Kabanata XXXII-Malaya ka na

332 17 2
                                    


Ayra POV.

"Ayra,maari ba kitang aking maging kasintahan?"

Malakas ang kabog ng dibdib ko nang binanggit niya ang mga salitang iyun.

Nanginginig na buong katawan ko,tumatayo narin pati ang mga balahibo ko.Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Masyado akong nabigla sa kanyang sinabi.Ano bang kailangan kong gawin,di ko alam kung matutuwa ba ako o magugulat.

Tiningnan niya ang mga mata ko at inantay niya ang magiging sagot ko.

"Uh...ehhh.."kinakabahan na ako.

Paano ko sasabihin sa kanya,ayuko siyang masaktan.Oo,alam ko sa sarili ko na mahal ko si Heneral ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon upang maging kasintahan niya ako.Hindi pa nasasagot ang lahat ng mga katanungan sa isipan ko.

Tumayo ako at mabilis na tumakbo paalis.Kasabay nito ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko.Alam kong nasaktan ko si Heneral,ngunit wala akong magagawa.Gulong gulo pa ang isipan ko sa ngayon.

Ayukong darating sa punto na baka magsisi ako kapag magpadalos-dalos ako sa magiging desisyon ko.

Tumungo ako sa kwarto ko at buong araw kong ikinulong ang sarili ko.

Kailangan kong pag-isipan lahat,ang mas importante ngayon ay malaman ko muna ang lahat lahat.Marami pang bumabagabag sa isipan ko na hindi ko alam kung papaano ito mabibigyan ng kaliwanagan.

Kinaumagahan mabilis akong bumangon sa kinahihigaan ko,nais kong ipagpatuloy ang layunin ko dito sa mansion.Gusto kong sa madaling panahon malaman ko na lahat ang kanilang mga lihim.

Patago akong lumabas sa kwarto ko,at maingat ang bawat galaw ko.Wala akong mukhang maihaharap sa kanila ngayon dahil sa nangyari kahapon.At tsaka ayuko muna silang makausap,gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip isip narin.

Habang naglalakad ako sa isang malawak na pasilyo,iniisip ko ang mga pangyayaring nakita ko sa loob ng kulungan.

Litong lito parin ako,hindi ko masyadong naiintindihan ang pangyayari.Si Heneral Ansilmo nga ba talaga ang naging dahilan kung bakit ikinulong ang mga taong iyun,ngunit sino sila?Bakit nagkasunog ang kulungan na iyun na humantong sa pagsumpa nila kay Heneral.

Habang nagpapatuloy ako sa paglalakad ko,bigla akong napahinto ng may maisip ako.

"Sinabi sa akin ni Heneral noon na natalo sila sa kanilang pakikipaglaban sa mga Hapones,ngunit wala siyang binanggit kung anong dahilan ng kanyang pagkamatay."

"At isa pa,labis kong pinagtataka kung talagang multo o kaluluwa si Heneral,bakit nahahawakan ko siya?,bakit nakikita ko siya?"

Mas lalong gumugulo ang mga pangyayari,nanggigil na talaga ako,gustong gusto ko ng mabigyan ng kaliwanagan lahat ng ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko at lumilingon ako sa bawat paligid,baka may makita ulit akong pintuan na maari kong pasukan.

Ilang sandali pa ay napadpad ako sa isang malaking pinto.

Nanginginig ang mga tuhod ko habang sinisilayan ang pintuan sa silid ni Heneral.

Sigurado akong marami akong malalaman sa silid na iyan kapag pumasok ako,kaso kinakabahan ako baka andiyan si Heneral.

Nilakasan ko ang loob ko at huminga ng malalim.Sinubukan kong buksan ang pinto,at swerte naman ako dahil nakabukas ito.

Tiningnan ko ang loob nito,medyo madilim at wala akong masyadong makita.Nilakihan ko ang pagkabukas ng pinto upang pumasok ang liwanag galing sa labas.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now