Chapter 2 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____Yassy POV:
"SERYOSO KA BA? DITO TAYO TITIRA?", inis kong bigkas nang huminto kami sa isang maliit at mabahong bahay.
Matapos ang diskusyon na nangyari sa pagitan namin ni Dad, tuluyan na akong sumama sa lalaking 'to.
I don't have choice anymore.
Lahat ng pera ko kinuha na ni Dad, maging sa bank accounts.
Wala na rin akong malapitan na kaibigan dahil mahigpit n'yang pinagbabawal ito.Kaya sa madaling salita, mahihirapan ako ng husto sa pag-adjust, lalo pa't hindi ko ito kinasanayan.
"Ano pang tinutunganga mo? Pumasok ka na.", sambit ng binata na nasa mismong pintuan habang hinihintay ako na gumalaw.
Napahinga muna ako ng malalim, kasabay no'n, kinuha ko ang alcohol sa aking bag para lagyan ang kamay ko.
Mahirap na, masyadong madumi ang bawat sulok. Baka ma-allergy pa ako at magkasakit dahil sa pesteng bahay na 'to.
"Ang arte.", rinig kong bigkas ni Adrian.
Hindi ko na siya pinansin pa dahil inaantok na rin ako.
Besides, nawala bigla ang mood ko sa naging desisyon ni Dad.So here we go, tumungo na ako sa loob para hindi na ako papakin ng lamok sa labas.
At pagkapasok ko, halos masuka ako sa amoy dahil sa sobrang baho."Bahay ba 'to ng tao? Mukhang bahay ng baboy.", maarte kong turan habang tinatakpan ko ng panyo ang ilong ko.
Kinuha ko na rin ang pabango, at inispray ko ang paligid, para kahit papano, mabawasan ng konti ang amoy.
"By the way, where's my room?", pagtatanong ko sa lalaki.
"Anong room ang sinasabi mo? Wala ka ditong room.",
"Eh ano ang tawag mo dyan?", turo ko sa dalawang pinto na animo'y nagsisimbolo na dalawa itong kwarto.
"Isa lang ang room dito pero para sa akin 'yon. At 'yang isa na nasa kanan ay banyo. Kaya 'wag kang assuming.", pagpapaliwanag niya.
"What?! So you mean, wala akong tulugan?", I asked him.
"Syempre meron. Meron kang matutulugan. At d'yan mismo sa lapag.", ngising saad nito kasabay ng pag-nguso ng labi na tila tinutukoy ang sahig.
Bigla tuloy uminit ang ulo ko, at tila lumalabas na naman ang aking sungay.
"Gago ka ba? Papatulugin mo ako sa pesteng lapag na 'yan? Wala ka yata sa tamang pag-iisip.",
"Matagal na akong gago, Miss. Kaya nga, kahit anong kamalditahan ang gawin mo, hindi mo matatalo ang kagaguhan ko.", wika nito na hindi pa rin mawala ang ngisi.
Napatili naman ako ng malakas nang pumasok na ito sa kwarto niya.
TANGINA! Mukhang makakapatay ako ng tao!
"Nga pala, eto yung kumot at unan na gagamitin mo.", muling saad niya, pagkabukas ulit ng pinto.
Pero hindi ko 'yon kinuha, sa halip, tinitigan ko siya ng matalim.
"Okay. Ilalapag ko na lang dito.", he said again.
And this time, nilagay niya na ito sa sahig.
"--Matutulog na ako, kaya matulog ka na rin. Goodnight and sleep well.", pagpapatuloy ni Adrian na may kasamang kindat pa.
Kumukulo ang dugo ko sa kanya!
Walang modo!
____Asar ko namang pinulot ang kumot at sinapin ito sa sahig.
Kahit ayokong humiga dito, wala na akong magawa.
Inaantok na talaga ako, dahil sa wine na naimon ko sa party ng friends ko.But shit! Ang sakit sa likod. Hindi ako sanay sa matigas na higaan. At hindi ako sanay na humiga sa lapag.
Bakit ba kasi pinaparusahan ako ng ganito ni Dad?
Siguro, kung hindi namatay si Mom, hindi niya hahayaan na mangyari 'to sa akin.
"Hays! Wala bang electric fan dito?!", pagsisigaw ko, baka sakaling marinig ako ng binata.
"May pamaypay d'yan. H'wag kang senyorita!", balik na sambit nito.
Kaya kinalap ko ang tingin para hanapin ang pamaypay na sinasabi niya.
Buti na lang at nasa upuan lang ito, at hindi ako nahirapan na abutin 'yon gamit ang paa ko.
"Tsk! Ang init-init!", asar kong bigkas.
Kahit anong pagpaypay ang gawin ko, hindi pa ito sapat para maibsan ang init sa katawan ko.
Namumuo na rin ang pawis sa aking damit dahilan para mapa-upo muli ako.
"Hindi pa nga nag-iisang oras, parang ayoko ng mabuhay.", pagbibigkas ko habang kinakausap ang sarili.
"But NO! Hindi ko pwedeng ipakita na suko agad ako. Dahil baka isipin ni Dad, nanalo agad siya.", wika ko ulit para magkaroon ng lakas ang aking loob.
At dahil maldita akong babae, hindi ko hahayaan na magwagi ang binata.
Kaya nakaisip agad ako ng paraan, para sirain ang gabi niya.
"HOY! BUMANGON KA NGA DYAN! KWARTO KO 'TO!", bulyaw ni Adrian habang pinapalayas ako sa kama niya.
Yes, pumasok ako sa mismong room niya at wala pasakalyeng tumabi ako sa higaan niya.
And guess what? Dalawang electric fan lang naman ang nakatutok sa lalaki.
Talagang sinolo niya 'to at hindi man lang pinahiram ang isa."Fuck! Sino bang may sabi sa'yo na pwede ka dito?", pagalit na tanong.
"Hindi ko kailangan ng permiso mo. Papasok at papasok ako, kung kailan ko gusto. So better shut your mouth.", mataray na turan ko kasabay ng pagpikit ko ng mata.
Ang kaso nga lang, mabilis n'ya akong binuhat at dinala ulit sa labas.
"Like I've said earlier, hindi uubra ang pagiging maldita mo. Kaya kung binabalak mong pumasok muli sa kwarto ko, sisiguraduhin ko na hindi ka makakalabas na virgin.", wika nito na may kamanyakan sa pananalita.
Potah! Ang wild!
END OF CHAPTER 2

YOU ARE READING
OPERATION: Make the MALDITA suffer❤
RandomSamantha is pure maldita, ayaw na ayaw n'yang may nakakaangat sa kanya. She's pretty and she looks like an angel. Pero yung ugali niya, demonyo dahil sa sobrang kamalditahan. So her dad decided na ipatapon siya sa lugar na hindi niya kinasanayan par...