang sa paningin ko. Tsk.

"Bastos? Seriously? You almost fell to the group you know? Kung hindi kita nasalo—"

"Edi mas maganda! Sana hinayaan mo na lang ako mahulog kaysa matsansingan mo!" Ngumiwi ako na tila nandidiri na mas lalo namang nagpakunot ng noo niya. Pero hindi rin nagtagal ay nagbago ang ekspresyon niya. Nakahanap yata ng pantapat sa'kin.

"Of course I won't let my girls get hurt," aniya sa pigil na pagtawa.

"Siraulo ka ba ha?" Kuyom ang mga daliri, nilapitan ko siya. Pinatunog ko pa isa-isa ang mga daliri ko sa kamay sa harap niya kahit medyo masakit.

"G-girlfriend?" Napalukso pa ako sa gulat nang may marinig na pamilyar na boses sa likod ko. Sabay pa naming tiningnan kung sino iyon.

Oh! It's Gela!

"Gela!" Bati ko sa kaniya at kumaway pa. Ngayon lang ulit kami nagkita dahil hindi siya sumabay mag-lunch sa amin mula noong nakaraang araw, kahapon at ngayon. Hinahanap nga siya nina Lucy at George.

"Bakit di ka na sumasabay sa'min maglunch?"

Sa halip na sagutin ay tumingin siya sa nasa likod ko.

Heat, Waves and Heartbreak| Blazing Series #1Where stories live. Discover now