VI. Like Any Great Love: Ang Bulaklak na Mirasol

390 115 158
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

HER P.O.V.

(Mirasol Leonore Rivera)

🌻🌻🌻

"Paano mo nahanap ang lugar na 'to?" tanong ko sa lalaking ngayon ay prenteng nakaupo sa aking tabi. May sapat na distansya sa pagitan naming dalawa habang nakaupo sa papag na narito sa loob ng kubo.

Pareho naming tinatanaw ang lawa mula sa aming kinalalagyan.

"Napag-isip isip kong ikutin ang buong Hacienda Rivera. Nagmula ako sa taniman ng abaka at balak sanang magtungo sa pinyahan nang madaanan ko ang lugar na ito," paliwanag niya bago inihagis ang maliit na bato sa lawa.

Nailing naman ako sa ginawa niya.

"Huwag mong batuhin ang lawa at baka ikagalit ito ni Mariang Makiling. Alam mo bang sinasabing paliguan niya ang lawang 'yan," ani ko bago ko ibinaling ang aking tingin sa kaniya. Nanlalaki naman ang kaniyang mata na tinagpo ang aking mga tingin.

Pinigil kong huwag matawa sa reaksyon niya ngunit hindi ko kaya. Tila isa siyang bata dahil sa aking sinabi.

"Seryoso ba ang iyong sinabi? Ang lawa na 'yan ay paliguan ni Makiling?" At biglang gumuhit ang isang mapaglarong ngisi sa kaniyang mga labi. "Kung ganoon, mukhang mapapadalas ako rito upang mapatotohanan ko ang k'wentong iyan," aniya bago tumango.

Kaagad naman akong napaiwas ng tingin at napausog ng upo palayo sa kaniya. Mukhang hindi tama na kinausap ko ang lalaking ito.

"Hindi ko nagustuhan ang lumabas sa 'yong bibig, Ginoong Mario," direktang sabi ko bago ako napabuntong hininga.

Nang muli akong bumaling sa kaniya, napansin ko ang pag-aalangan niya. Napakamot pa siya sa kaniyang batok.

"Paumanhin, Binibining Mirasol. Ako'y nagbibiro lamang at walang nais ibang pakahulugan sa aking mga sinabi," saad niya bago binigyan ako ng alinlangang ngiti. "Ipagpatawad mo ang aking kapangahasan."

Hindi ko kailanman nagustuhan kung paanong itrato ng mga kalalakihan ang mga babae simula no'ng dumating ang mga Amerikano. Kung malala ang diskriminasyon sa kababaihan noong panahon na nasa ilalim ng pamumuno ng mga Español ang Pilipinas, mas lumala ngayon. Sa kabila nang pakikilahok ng mga babae sa aspeto ng edukasyon at trabaho, nanatiling mababa ang tingin sa amin. Mas mababa kaysa sa mga kalalakihan.

Bukod do'n, itinuturing ding tila isang bagay na nagbibigay ng aliw ang mga kababaihan na talagang kinasusuklaman ko. Nakakadiri.

Like Any Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon