Swords 32: Hena

907 88 11
                                    

Swords 32:

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nakaupo rito. Tahimik lamang kaming apat na kumakain samantalang abala naman silang lahat sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Simula nang malaman kong mga magulang pala ni Amos ang namumuno sa buong Centro ay hindi na ako naging komportable pa. Talagang gulat na gulat ako.

Ramdam na ramdam ko ang tensyong bumabalot sa akin kaya nakayuko lang ako buong oras. Kapag tinatanong kami ay si Riri na lamang ang sumasagot.

Magkakatabi kaming apat at kaharap naman namin ang apat na magic princes na katabi rin ang Magic 10. Kaharap ko ngayon si Amos na katabi naman si Diane kaya lalo lang akong hindi naging komportable. Naiinis ako dahil ang sweet ni Diane kay Amos at ang lambing pa. Ni hindi ko nga ginagawa sa kanya iyon. Sabagay, sobrang magkaiba kami ng ugali ni Diane. Kuhang-kuha niya kasi ang ugali ng mama ni Amos kaya siguro iyon din ang nagustuhan ni Amos dito.

Samantalang ako, hindi na nga mahinhin, palaban pa. Pero mas malala naman si Bibi, 'no! Kung tutuusin, ako ang pangalawa sa pinakamabait sa aming apat.

Lintik, pakiramdam ko tuloy ang sikip-sikip ng lugar. Ramdam ko rin na pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Ang hirap huminga kasama nila. Parang pakiramdam ko ay hindi naman kami nabibilang dito. At naiinis ako sa isiping iyon. Si Laksimori naman ay abala rin sa pakikipag-usap sa kanila.

"Kainis naman! Gusto ko nang umalis dito!" naiinis na wika ni Bibi sa isip.

"Ako rin, sisteret!" nakangusong tugon naman ni Mimi habang tinutusok-tusok ang nag-iisang manok na nasa kanyang plato. "Ang hirap huminga kapag kasama natin ang mga tingles na taong ito. OMG talaga!"

"Strangers, hindi tingles!" pagtatama ni Riri.

"Mimi, gumawa ka nga ng dahilan para makaalis tayo?" ani Bibi.

"'Wag. Hindi tayo pwedeng umalis dito hangga't hindi natatapos ang lunch party. Baka kung ano na naman ang isipin sa atin ng mga tao. Tandaan niyo, naging masama na ang imahe natin sa kanila noon, 'wag niyo nang dagdagan," tugon ni Riri.

"Anong gagawin natin, Riri? Tutunganga rito?"

"Oo nga, sisteret. Scarding talaga mga mukha nila, e. Nakakikilabot!"

"Scary nga sabi, e!"

"Anong masasabi mo, Shishi?" tanong naman ni Bibi sa akin.

"Tama si Riri," sagot ko na lang. Mas mabuting magtiis muna kami saglit dito.

"Babyloves! Kain ka pa, oh!" Naagaw ni Zech ang atensyon ng lahat ng tao rito sa mesa nang bigla niyang lagyan ng kanin ang plano ni Bibi. Magkaharap kasi silang dalawa.

"Ano na naman bang kalokohan ito, tsokoy? Hindi ako gutom," naiiritang sambit ni Bibi na pinandilatan pa ng mata si Zech.

"'Wag ka na ngang umangal diyan. Kainin mo na lang iyan. Kailangan mo ng lakas dahil alam kong napagod kayo sa laban kanina." Ngumiti ito sa kanya.

Sinamaan na lang siya ng tingin ni Bibi.  "Bwisit ka talaga, alam mo iyon?"

Napasimangot na lang ako at lalong yumuko. Naalala ko kasing ginawa rin ni Amos sa akin iyon nang kumain kami sa isang carinderia. Ang sakit lang isipin na hindi na mangyayari pa ang bagay na iyon.

"Zechariah, may gusto ka ba kay Bibi?" Napalingon kami kay Mrs. Escuzel na nakangiti sa rito.

"Hindi po ba obvious tita?" nakangising tanong din nito.

Nagkibit-balikat ito saka mahinhing tumawa. "Well, halata naman. Bagay kayo."

Napaubo si Bibi dahil sa narinig. Agad naman siyang inabutan ni Zech ng tubig, pero tinabig niya lang ito at kinuha ang tubig ni Riri.

MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon