⛅Chapter 9💧

8 2 0
                                    

Deal

Sunny's POV


"I'm not allowing poor people to enter inside my room!"

Aaminin ko naman na mahirap lang kami at hindi ko ikinakahiya iyun pero sa tingin ko,below the belt ata ang ipamukha niya sa'kin na ganun lang kami...na hindi kailan man allowed ang mahihirap sa buhay ng mayayaman.Langit at lupa kumbaga.Oo na't mayaman siya,may magandang buhay,nakukuha lahat ng gusto...ang kaso,ma-attitude siya.

Nginitian ko ang seryosong mukha niya.

"Sir,sorry po ha?Hindi naman dapat ako pupunta rito dahil alam ko rin namang hindi ako belong.Si Dawn lang naman po ang pinunta ko rito"napatingin ako kay Dawn na naka-awang ang bibig habang tinitignan ako.Naka-upo silang mag-pipinsan sa sofa,natigil ang kanilang ginagawa at napunta sa'min ang atensyon.Ba't may living room si Rainne sa kwarto niya?Grabe,ganon pala talaga kapag mayaman.

"Ano nga palang sasabihin mo at pinapunta mo'ko rito?"tanong ko kay Dawn.May ibinulong muna siya kay Rainne bago siya naglakad papunta sa'kin.

"I'm sorry for what Rainne said.Nevermind him,tara na"akala ko aalis kami mula doon ngunit bigla niya akong hinila papasok.Sumunod nalang ako at nagtago sa likuran niya,pa'no ba naman kasi...grabe makatingin si Rainne.Mukha siyang papatay,nakakatakot tuloy.Gusto kong umatras pero agresibo si Dawn sa pag-hila sa'kin.

"What the---what are you doing men?!"sigaw ni Rainne kay Dawn.Akma pa niyang ibabato ang maliit na unan pero pinigilan siya ni Johan na nasa tabi na pala niya.

"Awat na kuya"siya at inagaw ang unan tsaka niyakap.

"You're being harsh Rain"si Richery.

Pina-upo ako ni Dawn sa sofa na inuupuan rin ni Rainne.Pumagitna siya sa'min pero yung tingin ni Rainne ay hindi naka-lusot,hanggang sa pag-upo at paghinga ko ay tinititigan niya ako ng masama. Jusme!Nanganganib ang buhay ko rito nanayyyyy!

"This is my room!I have my rules,get that poor outside my room!"

Nakaka-irita yung sigaw niya at the same time,nakakasakit.Pero hinayaan ko nalang,hindi naman dumederetso ang mga sinasabi niya sa puso ko kundi lumalabas agad iyun sa isa ko pang tenga.

"Niaaway mo si ate Sunny?"si Kachi na nakapameywang na sa harapan ni Rainne.Kung tutuusin ang bata lang niya,mga 6 years old pero kaya niya ng harapin ang isang halimaw na 'yun.

"Kachi,she's not belong in here"si Rainne.

"No!You're a devil kuya Rainne!I hate you!"sigaw ni Kachi na ikinabigla ni Rainne.Agad napunta si Kachi sa'kin at ngumiti."Sorry for what he did"sabi niya sa isang malambing na boses.

"Ewan ko sa inyo,ang wi-weird niyo"si Rainne at naglakad papunta sa kama niya na hindi kalayuan mula rito.Grabe,ang laki ng kwarto niya,dinaig pa yung laki ng bahay namin.

"He used to be like that kapag tinotopak,hayaan na"si Dawn,may kinuha siyang dalawang bagay na hindi ko alam.Umupo naman sa tabi ko si Kachi.Si Richery at Ashana ay may kanya-kanya ng mundo,si Johan naman ay tahimik lang na naka-upo sa tabi ni Kachi.

"I like your hair"si Kachi habang hinahaplos ang buhok ko.Nag-ngitian kami."Ikaw rin,gusto ko rin yung pisngi mo,pakurot!"

"You can have it"inilapit pa niya ang mukha niya.Eto lang ata yung batang nagpapakurot eh,yung bata sa'min nagrereklamo pa kapag kinukurot ko ang mga pisngi nila.

"Yoko,masaktan pa kita"hinaplos ko nalang ang pisngi niya.Ngumiti ulit siya ng pagka-laki laki,kita tuloy ang bungi niya.

"Tara laro"si Dawn at ibinigay sa'kin ang isang bagay na hawak niya kanina.Controller ata eh.

Once Upon a Sunshower(Isla Lewis Series #1)(On-going)Where stories live. Discover now