1 - Himethea

45 3 2
                                    

For the past hour, the downpour from the thick nimbus clouds above had been continuous and heavy. Ang mga puno sa paligid ay nagsasayawan dahil sa malakas na hanging dala-dala nito. 

Blazing lightning illuminated the dark sky and shortly followed by a roaring rumble of the thunder. Raindrops that fell through the other side of the glass wall I'm leaning on made pitter-patter sounds.

Kahit pa-gabi pa lang naman, napakadilim na agad ng kapaligiran dahil sa makakapal na ulap na humarang sa palubog pa lamang na araw. Wala naman akong nabalitaan na may bagyong naglandfall. 

Halos wala na ring makita sa paligid dahil sa kapal ng ulan.

Ilang segundo na rin ang dumaan na nakatitig at pinagmamasdan ko ang mga patak ng ulan sa labas.

I almost jumped out of my seat when another lightning struck followed by a clap of really loud thunder. That was the loudest one so far.

Napahawak ako sa dibdib ko at napabuga. My other hand immediately looked for my phone, still trembling a bit.

Nilaksan ko ang volume ng kantang nakakonekta na earphones ko.

Sumimsim ako ng mainit na kape mula sa hawak kong baso at sinandal ko ang aking likuran sa malambot na upuan. Its relaxing aroma filled my nose while I'm drinking.

It somehow calmed me.

Maraming taong na-rerelax at nagpapahinga lang sa ganitong weather.

Pero ako?

Not really.

Ang ulan at malalakas na hangin ay nagbibigay daan lang sa'kin para maalala ko ang araw na iniwan ako ng Nanay ko. It all reminded of the day my Mother left,

And never came back.

Tandang-tanda ko pa ang araw na 'yon. Kagaya ngayon ay malakas rin ang pagbuhos ang ulan at ang pag-ihip ng hangin noon.

I was hugging my mom so tight and I didn't want to let go of her. I was wheezing, crying out my heart while hugging her. Lalong lumakas ang paghagulgol ko noon nang bumitiw siya sa yakap naming dalawa.

She kneeled down to level my height before she wiped my tears with her trembling hands. A painful smile plastered on her face while tears are still dripping from her eyes.

My reflection was even visible from her teary eye.

It was about 13 or 12 years ago so I can't remember all the details. Basta ang alam ko at patuloy na bumabagabag sa isipan ko ay ang huling mga salitang binanggit niya sa akin bago niya ako tuluyang iwanan sa mga tumatayong magulang ko ngayon.

"Follow the butterfly to home, Eleanor. Himethea will wait for you"

Gano'n pa man ay nananatili pa ring palaisipan sa'kin ang mga sinabing 'yon ng tunay kong Nanay. Hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung ano nga bang ibigsabihin ng mga methapor na ginamit niya o kung metaphor nga ba ang mga 'yon.

Sino ba pati si Himethea?

Noon nga ay sinubukan kong sundan ang isang makulay na paru-paro kaya naligaw ako at muntikan pang mabangga ng isang truck pero buti na lang at naka-preno pa ang driver noon.

Simula nung araw na 'yun ay hindi ko na ulit ginawa 'yun at tinantanan ko na ang paghahanap sa tunay kong pamilya. Wala man akong ala-ala nila bukod sa pag-iwan sa'kin ng Nanay ko, inisip ko na lang na hindi ko na talaga sila makikita at makakasama ulit.

Kaysa naman umasa pa ako sa wala.

I drank almost half of my coffee before I stood up. Hinubad ko ang suot kong jacket at earphone. Naiwan ako sa suot kong puting t-shirt at dark jeans. 

The Heirs of Eclipse (Heir Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt