Con. 19

909 33 0
                                        

Continuation of Chapter 19 (Operation: Make the Maldita Suffer)
____

ADRIAN's POV:

BEING NICE AND GOOD TO HER.

This is what I'm doing right now.

Pinaparamdam ko sa kanya na prinsesa siya sa bahay, pero sa huli, siya mismo ang mahihirapan.

"Adrian, I can help you naman. Madali lang naman maghugas. Actually, natuto na akong maghugas dahil sa mga pinagawa mo sa akin, dati. Kaya ako na dyan. Trabaho ng isang babae ang ginagawa mo.", insist na wika nito habang kinakalabit ako para umalis sa lababo.

Pero nagmatigas ako, kaya humantong sa tapunan ng bula ang nangyari sa amin.

Yung dapat hugas, naging laro dahil sa kakulitan ni Yassy.

"Sabi ng kasi na ako na eh. ", she said.

"Ang dami kong kamalian na pinagawa sayo, Yass. At gusto kong bumawi.", I replied as I pinched her nose.

"P-pero okay na 'yon, Adrian. Kalimutan na natin ang nakaraan. Magsimula ulit tayo in a nice way. Kaya kung ano man ang ginawa ko sayo noon, I'm sorry. Oo, mapagmataas ako. Mataray at maldita na maldita talaga. But now I changed. Nagbago ako dahil sayo. Binago mo ako. Pati yung takbo ng buhay ko, binago mo. Aminadong maarte pa rin, pero konti na lang hihihi.", bigkas nito na medyo natatawa pa sa huli.

Kunwari, naniniwala ako sa kanya. But deep inside, naiinsulto ako sa tawa ni Yassy.

I never like her.
Ilang beses ko na itong sinasabi dahil ito talaga ang gusto kong iparating sa sarili ko.

Ayokong maattract sa dalaga, kahit na maganda at makinis ito.

Ang ganda, nandyan lang 'yan.
Pero yung ugali niya, bulok na bulok at sobrang hirap hanapin.

"Hmm, mukhang malalim yata iniisip mo ha?", tapik nito sa akin.

"H-hindi naman. Natutulala lang ako sayo. Ngayon ko lang kasi masabi sayo kung gaano ka kaganda. I appreciate your beauty, starting today. All I can say, you are beautiful inside and out.", turan ko kay Yassy bilang palusot.

As usual, kilig na kilig siya.

"Thank you. Ang sarap sa pakiramdam na marinig 'yan mula sayo. Alam mo ba, matagal ko na 'yan gustong marinig na galing mismo sayo. And my wish, come true. So again, thank you Adrian. Sa umpisa ka lang pala masungit. Kaya sorry kung hinusgahan ko agad pagkatao mo.", wika niya muli.

"Ayos lang. Dahil pareho lang tayo nagkamali sa first impression. Kaya 'wag na natin 'yan pag-usapan. Tapusin na lang natin 'to ng sabay para mapadali ang paghugas.", tugon ko sa dalaga.

"Sige sige, gusto ko 'yan.", excited na sambit niya sabay pwesto.

Habang naghuhugas kami, iniisip ko na agad kung paano ko siya suyuin araw-araw.

Hindi ako sanay sa ganitong bagay pagdating sa babae.
Seryoso kasi ako pagdating sa babae. Kaya nagtataka ako, kung bakit pinagtitripan ko si Yassy.

"By the way, next week be ready. Dahil magsisimula na ang pasukan.", saad ko rito.

"Oo. Magreready ako.",

"Good. Ako lang ang dapat sumama at humatid sayo, ha? Huwag kang lalapit o makikipagkaibigan sa ibang lalaki. Dahil kapag nalaman ko 'yon, bugbog sarado ang makakausap mo.", wika ko sa kanya.

"Grabe ka naman. Nakakatakot ka pala magselos.", she chuckled.

"I'm being protective, Yassy. Iba kasi ang mga lalaki sa papasukan mong University. Mga chikboy 'yon.", tanging sabi ko.

Ang gusto ko ay hawakan siya sa leeg para makontrol ko ang bawat kilos niya.

Isa ito sa magiging dahilan para mahirapan siya mag-adjust sa pagbabalik-eskwela sa panibagong University.

END OF CHAPTER 19
©Binibining_Timoji

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Where stories live. Discover now