Kabanata XXX-Ang Panliligaw

387 16 4
                                    

Heneral Ansilmo POV.

Gagawin ko ang lahat upang mapatawad lang ako ni Ayra,kahit ano pang nais niyang gawin para sakin,handa akong harapin iyun.

Ito lang ang paraan upang makabawi ako sa lahat na pagkukulang ko sa kanya.

Masakit mang isipin na darating ang panahon na ang lahat ng paghihirap kong ito ay maglalaho rin kapag tuluyan nang mapagtagumpayan ni Ayra ang kanyang misyon dito sa amin.

Pero hangga't hindi pa iyun nangyayari,ilalaan ko muna ang mga nalalabing oras ko para sa kanya.Hindi ko hahayaan itong nararamdaman ko para sa kanya na masasayang lang.Nais kong maipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Malaki rin ang pasasalamat ko sa aking mga katiwala dahil kahit papaano tinutulungan parin nila ako.

Maraming mga misteryo ang nakabalot sa aming mansion na maging ako ay hindi ko magawang maipaliwanag iyun.Sana darating ang panahon na maintindihan ni Ayra ang lahat ng ito.

"Layuan mo nga ako!!"saway sakin Ayra,galit niya akong tiningnan habang pilit na lumalayo sakin.

Ngumiti lamang ako sa kanya at tiningnan ang orasan kung hindi ba ako nahuli.Laking tuwa ko ng makita kong hindi pa nauubos ang buhangin.

"Tagumpay!!"sigaw ko.

Nakita ko rin mula sa gilid ko ang mga masasayang ngiti ng aking mga katiwala habang kumakaway sakin.

"Walang kahirap-hirap na napagtagumpayan ko ang iyong unang hamon binibining Ayra."sinulyapan ko at mukhang hindi magawang matanggap ang pangyayari.

"Edi wow...Bukas na bukas ipaghanda mo ako ng makakain..yung masarap..at pagkatapos niyon ipagpapatuloy natin ang hamon mo.."saad niya sakin bago siya naglakad papalayo.

Hindi ko man maintindihan ang kanyang sinabi ngunit nasisiguro kong hindi niya pagsisihan itong ginawa kong pagpapakahirap para sa kanya.Napangiti nalang ako habang tinitingnan siyang naglalakad papalayo samin.

Kinaumagahan,mabilis akong napabangon sa aking kinahihigaan ng maalala ko ang sinabi ni Ayra sakin kahapon.Hindi na ako nagsayang ng panahon at agad akong tumungo sa kusina.

Hindi na mahirap para sakin ang pagluluto dahil isa ito sa natatanging talento noong kapanahonan.Natutunan ko ito sa mga magulang ko noon na nagmamay-ari rin ng isang maliit na kainan sa aming bayan.

Hanggang ngayon hindi ko parin iyun nalilimutan kaya susubukan kong magluto sa isa sa mga paboritong putahe ng aking mga magulang noon.

Kahit na malamig pa ang paligid ay ipinagsawalang bahala ko ito,makapagluto lang ako ng masarap para sa aking irog.

Ayra POV.

Agad akong napaisip na siguro masyadong madali lang ang pinagawa kong pagpapakahirap para kay Heneral kahapon,but it's ok.

Hindi pa naman tapos ang hamon ko para sa kanya,marami pa siyang mapagdadaanang pagsubok bago ko siya patawarin.Just like what I said,hindi papakabog ang beauty ko sa kanya.

Natigilan ako ng may kumatok sa pinto,agad ko itong tinungo at binuksan ito.

Nasilayan ko muli ang kanyang matamis na mga ngiti.

"Bwiset, ito na naman tayo.Pigilan mo ang iyong sarili Ayra..Wag kang papadala sa mapang-akit na mga ngiting iyan.."

Inayos ko ang sarili ko at hinarap siya habang nakataas ang kaliwa kong kilay.

"Anong sadya mo.."sumbat ko sa kanya,masyado naman siguro akong walang respeto.

"Nakahanda na ang iyong agahan binibi"sabi niya sakin.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now