Epilogue

4.6K 142 329
                                    


"Pare, eto yung sumipa kay Boying ahh."

Wala akong kaalam-alam putcha ito na pala 'yung araw kung kailan ko matatagpuan ang magpapabaliw sa 'kin.

Biruin mo, dahil lang sa sexy na sasakyan? Na natripan kong taguan dahil hinahabol ako ng mga gagong mukang garapata na mayakis.

Sabagay, sexy rin ang may-ari.

Si Ae, Ae Francisco.

Thought that was her full name as I learn how great she is bilang student, tangina, hanep! Super angas ng mga drafts niya! 'Yung totoo? Her intelligence and skills are too attractive, tyka isa pa, sinong hindi mahuhulog sa ngiti niya? Sana all favorite ni Lord.

"Hoy, ano? Papalayasin na ba kita rito sa dorm? Hindi ka na rito natutulog, ah, dilig araw-araw girl?"

Masamang tumingin ako kay Lexi at napailing. Dilig? I can't even lay a finger on her, I'm afraid to touch her, hindi siya 'yung babaeng basta-basta nalang hinahawakan. I spend nights thinking of her!

Her innocent yet intimidating face, gorgeous eyebrows with deep black eyes and lips as delicate as her eyelashes, her soft long hair — grabe, heaven, even her eyelids...attractive.

I wanted to take a picture of her the very first time I saw her and post it with a caption 'love of my life' just like every fangirl who drools over their bias.

Kahit gano'n, ewan ko ba, masyado siyang misteryosa. Halos parang magnet tuloy ako kung makadikit sa kaniya, pati ang mata ko damay mo na.

Her unit is cozy and smells like her all throughout the day. Gusto ko nalang talaga roon mag-stay at kung palayasin man ako ni Lex okay lang basta roon ako titira, ugh, hindi siya nawawala sa isip ko.

"Gusto kita."

Gago, sinagip ko ba ang buong Pilipinas sa pandemya sa past life ko? Hindi ako makapaniwala na sasabihin sa akin ni Ae ang mga salitang iyan, I should be the happiest dahil parang nananagip ako pero pakiramdam ko, hindi ako ang dapat makatanggap no'n? Ano bang nagawa ko para magustuhan ako ni Ae? Ka-level ko ba si Gal Gadot? Do I even deserve it?

I am waaaaay far from being deserving of her love and attention, I made a mistake that I know will hurt her. I am guilty, gusto kong sabihin sa kan'ya agad but I couldn't find a perfect timing, when my brother gave her an idea I wanted to tell her already. My guilt is eating me whole. Kaso hindi ko pala kaya, nag-aaral siya para sa board exam, she's so close! Sobrang tutok siya na parang walang makakapigil sa kan'ya para maabot ang pangarap niya, kahit ako nahihiyang istorbohin siya, ang tanging makakagulo lang sa kaniya? Ako. Alam kong ako.

Mamamatay ako sa guilt kung pati ang pangarap niya magugulo ko.

They are the wealthiest family in this city, kahit balibaliktarin mo pa ang pwesto ng North, South, East at West mga Del Pierro talaga ang pinaka maipluwensya rito dahil sa yaman nila — but Ae never made me feel that she's above me when it comes to status, down to earth, napakabuti niyang tao, she even worship me — putangina.

She loves me so much it still hurts me.

I can never repay her for all the things she have done for me, I couldn't think of a way para mapagbayaran ko ang ginawa ko, her forgiveness made me cry so hard, paano niya nagagawa 'yon? Paano niya ako napatawad?

Ah si Ae nga pala ang pinag-uusapan.

"Mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang magalit, I wish you all the fortunes in the world, I wish you'd finally find your happiness. Do well in life then I would be happy too, do well, for me."

That made me cry.

Heart aches, heart aches.

Do well in life for you? I was the one who hurt you! You supposed to say the opposite.

Buti nalang I made the right decision of letting her go, if we continue being together it would be loving and forever asking why we keep this relationship work, 'pag nangyari 'yun, I think I can't love her fully. Masyado niya akong mahal para pakawalan ako kaya ako na mismo ang bibitaw.

I wish you get all the love you deserve, Ae. I wish you all the best in life because you are the best person in the world for me.

"Wow, oh my God, Ahiera?!" Yeah Luisia, ako nga.

Nginitian ko siya at tumango, I know I will be with them on their flight back to Philippines, nagulat ako nang makita si Ae kanina.

"Hi, Luisia," bati ko. Siya lang ang gising at busy titigan si Ae, lagi ko siyang nahuhuli na grabe makatingin kay Ae kahit dati pa, but oh, who would fight this girl? Mahihiya kang hawakan. Hindi ko sure kung gaano katagal na siyang nakatitig ngayon at nang makita ako ay namula siya as if a deer caught in headlights.

"Ahuh I see, you made use of that beautiful long legs! You look so fine!" she beamed at me...ang — ang ganda talaga.

Putcha, hindi niya alam lagi ako insecure sa kan'ya sa sobrang ganda niya. The first time I met her, Good Lord parang binuksan ko ang pinto ng langit, or siguro napuno na ata sa heaven at binagsak sa lupa ang babaeng ito.

Kahit nalaman niya ang ginawa ko, she kept her cool, alam kong nadisappoint siya sa ginawa ko, sigurado akong nakausap kaagad siya ni Ae tungkol sa nangyari.

"Thank you"

Gusto kong mag-stay at kausapin pa siya ng mas matagal pero baka masisante ako sa mga unang lipad ko. Kinakausap niya ako habang binibigyan ko siya ng kape at sa mga minutong iyon ay panay salita lang siya, okay lang, parang may anghel naman kasi na bumubulong sa 'kin!

Paalis na ako nang magising si Ae, dahil siguro sa ingay ni Luisia, she's so talkative!

"Balik na ako sa pwesto ko ha? Enjoy your flight, I'm really happy for the both of you," paalam ko at ngumisi kay Ae, my eyes teasing her. Luisia, huh? Ngayon hindi na ako hadlang pa sa kanilang dalawa.

I will forever be her Eastern Girl, but our run has come to an end as the sun sets.

She's my lesson and I'll thank her until death, I will always remember the feeling of being held by her.

Hihintayin ko ang taong pagbibigyan ko ng pagmamahal na katulad ng pagmamahal na pinaramdam sa akin ng isang Ae Del Pierro.

She taught me well, tatandaan ko iyon. Habangbuhay.

"It was a nice flight, Ahiera."

Napahinto ako. Yeah it was. 

Malawak ang ngiti akong tumango at hinila ang maleta paalis.

Tumupad ka parin sa pangakong sasamahan ako sa aking unang paglipad.

Salamat, Ae.

-FIN-


EastWhere stories live. Discover now