CHAPTER 24 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
Adrian's POV:
NANDITO na ako sa labas ng classroom nila Yassy. Hinihintay ko siya dahil sabay kaming kakain ng lunch.
Tapos na kasi magdiscuss ang Professor namin kaya maagang na-dismiss ang klase. Kaya pinili kong maghintay sa corridor habang tinatanaw ang babae na busy sa pakikinig.Nasa may dulo siya nakapwesto kaya hindi niya ako makita.
Samantalang ako, nakikita ko ang bawat kilos at galaw niya.She's really busy kaya wala itong pake sa mga katabi. Kaso nga lang, may isang lalaki ang kumuha ng atensyon ko dahilan para mapatitig ako ng matalim.
Ang lagkit kasi ng tingin nito sa babae.
Nasa likuran ni Yassy ang binata kaya nasa bandang pwetan ang titig niya na tila hinuhubaran ang dalaga.Fuck that man!
Pinapakulo niya ang dugo ko!Kung wala sanang Professor sa loob, kanina pa ito nakatamo ng suntok sa akin.
Bakit ba kasi masyadong fit ang uniform niya? Bagay na bagay ito kay Yassy na talagang umaapaw ang kasexihan ng katawan nito.
Kung sabagay, magaling manamit si Yassy. Halos lahat ng sinusuot ng dalaga, nababagay sa kanya.
Hays! ALMOST 15 minutes din ang hinintay ko bago nagsilabasan ang mga estudyante.
Tumayo na rin ang dalaga at hinanda ang sarili para lumabas. Kaso nga lang, yung lalaki kanina, bigla siyang hinawakan sa braso.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya medyo na-curious ako.
Nasilayan ko na rin ang ngiti ni Yassy na animo'y nasasayahan sa sinabi ng binata.
Shit! Awtomatikong pumasok ako sa classroom para lang higitin ang babae at ilayo sa taong 'yon.
Girlfriend ko siya. At sinabi ko palang sa kanya ang mga dapat iwasan at 'wag gawin.
"Adrian? Teka, bakit ka pumasok dito?", tanong ni Yassy sa akin.
Hindi ako sumagot, bagkus inakbayan ko siya.
"Babe, I'm waiting for you outside. Nakakainip nga dahil hindi ka pa lumalabas. That's why, nilapitan na kita.", bigkas ko na may galit sa boses.
Medyo madiin ang pagkakaakbay ko kay Yassy para maramdaman niya na mainit ang ulo ko ngayon.
"S-sabi ko nga. Halika na, kumain na tayo.", she replied.
Siya na ang umaya para pumunta na kami ng cafeteria.Pero yung lalaki, nagawa pa nitong tawagin si Yassy para ipaalala ang usapan nila.
"Yass, 'wag mong kalimutan ang sinabi ko sayo ha?", sambit niya sa babae.
Tangina! Kung ano man ang tinutukoy nito, malalaman ko rin dahil itatanong ko ito kay Yassy mamaya.
PUMUNTA kami ng cafeteria at ako mismo ang nag-order ng makakain namin.
Tahimik ang dalaga na tila gutom na ito.Kaya hindi ko muna siya inistorbo sa pagkain, sa halip, sumabay na rin ako.
"Ang sarap! Busog na ako!", sigaw niya na may ngiti sa labi.
Solve na solve nga ito dahil ubos na ubos ang kanin at ulam sa plato. Ni isang butil, walang natira.
"Halata nga.", malamig na sabi ko.
"Salamat Adrian. I appreciate this. Libre mo 'to, diba?", wika niya para makasiguro.
"Yeah. Libre ko 'yan sayo. Boyfriend mo ako kaya dapat lang na ako ang gumastos.", wika ko at uminom ng tubig.
"Bakit ganyan ang tingin mo? Nakakatakot ha?", usal ni Yassy.
Inis kong nilagay ang baso sa mesa na padabog ang datingan.
"Ngayon ka lang natakot? Eh kanina pa ako makakapatay ng tao.", turan ko sa kanya.
"Makakapatay? Wait, nagseselos ka kay Jiho?", tanong nito na talagang binanggit ang pangalan no'n.
"So Jiho pala ang name ng manyakis na 'yon?", asar kong bigkas.
She just nodded and raised her eyebrow.
"Why? Wala naman siyang ginawa na mali sa akin. I mean, okay naman yung tao. Alam mo ba, nakakatuwa siya. Kahit kanina ko palang nakilala si Jiho, masaya siyang kausap. Medyo joker kasi tapos--",
I CUT HER WORDS.
Lalo tuloy akong nagalit dahil proud na proud pa siyang ikwento ang lalaki sa harapan ko mismo."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Yassy? Yung taong 'yon, okay tapos masaya?! Eh dakilang manyakis siya! At kakasabi ko palang sayo na 'wag kang makikipag-usap sa ibang lalaki, bukod sa akin.", I said in a loud voice.
Naging hudyat ito para matuon sa amin ang atensyon ng mga nasa cafeteria.
May hindi kami pagkakaintindihan ni Yassy sa mga oras na 'to.
"Adrian, University 'to. Hindi maiwasan na may kausapin at kumausap sa akin. Hindi ito pipi na paaralan. So be matured enough. Nasa tamang edad na tayo.", wika niya muli.
Tsk. Pumayag palang siya na iiwasan niya ang mga bagay na ayaw ko. Pero ngayon, parang binabawi niya na.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Para saan pa kung naging nobyo mo ako! Ayan ang hirap sa inyong mga babae, pinoprotektahan na nga kayo, kami pa ang mali! Tangina!", malutong na mura ko.
I stand up and leave the cafeteria.
Kung gusto niya kay Jiho, edi do'n siya!
Wala na akong pakialam kung bastusin siya no'n!
Nakakabanas!
END OF CHAPTER 24
©Binibining_TimojiDedicated to: Babylyn Garvez

ESTÁS LEYENDO
OPERATION: Make the MALDITA suffer❤
De TodoSamantha is pure maldita, ayaw na ayaw n'yang may nakakaangat sa kanya. She's pretty and she looks like an angel. Pero yung ugali niya, demonyo dahil sa sobrang kamalditahan. So her dad decided na ipatapon siya sa lugar na hindi niya kinasanayan par...