CHAPTER 12 of (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____Adrian's POV:
DINALA namin sa hospital si Yassy.
Mabuti na lang at naagapan agad siya ng mga doctor.
And the doctor said, may dengue daw ang dalaga.
Siguro dahil hinayaan ko siyang matulog sa sahig at walang electric fan na gamit nung first time niya sa bahay.Nakaramdam tuloy ako ng konsensya dahil sa nangyari sa kanya.
Nasobrahan na yata ang pagpapahirap ko sa babae. But still, I'm just doing my job.
"Kasalanan mo 'to eh. Masyado mong pinapairal ang init ng ulo mo, kuya.", bigkas ng kapatid ko na tila sinisisi ako.
Hindi na ako umimik pa at pumunta na lamang sa loob kung saan nagpapahinga si Yassy.
Umupo ako sa mismong tabi nito kasabay ng paghawak ko sa kamay niya.
Tinapunan ko na rin siya ng tingin at do'n ko nasilayan ang tunay na kagandahan ng dalaga.
"Ako na ang babantay kay Yassy, kuya. Tiyak, hindi niya magugustuhan na makita ka. Ikaw pa naman ang dahilan kung bakit siya nagka-dengue.", muling sabi ni Patrick.
Nakatayo ito kung saan nakaharap lang siya sa babae.
"Ako na ang magbabantay at ikaw na ang bumili ng makakain.", I said.
"Nahihibang ka na ba? Ako ang kailangan ni Yassy.", pagmamatigas nito.
"Ikaw na rin ang nagsabi na kasalanan ko 'to, diba? So here, inaayos ko ang gusot na ginawa ko.", bigkas ko ulit.
Napailing na lamang ito ng ulo, pero maya-maya ay lumabas na siya.
Ibinaling ko kaagad ang atensyon sa dalaga.
But at this point, gumalaw ang kanyang daliri simbolo na gising na siya."Hmmm.", mahinang sambit niya, kasabay ng pagdilat nito ng mata.
"H'wag ka munang gagalaw.", turan ko sa dalaga.
Hindi maipinta sa reaksyon niya ang pagkagulat. I guess, dahil ito sa kalambingan ng boses ko.
"A-anong ginagawa ko dito?", she asked.
"May dengue ka. Kaya kailangan mong magpagaling.", pagsasagot ko naman.
Pero hindi siya nakinig sa akin at umupo pa rin.
I was about to help her, kaso tinapik niya ang aking braso."Stop acting like you care. Hindi bagay sayo.", masungit nitong saad.
Napahinga tuloy ako ng malalim dahil sa inasta ng dalaga.
Hindi ko siya mapipigilan kung 'yan ang nasa isip niya.
But one thing that I'm sure right now, concern ako kay Yassy.
Hindi man halata sa mukha ko, pero sa dibdib ko, nag-alala ako ng sobra.
At oo, ako ang sumalo nung nawalan siya ng malay.
And I hate this feeling.
Gustuhin ko man na maging mabait sa harap niya, alam kong huhusgahan niya pa rin ako.©Binibining_Timoji
To be continuee...

YOU ARE READING
OPERATION: Make the MALDITA suffer❤
RandomSamantha is pure maldita, ayaw na ayaw n'yang may nakakaangat sa kanya. She's pretty and she looks like an angel. Pero yung ugali niya, demonyo dahil sa sobrang kamalditahan. So her dad decided na ipatapon siya sa lugar na hindi niya kinasanayan par...