***
HER P.O.V.
(Mirasol Leonore Rivera)
🌻🌻🌻
Nagbuntong hininga ako nang makababa kami sa kalesa ni Manang Elena ay kaagad na lumapit sa akin si Mama. Inayos niya ang payneta na na nakakabit sa aking buhok.
"Kababae mong tao, Mirasol! Pero hindi ka marunong maglagay ng payneta?" inis niya pang sermon na tinawanan naman namin ni Manang Elena.
"Dito pa talaga kayo nag-ayusan ng buhok? Nasa tapat tayo ng simbahan Saturnina," sambit naman ni Papa na nasa gilid ni Mama at nakabusangot ang mukha.
"Huwag mo nga akong tawaging Saturnina! Ang sabi ng mga kumare kong kana, mas magandang pakinggan kung Saturn ang aking pangalan, Fernando," mataray na sagot ni Mama na ikinabusangot naman ng mukha ni Kuya Fernando dahil alam ko namang inis na inis siyang isinunod ang kaniyang pangalan sa aming ama.
"Are you calling my father, Grandma?" singit pa ni Makang na tuluyan ko nang ikinatawa.
E paano ba naman, mukhang natatae na si Kuya Fernando sa sobrang inis.
"Hoy Mirasol! Kung makatawa ka riyan ay dinaig mo pa ang mga manggagawang lalaki sa pinyahan," saway ni Mama 'tapos ay pinandilatan pa ako ng mga mata.
"Ipagpaumanhin mo Ginang Saturn. Hindi na po mauulit."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Mama dahil sa itinawag ko sa kaniya. Naiiling naman si Papa dahil tumalab ang pambobola ko sa aking ina na ngayon ay halos mapunit na ang labi sa sobrang lawak ng kaniyang ngisi.
"Tama na nga 'yan. Pumasok na tayo sa simbahan," ani ni Papa bago niya kinuha ang kamay ni Mama at magkahawak kamay silang pumasok sa simbahan.
Napangiti naman ako sa hindi matatawarang pagmamahalan ng aking mga magulang. Nais ko ng ganoong pag-ibig- wagas at panghabangbuhay.
"Hindi pa ba sumasagot si Francisco sa liham na ipinadala mo sa tahanan nila kahapon?" tanong ni Manang Elena habang nakasunod kami kila Mama na papunta sa pinakaunahang hanay ng upuan.
Nawala naman kaagad ang ngiti ko nang maalala na naman si Francisco. Maaaring nagtampo siya o baka nagalit pa nga dahil itong magaling kong kapatid ay sinabing magkasama kami ni Mario.
"Maaaring galit siya sa akin, Manang Elena. Ikaw naman kasi e," sisi ko sa aking kapatid bago kami naupo.
Katabi ko si Manang Elena sa upuan at nasa tabi naman niya si Kuya Fernando na katabi naman ang aming mga magulang. Si Makang ay nakakandong sa kaniyang ama.
"E malay ko ba namang pagseselosan niya si Mario. Sa tagal ninyong dalawa ni Francisco, dapat hindi na siya nagseselos sa ibang lalaki."
"Mahal niya kasi ako kaya gano'n. Mas magtataka ako kung hindi siya magseselos at hahayaan niya lang ako kung kani-kaninong lalaki," naiiling kong tugon kay Manang Elena.
BINABASA MO ANG
Like Any Great Love
Historical FictionTaong 1917, isa si Francisco Rafael Magsalin, 19 taong gulang, sa mga Pilipinong napili upang ipaglaban ang bandila ng Amerika sa Unang Digmaang Pandaigdig (The Great War). Dahil sa responsibilidad na ito bilang sundalo ng mga puti, kinailangan niya...