XII. Like Any Great Love: Unti-unting Nagugustuhan

223 64 65
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

HER P.O.V.

(Mirasol Leonore Rivera)

🌻🌻🌻

"Mirasol! Gising na, Mirasol!"

Kaagad akong napadaing nang kasunod ng matinis na boses na 'yon ni Manang Elena ay ang pagyugyog niya sa aking katawan.

Hindi pa siya nakuntento at talagang dinaganan niya pa ako dahil nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

"Manang Elena naman e!" At buong lakas ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko.

Minsan napapaisip na ako sa edad ng aking ate. Siya'y dalawampu't tatlong taong gulang na ngunit kung umasta siya'y tila mas bata pa siya sa aming pamangkin na si Makang.

"Bakit ba kay aga mong manggising? Hindi pa tirik ang araw, Ate," nakabusangot kong tanong bago ko hinila ang hibla ng buhok niya upang makaganti sa pagdagan niya sa akin.

Natawa naman siya at parang ewan pang inayos ang buhok ko. Himala at hindi siya nainis sa ginawa kong paghatak sa kaniyang buhok.

"Mabuti nalang at gumising ka rin aking mahal na kapatid," nakangiting niya pang turan bago umusod ng upo palapit sa akin.

Kaagad naman akong umatras at itinakip ang aking mga braso sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko sa itsura ni Manang Elena— ngiting-ngiti kasi siya.

"Umamin ka sa akin ngayon, anong kailangan mo?" At pinaningkitan ko pa siya ng mga mata.

Kapag ganito kabait sa akin ang ate, wala nang tanong do'n— may kailangan siya sa akin.

"Ikaw naman bunso! Kapag mabait ako, may kailangan na kaagad?"

"Alam ko ang hilatsa ng iyong bituka dahil magkapatid tayo, Elena Leonore Rivera." At nailing pa ako. "Kaya sabihin mo na sa akin kung para saan ang panggigising mo nang ganito kaaga."

Sandali siyang natahimik bago hinawakan ang kamay ko at binigyan ako ng nagpapaawang mga tingin.

"Mirasol... Wala ka namang gagawin ngayong umaga, 'di ba?"

Umiling naman ako bilang tugon. Mas lumawak naman ang ngisi ng aking ate.

"Mamayang tanghali ka pa rin naman pupunta sa Hacienda Rivera, hindi ba?"

Napaawang ang aking bibig nang maintindihan ang nais niyang ipakahulugan sa mga tanong na iyon.

"Huwag mong sabihin sa aking ako ang maghahatid kay Makang sa kaniyang paaralan ngayong araw?" At pinandilatan ko siya ng mga mata.

Nahuli na ako dati patungong Hacienda dahil biglaan niya sa aking ipinasundo si Makang. Ngayon naman ako ang maghahatid sa batang 'yon?

"Sige na, Mirasol. May lakad kasi kami ngayon ni Marcelo," pakiusap niya at mas humigpit pa ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay. "Minsan lang kaming lumabas ng aking nobyo. Pagbigyan mo na ako bunso. Sa susunod na linggo ay aalis muli ang aking Marcelo para sa isang negosyo."

Like Any Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon