Swords 22: The Elemental princess

1.1K 112 16
                                    

Swords 22:

'RIRI'S POV:

Kinabukasan, nagising na lamang kami dahil sa kakaibang ingay na naririnig mula sa labas at loob ng Academy.

Nang lingunin ko si Jeni ay nagulat na lamang ako sa hawak niyang pana at palaso? Tila nagmamadali siya.

"Uh, Jeni? Anong nangyayari? Bakit parang ang ingay sa labas? At saka bakit may hawak ka niyan?" I asked curiously.

"Uy, dali, bilisan niyo! Nilulusob tayo ng Dark Armies!" natatarantang sambit nito.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Mimi. "Ano?" sabay-sabay naming sambit.

"Oo! Dali na, bilisan niyo na!" Kumuha siya ng ilang pana't palaso at inihagis ito sa aming tatlo. Napatitig na lang kami rito. "Bilisan niyo na! Gisingin niyo si Shishi at ibigay niyo 'to sa kanya! Mauuna na ako, sige na!"

Agad siyang tumakbo palabas ng dorm. Kami naman ay muling nagkatinginan ng may pagtataka sa mukha.

"Ano naman iyong Dark Armies?" takang tanong ni Bibi sa 'kin.

"Malamang ay mga kalaban. Hindi naman magkakagulo sa labas kung walang kalaban," sabi ko at tumayo. "Tara, bilisan niyo na. Kailangan nating tumulong."

Agad kaming nagbihis at saka ko ginising si Shishi. "Shishi, wake up! Nilulusob ng mga kalaban ang buong Academy!" 

Agad naman siyang nagmulat ng mata, gulat na gulat at natatarantang napatingin sa akin.

"A-ano? Nilulusob ang buong Academy?"

"Oo! Bilis na!" I threw her the bow and arrow.

Sandali siyang napatitig dito at agad na kumilos. Sabay-sabay na rin kaming lumabas ng dorm at tinakbo ang lugar kung saan nanggagaling ang gulo.

Halos malula kaming apat sa nakikita. Napahinto kami saglit. Ang daming men in swords at mga ugly creatures na hindi ko alam ang tawag. Nandito rin ang mga Ninja at lahat sila ay busy sa pakikipaglaban. Ang ibang mga estudyante ay nahihirapang talunin ang mga ito dahil ang lalakas ng mga mahika nito.

"Uh, sisteret? Mukhang kaya niyo na 'ata sila. Sige, balik na ako sa—" Agad hinila pabalik ni Bibi si Mimi at sinamaan ito ng tingin.

"Hindi ka puwedeng umalis. 'Wag kang duwag, maliwanag? Kaya lagi kang talo pagdating sa laro natin, e. Dahil ang hilig mong umatras! Tapos 'pag natalo, mapipikon ka? Sipain kaya kita?" paninermon ni Bibi rito.

Agad namang napanguso sa inis iyong isa. "Grabe ka naman makapagsalita! Tagos na tagos sa puso ko, ah! Nagbibiro lang naman ako!"

"Pwes, hindi nakakatuwa ang biro mo!"

"Tara na!" Naunang tumakbo sa amin si Shishi at agad na nakipaglaban.

Sumunod na rin kami at pinagpapana ang mga men in swords at mga Ninja. But to my surprise, imbis na maubos ang mga kalaban ay lalo pa itong dumarami na siyang ipinagtataka at ikinaiinis ko. Goodness! Baliktad ba ang nangyayari? Kapag nakapatay ay dumodoble ang mga kalaban? Ayos, ah! This is so unfair!

*****

THIRD PERSON POV:

Magulo ang buong Academy. Marami ang mga kalabang lumusob at walang ibang nakakaalam kung ano ang dahilan ng mga ito, maliban na lamang sa apat na magic princes at mga namumuno ng Academy.

"Damn, shit! Bakit biglaan naman 'to?" naiiritang sigaw ni Titus habang nilalabanan ang isang dragon na bumubuga ng apoy. Ginamit niya ang kanyang espada na ang pangalan ay Terra Sword. Sa tulong ng kanyang espada ay lalo niyang napapalakas ang kanyang Earth magic.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon