⛅Chapter 5💧

19 4 0
                                    

Tantan

Sunny's POV



"Romans chapter eight verse eighteen,'The pain that you've been feeling cannot compare to the joy that's coming'.Kaya jusmeyo marimar bumaba ka diyan kuya huwag mong tapusin ang buhay mo may pag-asa pa!"sigaw ko at agad siyang nilapitan.Yumakap ako mula sa likod niya at binuhat ko siya papalayo sa kinatatayuan niya ngunit bigla niya akong itinulak na muntik ko ng ikinasubsob sa sahig.

"Don't touch me!What the f*ck is your problem?!"siya.

"A-aray"ako.

Nagsabay pa talaga kami.

Sinamaan ko siya ng tingin,ganon rin naman siya.Hanep makasalubong ng kilay niya,eh kung ahitin ko kaya iyan?

Agad akong tumayo kahit na iniinda ko parin ang sakit sa pwetan ko.

"Magpapakamatay ka na nga, pala-mura ka pa.Kampon ni satanas"bulong ko.

"What did you say?!"pagsusungit niya.

"Sabi ko,magpapakamatay ka na nga,magmumura ka pa.Kampon ka ng mga demonyo,tapos sinisisi mo pa ang panginoon.Hindi ka naman nahiya sa mga pinagsasabi mo kanina?"nameywang ako gaya ng ginagawa ni nanay kapag nanenermon.

"Hindi ako magpapakamatay miss at isa pa...hindi ako kampon ng mga demonyo,the hell are you saying?Baka ikaw?"tinaasan niya ako ng kilay.

Ay,hindi ba magpapakamatay?Sorry naman.At teka---ako,kampon ng mga demonyo?Ulol.

Nginitian ko siya na agad niyang ikina-irita.

"Ay,pasensya na,akala ko kasi magpapakamatay ka.Eh ano yung mga sinasabi mo kanina?Trip trip lang?"tanong ko.Umiwas agad siya ng tingin.Para pa siyang na badtrip sa tanong ko na ewan."At pa'no mo naman nasabing demonyo ako eh kabisado ko kaya ang mga bible verse"pagpapatuloy ko.Agad siyang tumingin sa'kin gamit ang mamula-mulang mata niya.Umiyak ba siya?Sinamaan niya ako ng tingin...medyo nakakatakot yung awra niya.

"But you didn't follow the ten commandments,tama ba?"sumilay ang ngisi sa labi niya.

Nag-isip ako.Sa pagkaka-alam ko ,wala pa naman akong nalabag na utos ah.

"Hanla,wala nam-----"

"Yeah right,ikaw nga ang magnanakaw kahapon"mas lalo siyang ngumisi.Sinabayan ko naman iyun ng isang matamis na ngiti.

"So far,ang pinakamasakit palang na nangyari sa buhay ko ay ang pinag-bintangan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.Alam mo ba yung pakiramdam ng nakatulong ka sa kapwa tapos ang magiging kapalit ng pagtulong mo ay parusa?"huminto ako at tinignan ang reaksiyon niya.Seryoso na siya.Agad akong tumawa dahil sa biglaang pagpapalit ng ekspresyon niya.

"Pero ano ka ba,ayus lang naman iyun.May tumulong naman sa'kin.Kilala mo ba yung anak ng presidente?Buti nalang nabuhay iyun,jusko kung wala siya edi nakulong ako ng mga ilang oras sa preso at-----"

"I don't care"pagsusungit na naman niya.Naku,mukhang bumalik ulit yung demonyo sa katawan niya.

"At parang gusto ko na siya"pagpapatuloy ko sa sinasabi.

"Gusto?Agad agad?!"gulat niyang tanong.

Tumawa ako.Baka ang iniisip neto ay yung gusto na crush.

"Oo,ang bait niya kasi...sinong hindi magugustuhan ang taong ganon?"sagot ko.Tumahimik siya saglit bago nagsalita.

"Wait---did you see him already?Did you meet him?Are you sure you like him?Kasi ako, kung tatanungin,he's a piece of shit.No one whould dare to like him"

Ay grabe siya!

"Sumbong kaya kita sa presidente,kung ano-anong pinagsasabi mo eh"pagbabanta ko.Nanatili siyang seryoso.

"Totoo naman kasi"

"Ewan ko sayo,mapilit ka eh.Oh siya,pupuntahan ko lang yung sketchpad ko,nabasa na iyun at... palitan mo kasi mas pinili kitang iligtas kaysa doon"sabi ko at naglakad.

"Not my fault,katangahan mo 'yan,sabing hindi ako magpapakamatay"masungit niya ulit na sabi.

Tumila na ang ulan,sumikat na ulit ang araw.Basang-basa ako,mukhang papagalitan pa ako ni nanay mamaya.

Tinalikuran ko ang lalake at tinutukan ang basang-basa kong sketchpad.Kumupas narin ang drawing...ka-awa awa ang sinapit ng sketchpad ko, huhu.72 pesos rin 'yun,hayaan na...ibibilad ko nalang ito sa araw bukas.

Kinuha ko ang pouch at sketchpad ko,uuwi na ako.Ng binalikan ko ulit yung lalake para magpa-alam ay wala na siya.Tumingin agad ako sa baba,ayun siya,naglalakad.

"Teka!Anong pangalan mo?"sigaw ko.Hindi niya ako pinansin or hindi niya ako narinig?

"Kuya anong pangalan mo?"sigaw ko.Huminto siya saglit ngunit nanatiling nakatalikod.

"Tantan"sigaw niya at naglakad ulit.

"Nice to meet you Tantan!"sigaw ko bago siya nawala sa paningin ko.

"Ba't ka nagpa-ulan?Jusko kang bata ka!Magkakasakit ka niyan eh!"bungad ni nanay pagka-pasok ko palang sa bahay.

"Sorry po nay"

"Eto,maligo ka na at ng hindi ka magka-sakit"si tatay habang inaabot sa'kin ang twalya.Kinuha ko iyun at agad dumiretso sa banyo.

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba agad ako.Nadatnan ko naman sila nanay at tatay na nagkakape sa hapag kainan ,may naka-hain pang pinakuluang kamote sa hapag.

"Meryenda anak"aya ni tatay.Tumango ako at naghanda rin ng kape.Umupo ako sa tabi ni nanay pagkatapos.

"'Yang kamote nga pala,bigay ni Sean"sabi ni tatay.

"Ano sa tingin mo mahal,panliligaw na ba ito ni Sean?"tanong niya kay nanay.

"Tay,pagmamalasakit po...hindi panliligaw.Pati naman po kayo,nagbibigay ng mais kay Mang Isko eh hindi naman kayo nanliligaw"pagtatama ko na agad tinawanan ni nanay.

"Aba'y sana nga.Kahit ga'no kabait ang binatang iyun ay hindi ako papayag na manligaw siya sayo.Mag-tapos na muna ng pag-aaral"

"Oo naman po"ngiting sabi ko.

"Ma-iba tayo mahal.Paano kapag may nagustuhan si Sunny?Tapos mayaman yung lalake.Papayagan mo ba?"

"Eh kung mabibigyan niya ng magandang buhay ang anak ko edi papayagan ko.Pero kung mangingisda o kagaya ko lang na karpintero ay mas mabuti ng tatanda siya na dalaga"

"Eh anong masama sa pagiging karpintero mahal?Kung tunay namang magmahal ang tao o kayang magsakripisyo sa pamilya niya ay mabibigyan ka parin naman niya ng magandang buhay,kagaya sa'tin"opinyon ni nanay.

Nakinig nalang ako kahit na na-iilang na ako sa mga usapang ganto.

"Mahal,sa panahon ngayon,mahirap maghanap ng karpinterong masarap magmahal kagaya ko.Kaya anak,maghanap ka ng mayamang may puso"sabi naman ni tatay.

Wala na,hindi ko na talaga kaya ang ganitong usapan.

"Maiba po ulit tayo"singit ko.

"Ano 'yun anak?"Ngiting tanong ni tatay.

"Mag-kwento naman po kayo tungkol kay Ma'am Devorah tay,hindi niyo kasi kailan man sinabi na may kababata pala kayong asawa ng presidente"pag-iiba ko sa usapan.

Biglang natahimik ang tumatawa kong nanay.Naging seryoso rin si tatay.May pagtataka na ang nabuo sa isip ko ngunit hinayaan ko iyun.

"Sige na tay"nginitian ko siya ngunit,ngumiwi lang siya at nag-iwas ng tingin.

May mali ba?Ba't parang umiiwas si tatay sa usapan na iyun?Ano kayang nangyari sa nakaraan?May hindi ba sila pagkaka-unawaan ni Ma'am Devorah noon?

Euphoric_Anxiety☕📖

Once Upon a Sunshower(Isla Lewis Series #1)(On-going)Where stories live. Discover now