Special chapter:
"Amos, bilisan mo na!"
Grabe, ang tagal ng lalaking 'to! Kanina pa ako naghihintay rito. Nilalamok na ako! Dinaig niya pa ako sa tagal niya maligo! Samantalang ako ay bihis na bihis na. Kung bakit kasi isang CR lang ang mayroon dito sa dorm niya.
"Hoy! Kanina pa sila naghihintay sa baba, naiinip na ang mga iyon!" Kinatok ko ang pinto nang paulit-ulit at kaunti na lang ay masisira ko na ito.
"Wait, I'm done!" Agad niyang binuksan ang pinto at unang bumungad sa akin ang napakabangong amoy niya pati na ang hitsura niyang makalaglag-panga. Lintik! Kahit araw-araw ko siyang nakikita ay napakagwapo niya pa rin sa paningin ko. Kumikintab ang maayos at kayumangging buhok niya dahil basa pa. At bagay na bagay ito sa postura at hitsura niya!
Napatitig na lang ako sa kanya. Ngumisi naman ito nang tuso, nang-aasar.
"Enjoying the view, my wife?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip. "Bakit ang tagal mo? May ginagawa ka bang kababalaghan diyan sa loob?"
Humagalpak siya ng tawa na siyang ikinainis ko. "Why are you so mad at me? Hindi mo ba matiis na hindi makita ang hitsura ng asawa mo? Thirty minutes lang naman tayong hindi nagkita."
"At talagang bilang na bilang mo ang oras diyan sa loob, ah?"
Ngumisi lang siya at saka ako inakbayan. "Of course. Let's go, they are waiting for us."
Wala na akong nagawa nang hilain niya ako palabas ng kanyang kwarto na siyang kwarto ko na rin.
Pagdating namin sa labas ng dorm ay bumungad sa amin mga kasama na bagot na bagot na kahihintay sa amin. Nang makita nila kaming papalapit ay agad nagtaasan ang kanilang mga kilay.
"Mabuti naman at dumating pa kayo," sarkastikong sambit ni Bibi.
"Ang aga niyo, sisteret," dagdag ni Mimi na humagikhik lang ng tawa.
"Muntik na nga akong kainin ng langgam dito, oh," Umaktong nagpagpag ng pantalon si Titus.
"Ako nga nilalamok na, e," dagdag pa ni Zech na natatawa na lang.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka tiningnan si Amos na walang emosyong tumingin sa kanila.
"Alam niyo naman kung gaano kabilis maligo itong asawa ko, 'di ba? Kaya pagpasensyahan niyo na," sabi ko.
Nagsiungol lang sila sa pagrereklamo.
"That's not a good reason, Amos," supladong tugon ni Deu na ang sama ng tingin kay Amos.
"Isang oras na kaming naghihintay rito. Lumampas na tayo sa call time," inis na wika ni Bibi.
"You can go without us, you know. Kung nabo-bored na kayo kahihintay sa amin ay nauna na sana kayo. Pwede naman kaming humabol," supladong wika ni Amos at hinila ako para magpamaunang maglakad.
Grabe talaga. Siya na nga ang na-late, aba! Nagmasungit pa. Wala nang nagawa ang mga kasama ko kundi ang mapailing sa kanya at sumunod sa amin.
BINABASA MO ANG
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️
FantasySimula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro...