⛅Chapter 8💧

17 3 0
                                    

LewisxDe Silva

Sunny's POV


Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa'min sa hapag habang kumakain.Tanging ang mga kubyertos lang ang nag-iingay.Ang awkward tuloy.Ang hirap ring kumain,nakaka-ilang.Idagdag pa ang hindi ako sanay na kainin ang inihanda nila,pangmayaman masyado.

"This is insane,let's talk about some interesting topics"ani Presidente na pumutol sa katahimikan.

"About business topics?"si Sir Richard.

"Not business again Rich,we are here to enjoy,don't open that topic.My mind will just get ruined"sabi naman ni Sir Kristoffer.

"Oh,I have a suggestion"si ma'am Devorah.

"What is it wife?"tanong ng presidente.

"What if,we'll get to know the family De Silva first?Kasi,you know...hindi naman dapat pangalan lang ang alam natin sa kanila,right?"

"I agree"si Ma'am Hellen.

"Me too"si Sir Richard.

"Hector,kwento na!"si ma'am Devorah.

"Ano bang kwento?"si tatay.

"Work?About your life?Anything about you and your family"Tumango si tatay sa suhestion ni ma'am Devorah at itinigil ang pagkain.

"Simple lang ang buhay namin.Karpintero ako sa umaga,tatay ako sa gabi.Ang asawa ko naman ay suma-sideline sa umaga at nanay rin sa gabi.Sapat naman ang kinikita namin sa pang-araw araw na pangangailangan dahil hindi rin naman pabigat ang anak ko.Masipag si Sunny,hindi siya kagaya ng mga karaniwang kabataan ngayon na tutok sa gadgets.Naglalako siya sa madaling araw,gumagawa siya ng gawaing bahay pag-uwi.Siya ang swerte sa pamilya namin.Siguro iyun lang ang masasabi ko tungkol sa buhay namin,simple,mahirap pero masaya"

Isa lang ang masasabi ko.Nakaka-proud yung mga sinabi ni tatay.

"Last day,we see her helping the beggars in front of the San Mateo church,nakakahanga nga siya eh.She's something na gusto kong tularan ng ibang kabataan sa bayan ko.Hope,I have a daughter like her"ani presidente na nakapag-pangiti sa'kin.

"Oh,really?How nice you are Sunny,sana ganyan rin ang mga anak ko"si ma'am Catalina.Umirap na naman sa'kin ang anak niyang si Ashana.Si Kachi naman na mas bata ay ngumiti lang sa'kin at nag-thumbs up.Napangiti ako sa iniasta niya.

"Dawn would never do that,seeing his attitude?Malayo"si sir Kristoffer.Tinawanan lang siya ni Dawn."But i'm a guy dad.I don't do those things,bawas ka-pogian din yun"sabi pa niya.

"Richery too,she's more on watching anime movies"si ma'am Yumi.

"Un, shitteru"sabi ni Richery na hindi ko na-intindihan.

"Mas lalo naman si Rainne,wala ngang alam gawin 'yan kundi magkulong ng kwarto"si ma'am Devorah.

Napatingin ako kay Tantan---este Rainne na nakatingin rin pala sa'kin.Nakakamatay na tingin na parang gusto niya akong patayin.Umiwas ako ng tingin ng bigla akong nailang.

Hanla!Bakit naman kaya ganto makatingin to?

"No need to compare me,I know how stupid I am...i'm aware"sagot niya.Napatingin ulit ako sa kanya.Walang bakas na hinanakit sa mukha pero puno ng pasakit ang kanyang mga mata.

Sa di alam na dahilan ay nag-flashback sa'kin ang mga sinabi niya sa lighthouse.

'Kasi ako, kung tatanungin,he's a piece of shit.No one whould dare to like him'

Kaya ba ganon yung sinisigaw niya sa lighthouse?Kasi feeling niya isa siyang piece of shit at stupid?

"Kristan"mahinahon ngunit may diin sa boses ng kanyang ama.

Once Upon a Sunshower(Isla Lewis Series #1)(On-going)Where stories live. Discover now