⛅Chapter 3💧

22 4 0
                                    

Meeting the President's wife

Sunny's POV



"Magandang morning universe!"bati ko sa mundo ng nabuklat na naman ang bagong pahina papunta sa panibago na namang yugto ng buhay ko.Unang morning routine ko ay ang magpasalamat sa panginoon.

"Matulog ka pa anak,maaga pa"pikit matang sabi ni tatay sa tabi ko.Napasimangot nalang ako,sumikat na ang araw,nasusunog na ang ilog,nagsilabasan na ang mga chismosa't lahat lahat maaga parin??Napabaling ako kay nanay sa tabi ko rin dahil pinapagitnaan nila ako ni tatay everytime na matutulog kami.

Tulog mantika pa nanay ko ah.Ewan pero biglang may pumasok na ideya sa utak ko.Dahan-dahan akong naglakad at napunta sa kusina.Nag-unat-unat muna ako ng katawan matapos kong maghilamos.Inihanda ko narin ang mga gagamitin ko para sa breakfast namin.Ako ang magluluto.Naisip ko rin kasi na baka napuyat sila kagabi kaya as a pasasalamat,I will cook for them.

Mga ilang oras rin bago ko naluto ang itlog,hotdog,adobo at ang kanin.Pagkatapos ay inihain ko na iyun sa lamesa para kakain nalang ang gagawin nila nanay.Ipinagbaon ko narin si tatay ng pananghalian niya mamaya.Nagtratrabaho kasi siya sa construction site habang si nanay naman ay suma-sideline lang either labandera o taga-linis ganun.

Ako naman sa umaga, naglalako ako ng mga bananaque,shanghai,suman at puto,ang perang kinikita ko ay iniipon ko para sa next school year syempre, college student na kaya ako nun.Kapag natapos naman ako sa paglalako doon ko lang ginagawa ang mga gawaing bahay.Tapos yung exciting na part ng araw ko?Pagsapit ng alas tres ng tanghali pumupunta ako sa abandonadong lighthouse.Naka-locate iyun sa  gitna ng isla.Yung hugis pala ng isla namin ay hugis puso,let's say,yung baranggay namin ay nasa somewhere sa right atrium part tapos yung lighthouse naman ay iyung Pulmonary valve.Yung ginagawa ko lang naman doon everytime na pumupunta ako ay either matutulog,magmumuni-muni pero often nag i-sketch ako doon.Mahilig ako sa art,passion ko na 'yun.Feeling ko kasi mas nakakapag-isip ako sa taas ng lighthouse.Maraming pumapasok na ideas sa utak ko plus yung simoy ng hangin,so relaxing.

"Ang bango naman ng niluto mo"lumabas ng kwarto si nanay kasunod si tatay na nagtatanggal pa ng muta.

"Good morning po!Pasasalamat ko po iyan dahil sa pagiging the best niyong magulang!"wika ko.Nagkatinginan sila at nag-ngitian.

"Sus,nanlalambing anak natin Hector ah"ani nanay.

"Oo nga mahal eh,lika nga dito nak"

"Hep!Hep!Mag-toothbrush po muna"pambibiro ko.

"Oo na"sabi nilang dalawa at naglakad papuntang lababo.Natawa nalang ako at naupo.

"Nga pala Sunny,nakita mo ba ang asawa't anak ni presidente kahapon?"tanong ni nanay habang abala kami sa kinakain

"Hindi po nay"sagot ko.

"Naku anak,pagka-gwapong binata at pagkagandang binibini ang asawa't anak ni Presidente"si nanay ulit.

"Ganun ba nay?Sayang naman at hindi ko sila nakita"

"Darating ka rin doon,balita ko'y dito raw mag-aaral ang anak nila sa darating na pasukan"sambit ni tatay.

"Pupusta ako,sa pinakamalaking unibersidad pag-aaralin ang anak ng presidente"si nanay naman.

"Eh anak ba naman ng presidente nanay,malamang sa malamang"singit ko.

"Hayaan mo anak,kahit hindi ka anak ng matataas na pamilya'y sisiguraduhin ko na balang araw ay makakapasok ka rin sa malaking unibersidad"sabi ni tatay.Napa-isip naman ako dahil doon.Kaya kong mag-aral at makapagtapos sa maliit na paaralan.Wala akong problema doon.Sasayangin ko lang ang malaking pera kung sa mataas na unibersidad pa ako mag-aaral.Pare-pareho lang naman din ang itinuturo nila,at kadalasan nga sa'min mga nagtapos sa public school ang nagiging successful sa buhay eh. Anyway,I don't care about the school,I care about the lessons and experience.

Tatlong paaralan lang ang meron sa'min dito sa isla.Yung isa'y ang Isla Lewis University,pinaka-mataas na paaralan kung saan nag-aaral ang mga mayayaman.Pangalawa naman ay ang Unibersidad ng San Mateo,sikat rin ito para sa mga kagaya kong hindi mahirap ngunit may kaya sa buhay.Doon na ako nag-aral since then.Yung isa naman ay ang Moore Academy,sabi ng pinsan kong si Demy masaya daw mag-aral doon,maliit ang tuition fee at kompleto sa lahat ang paaralan ang kaso...sa kabilang dimension iyun ng isla.Sampung baranggay pa ang iikutin ko para lang makarating doon.

"Bananaque,puto,suman at shanghai kayo diyan!"Sigaw-sigaw ko habang naglalakad sa ilalim ng araw.Mga ilang oras rin ng kalahati nalang ng paninda ko ang natitira.Sapat naman na ang kinita ko kaya nagpunta na ako ng plaza para bigyan ng meryenda ang mga batang pulubi doon.Pagkarating ko'y agad kong nilapitan ang ibang batang namamalimos sa harapan ng simbahan.

"Tama na muna ang pamamalimos,heto oh.Magmeryenda muna kayo"ngiting-ngiti na sabi ko sa kanila.Agad na kuminang ang mata nila at agad nagsilapitan sa'kin.Araw-araw ko itong ginagawa kapag may natitira sa paninda ko.Halos kilala ko narin ang mga batang pulubi rito.Kung mayaman lang sana ako ay baka inampon ko na silang lahat.

"Salamat ate Sunny,hulog ka po ng langit"sabi ni David habang puno pa ng saging ang bunganga niya.Napangiti ako dahil doon.

"Kahanga-hanga ang pinapakita mo binibini,nawa'y magsilbi kang inspirasyon  sa lahat ng tao dito sa San Lewis tama nga sila,napakabait mong bata.Ipagpaumanhin mo ang nagawa ko kahapon sa piyesta"

Agad akong bumaling sa nagsalita.Nagulat pa ako at nataranta ng makitang ang Presidente iyun kasama ang mga bantay niya,sa tabi niya'y may isang maputi,makinis at magandang babae.Sa tingin ko,siya ang asawa ng presidente.Asan naman kaya ang anak nila?

"Ano ang iyong pangalan iha?"tanong ng asawa ng presidente sa mahinhin na boses.Ngumingiti siya sa'kin kaya nangiti nalang rin ako kahit na nahihiya na.

"Ako nga po pala si Sunshine Neisha De Silva,Sunny nalang po ma'am"hindi na ako naglahad ng kamay ko dahil baka marumihan ang kamay niya.

"Isa kang De Silva?"nahihimigan ko ang tuwa sa tinig ng boses niya.Nagtaka naman ako,kilala ba ang pamilya namin sa Isla?Sa baranggay lang naman namin matunog ang apelyido ko ah.Ano kayang meron?

"Opo ma'am"sagot ko ng may pagtataka.

"Nice to meet you Sunny!Ako nga pala si tita Devorah mo"naglahad siya ng kamay na ikinabigla ko.Agad kong pinunasan ang kamay ko at nanginginig na nakipag-shake hands.

"N-nice to meet you din po ma'am"may pag-aalinlangan sa boses ko.

"Oh no,no,no dear,just call me tita"

"Po?"takang tanong ko.

"I didn't know na malapit ka pala sa mga De Silva"sabi ng Presidente sa kanyang asawa.Ngumiti naman si ma'am Devorah.

"Oh,sorry I didn't know you're interested about it.Kababata ko ang ama mo Sunny"Hala!totoo ba'to?Pero,ba't walang nak-kwento si tatay about doon?

"Talaga po?"gulat na tanong ko.

"Yes!By the way,is it okay kung dumalaw kayo sa mansyon mamaya?Magpapa-dinner ako,namiss ko narin kasi ang kababata ko eh.Are you agree with that honey?"bumaling siya sa kanyang asawa.

"Yes,I wanna meet them too"sang ayon ng presidente.

"Sige po,sasabihin ko po"

Napagdesisyonan nilang magpa-alam na dahil may kakailanganin pa daw silang puntahan.Ibinigay rin sa'kin ni Mrs.Lewis ang cellphone number nila,in case of emergency daw.Binigyan ko rin sila ng natitirang limang piraso ng suman bago sila umalis.

Euphoric_Anxiety☕📖

Once Upon a Sunshower(Isla Lewis Series #1)(On-going)Where stories live. Discover now