Con. 9

1.2K 61 0
                                        

Continuation of Chapter 9 (Operation: Make the Maldita Suffer)
_____

Yassy POV:

Inis na inis akong pumunta sa kalooban ng University na kung saan, nasilayan ko ang grupo ng mga estudyante.

Sa tingin ko, baka nando'n ang enrollan para sa college. Kaya lumapit ako at nakipila na rin.

Hindi ko na hinintay pa ang binata dahil kumukulo lamang ang dugo ko sa kanya.

Ewan ko ba, pero sumabay pa sa init ng panahon ang dalawa. Ang Queen Virus ng campus at ang hero niya na si Adrian.

Yes, sinira nila ang araw ko.
Kaya kahit maging mabait ako, talagang may pumipigil sa akin.

"Hoy babae, ako dyan.", tapik na saad ng isang tao mula sa likuran ko.

Awtomatikong napalingon ako, dahil hindi ko gusto na dumadaplis sa katawan ko ang kamay ng iba.
Like eeww, baka may mga germs silang dala.

"What?", kalmado kong sambit.

Gaya ng ginawa ko kay Queen Virus, pinili kong kalmahin ang sarili.

Pero mukhang kapatid yata 'to ng dalaga, dahil masyado rin s'yang pabida at mataray.

"Ang sabi ko, ako dyan. Kaya umalis ka na.", matapang na wika nito.

"Bakit naman ako aalis? Wala ka namang ebidensya na dito ka. Wala akong nababasa na may pangalan. So in short, wala kang karapatan na pagtabuyan ako.", pahayag ko muli.

"Umalis lang ako dyan dahil may binili ako sa cafeteria, kaya pwede ba, 'wag mo akong sagut-sagutin na ganyan. Alis!", maangas n'yang sabi.

"This is my mouth, kaya wala kang karapatan para utusan ako. Bitch!", bigkas ko na talagang diniinan ko ang huling salita.

"Kung 'di mo maintindihan, B.I.T.C.H ang tinutukoy ko. Baka kasi liguan ang nasa isip mo, like BEACH.", I said again.

"Alam ko, hindi mo kailangan i-explain dahil hindi ako bobo.", asar na turan niya.

"Ikaw naman, masyado kang defensive, halata tuloy.", saad ko at mahinang tumawa.

"Halata ang alin?", she asked.

"Na mababaw ang vocabulary mo, when it comes on english word. Need mo yatang bumalik sa elementary.", bigkas ko para insultuhin ang dalaga.

"Ang tabas ng dila mo, para maliitin ako ha!", wika nito na tumaas na ang boses.

Nagtinginan tuloy sa amin ang mga tao, dahilan para makagawa ulit ako ng panibagong eksena.

"Hindi kita minamaliit, sadyang maliit ka lang talaga. Ano ba ang height mo?", tanong ko para magalit lalo siya.

"Pigilan niyo ako, at masasapak ko talaga ang babaeng 'to.",

"Then go on, baka hindi lang sapak ang abutin mo sa akin. Kaya 'wag mo akong takutin, bitch.", tugon ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

Kung kamalditahan ang pag-uuspan, mag-seminar muna sila bago nila ako harapin.

"YASSY! ANONG KAGULUHAN NAMAN 'YAN?", sigaw ni Adrian na tila sumingit sa usapan namin ng tao.

Nakasunod pala ang hinayupak na 'to.

"Wala ka na do'n.", tanging sambit ko.

"Hanggang kailan ka ba titigil? Nakakahiya sa mga tao ang ginagawa mo. Pumunta ka dito para mag-enroll, hindi para makipag-away.", panenermon nito sa akin.

"Ano bang pake mo? Palibhasa, late ka ng dumadating kaya hindi mo nakikita kung sino ang nag-umpisa. Masyado kang pabibo.", mataray kong turan.

"H'wag mo akong pagalitin, kung ayaw mo makaranas ng parusa mamaya.", madiin na bulong niya.

"I don't care, parusahan mo ako kung parasuhan. Kung 'yan ang kasiyahan mo, edi go. But I will remind you again, hindi mo ako hawak sa leeg, kaya hindi mo ako mapapabago.",

END OF CHAPTER 9

OPERATION: Make the MALDITA suffer❤Where stories live. Discover now