⛅Chapter 1💧

22 5 0
                                    

Wrong thoughts

Sunny's POV


"Nak yung mga biik natin tumakas na naman!"sigaw ni nanay mula sa labas.Dali-dali kong itinigil ang pag i-sketch at tumakbo papalabas.

"Asan na sila nanay?"taranta kong tanong pagkalabas palang.

"Halika't huliin natin,baka mapunta pa sa highway"

"Sige po.Shoko,Didi,Homhom asan na kayo?!"sigaw-sigaw ko.Nilibot ko na ang paligid ngunit wala parin.Naghiwalay narin kami ni nanay para mas madali ang paghahanap namin.

"Mukhang may problema ka ah?"sulpot ni Aling Ester ng napadaan ako sa kanila.

"Oo nga po,nawawala po kasi yung mga biik namin,may napadaan po ba dito?"alalang tanong ko.

"Aba'y wala iha,teka magpapatulong ako.MGA KAPITBAHAY,NAWAWALA YUNG MGA BIIK NG MGA DE SILVA!"sigaw ni Aling Ester,dahilan kung bakit nagsilabasan ang mga kapitbahay namin.Gulat pa akong napatulala ng literal na lahat talaga ng kapitbahay namin ay lumabas.

"Naku,tatlo lang naman po iyun at kaya na po namin ni nanay.Pasensya na po kayo sa abala"paumanhin ko ngunit hindi sila natinag.

"Sus,hindi ka na nasanay Sunny.Ang problema ng isa ay problema ng lahat!Diba mga ka-baranggay?"sigaw ni Mang Kaloy na sinang-ayunan ng iba.

"Ano pang hinihintay natin?Tara na't baka ma-lechon pa 'yun ng mga taga kabilang baranggay"sigaw naman ni Mang Bentong.Wala akong nagawa ng magsimula silang maglakad.Naghanap narin ako.Napag-desisyunan naming maghiwa-hiwalay para narin mas madali ang paghahanap.

Napadpad kami nila Mang Kaloy,tito Daniel at Aling Marga sa kabilang baranggay.

"Ate,may napadpad po bang biik rito?"tanong ko sa isang ale na abalang nagsasampay.

"Ah oo,kayo ba may-ari nun?"Umaliwalas agad ang mukha ko.

"Kami nga po,asan po sila?"

"Nandun sa kulungan,ikinulong ng asawa ko,buti nalang kamo kami ang nakahuli kung hindi jusko!Baka na-lechon na mga alaga niyo.May piyesta pa naman mamaya.Halika't samahan ko na kayo"

"Anong piyesta ba iyun mare?"tanong ni Aling Marga habang sinusundan namin ang Ale.

"Hindi pa ba naibabalita sa inyo?Uuwi ang anak at asawa ng Presidente.Magpapa-kain sila mamayang alas singko.Early dinner iyun"ani ng Ale.

So,isa lang ibig sabihin nun....Mabubusog na naman ako mamaya!

Ng nakarating kami sa likuran ng bahay nila ay nakita ko na ang pinakamamahal kong mga biik.

"Shoko,Didi,Homhom!Ba't niyo tinakasan ate niyo?Ayaw niyo na sakin?!Nag-adventure pa kayo sa kabilang baranggay ang tataas ng confidence niyo!"nag-sesermon na ako sa kanila.Kung ano-ano ng pinagsasabi ko.Si Homhom naman oink lang ng oink eh kung lechonin ko na kaya to?!Nanenermon na't napapagalitan,salita pa ng salita!

"Halika na't iuwi na natin sila baka saan na napadpad mga kasama natin"singit ni Mang Kaloy sa panenermon ko.

"Tama at makapaghanda narin para sa piyesta mamaya"singit naman ni Tito Daniel.

"Mabuti pa nga,salamat balae.Magkita-kita nalang tayo mamaya sa piyesta"sabi ni Aling Marga sa Ale.Binuhat ko na si Shoko dahil siya ang pinaka-magaan sa kanilang tatlo.Si Mang kaloy ay binuhat si Homhom at si Tito Daniel naman ay si Didi.

"Salamat po,pag-nalechon na po mga 'to in the future ikaw po unang makakatikim.Una na po kami,salamat po ulit!Pasensya na sa abala"paalam ko sa ale na ikinatawa niya.

Once Upon a Sunshower(Isla Lewis Series #1)(On-going)Where stories live. Discover now