Continuation of CHAPTER 21 (OPERATION: Make the Maldita Suffer)
____Yassy's POV:
"NAKABILI na tayo ng gamit. Saan pa ba tayo pupunta?", usisang bigkas ko kay Adrian.
Bigla niya akong hinila palabas ng Mall habang bitbit ang mga binili namin.
Ang dami no'n, kaya ubos ang perang pinadala ni Daddy.
Two hours mahigit kami na nagpaikot-ikot sa mall para mabili ang kailangan sa University na papasukan ko.
At sa puntong ito, nandito na kami sa labas. Tirik na tirik ang araw dahilan para sumakit ang mata at ulo ko.
"Hayss. Bakit ba hindi sumagi sa isip natin ang payong?", sambit ko na medyo may inis sa boses.
Hindi kami nakabili ng payong dahil inuna talaga namin ang uniform at iba pang gamit.
"Ikaw kasi, bumili ka pa ng couple bracelet.", paninisi nito.
"Huwag ka ng magreklamo, suot-suot mo na nga eh! Bakit ba kasi, binilhan mo pa ako ng bagong panty!", bulyaw ko para sisihin din siya.
Wala na akong pakialam kung maraming tao.
Nawala na kasi ang hiya ko, simula nung tumira ako sa bahay ni Adrian."Hays. Binilhan kita ng panty dahil nakita ko yung pink mong panty, butas na sa gitna. Hindi ko tuloy alam kung anong ginagawa mo kapag gabi.", turan niya dahilan para mamula ang pisngi ko.
"E-excuse me, wala akong ginagawa na kabastusan sa sarili ko.", pag-iirap ko sa binata.
"Nililinaw ko lang, Yassy.", tanging sabi niya.
Hindi na ako sumagot pa dahil baka kung saan pa umabot ang usapan namin.
Actually, nabutas yung panty ko dahil sa sa sampayan. May isang pako kasi do'n na hindi ko nakita tapos bigla kong nadiinan nung kinuha ko ang panty ko, kaya ayon, nabutas ang gitna.
"Look, Adrian! May ball-ball!", sigaw ko nang makita ko ang isang vendor na naglalako.
"Anong ball-ball ka dyan? Ayusin mo nga ang salita mo, Yassy. Ang bastos pakinggan.", pahayag niya para pagsabihan ako.
"Kung nabastusan ka, bakit mo pa inulit? Tsaka, ball-ball naman talaga 'yon, diba?",
"Fishball nga, hindi--hays! Ang hirap mong turuan.", inis nitong saad.
"Paano naging fishball 'yon? Ni hindi ko nga nakita ang isda!", pamimilosopo ko.
Nasa tamang katwiran naman ako, kaya dapat lang na ipaglaban ko 'to.
"Iba talaga kapag anak-mayaman.", rinig kong bigkas niya at napasapo sa noo.
"Bahala ka nga dyan! Bibili ako ng ball-ball!", sigaw ko nang tumakbo patungo sa may tindero.
"Fishball nga!", pahabol na sambit ni Adrian!
"Ano bang pake mo? Hindi naman ikaw ang bibili!", lingon na bulyaw ko.
Lumakad na rin ito palapit sa akin kaya agad akong tumungo sa lalaki.
"Hi kuya, magkano po ba ang ball-ball niyo?", tanong ko habang nakangiti.
Halos mahulog ni kuya ang hawak niyang stick dahil sa tinuran ko.
"Kuya, I'm asking you. May 10 pesos pa kasi ako. Kasya ba 'to para mabili ko 'yang ball---",
"FISHBALL.", turan ni Adrian.
Siya mismo ang tumapos ng sasabihin ko dahil tinakpan niya ang aking bibig.
"Ano bang problema mo?",
"Yassy, nasa public place tayo. Kaya pwede ba, bawas-bawasan mo 'yang katigasan ng ulo mo?", panenermon niya sa akin.
"Fine! Palibhasa kasi wala kang pambili na ball-ball!", saad ko sa huling beses.
My ghad!
END OF CHAPTER 21
©Binibining_Timoji

YOU ARE READING
OPERATION: Make the MALDITA suffer❤
RandomSamantha is pure maldita, ayaw na ayaw n'yang may nakakaangat sa kanya. She's pretty and she looks like an angel. Pero yung ugali niya, demonyo dahil sa sobrang kamalditahan. So her dad decided na ipatapon siya sa lugar na hindi niya kinasanayan par...