Kabanata XXII-"Ayra,Lumaban ka!"

446 26 5
                                    

!{|S•P•G ALERT|}!


Heneral POV.

Malalim kong inisip ang mga nangyari kanina.Habang mahina akong naglalakad sa dalampasigan ng lawa.

Bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.Tila ba isang kidlat na biglang tumama sakin at kusa nalang tumitibok ang puso ko sa kanya

Ngunit hindi ito maari,hindi tama na mahulog ang loob ko sa isang hamak na babaeng hindi ko dapat pagkatiwalaan.Mali itong nararamdaman ko,kailangan ko itong pigilan.Isang pagtataksil ang ginawa ko.

"Hindi maari ito...hindi maari!!!!"pagsisigaw ko.

Sinisilayan ko ang malawak na lawa.Napakapayapa ng paligid,tila dinadamayan niya ako sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.Habang tumatagal na nakakasama ko siya,mas lalo ko siyang nakilala.

Hindi ko alam pero sigurado akong may tinatago pa siyang mithiin na hindi ko pa nalalaman.Kailangan mag ingat ako sa kanya,baka darating ang panahon ako mismo ang mapapahamak.

Hindi ko siya hahayaan na mapagtagumpayan ang kanyang misyon,masyado siyang mahina at lalong lalo na galit ako sa kanya base sa kanyang pananalita at kinikilos.

"Bukas na bukas,gagawin ko na ang plano ko.. Kailangan ko siyang maunahan,bago niya pa ako maisahan."

Disedido na ako sa plano ko para sa kanya.At pagkatapos iyun,wala na kaming poproblemahin pa.May tao rin na karapat-dapat na gumawa ng misyon,at darating rin ang panahon na iyun.

Ayra POV.

Pilit parin akong binabagabag ng konsensya ko,hindi ko inasahan na magagawa ko iyun.Hindi ko napigilan ang sarili ko,nagpadalos-dalos ako sa naging desisyon ko.

Sa lahat na pagkakataon na pinagtatanggol niya ako,ito ang ipapalit ko sa kanya,ang pagiging agresibo at wala sa lugar na pagdidisesyon.

Sigurado akong hindi niya ako mapapatawad,sigurado akong galit siya sa ginawa ko.

"Ano ba tong nagawa mo Ayra,mapapahamak ka talaga.!"unti unti akong napanghihinaan ng loob.

Tinititigan ko ang maliwanag na lampara na nasa harapan ko,napapansin ko rin ang gamu-gamo sa paligid nito.Napaisip ako kung sakaling darating ang panahon na mapagtagumpayan ko man ang misyon,ngunit doon ko pa lang napagtanto sa sarili ko na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ewan ko ngunit habang tumatagal na nakakasama ko siya,ramdam ko ang kakaibang saya at komportable ako sa piling niya.

"Arghhh!!!..Ayra,...Ano ba talaga..!!"

Naalala ko ang box na nakasilid sa mga bagahe namin,tinungo ko ito at sinubukang alamin kung anong laman nito.

Dinala ko ito sa maliit na mesa,at binuksan ko ito.At nakita ko ang laman nito ,ang isang lumang papel,isang balahibo ng manok at mukhang tinta ata.
Inilabas ko ito at isa isang inilapag sa mesa.

Habang sinisilayan ko ito,napangiti ako ng may maisip akong idea.

Sa pamamagitan ng pagsusulat,maipahayag ko ang saloobin para sa kanya.Makapagpatawad narin ako sa mga nagawa ko sa kanya kanina.Hindi ko kase kayang makipag-face to face sa kanya,mahirap kaya magsalita habang nasa harap ko siya.

Alam ko ang ganitong paraan ng pagsusulat,minsan ko nang nakita sa YouTube to.Isang makalumang paraan ng pagsusulat.Sinimulan ko ng buksan ang ink at nagsimula na ako sa mano manong pagsusulat.

Mararanasan ko narin to..

Mukhang mahirap ata ah..

"Dear Heneral Ansilmo......."

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now