Chapter 2: Confusion

71.4K 1.8K 752
                                    

"What?!"

Matinis na sumigaw si Clarisse sa sobrang gulat at hinawakan ang magkabila kong balikat upang titigan ako nang maayos. Kunot-noo niya akong hinarap na parang tinatanya ang aking ekspresyon, habang ako naman ay hindi maintindihan ang kaniyang inasta.

Nakaupo lamang kami sa couch ng aking unit nang biglaan kong ikwinento ang nangyari kahapon habang papauwi ako galing sa Katipunan.

It occurred to me that she was trying her best to wake me up from a dream.

Ang kaibahan nga lang, hindi naman ako nananaginip. Gising na gising ako at nasa tamang huwisyo upang mag-sabi ng totoo.

"Oo nga," I mumbled. I told her the whole 'bumping-driving-gas-money-coffee' incident that happened yesterday. Plus, I also mentioned the name of the guy who helped me.

"Seryoso ka ba diyan, Belle?" She exclaimed, and I couldn't help but laugh at her miserably.

Kidding aside, bakit nga ba ganito ang kaniyang reaksyon? Kung makasigaw kasi siya ay para bang isang napakalaking bagay ang pagtulong sa akin ni Juan. Hindi ko tuloy siya maintindihan.

Ngayon ay Sabado at napagdesisyunan niya na bumisita muna sa aking tinutuluyan na unit. We've been friends since we met on my first day as a Thomasian student, and as much as we wished to stay in one place, her family lives near UST, so she doesn't need to rent or stay in a condo.

'Di tulad niya, ako ay nanggaling sa probinsya ng La Union, kung kaya'y wala talaga akong ibang pagpipilian kundi manatili sa isang condo. Wala naman kaming bahay dito at ang tirahan ng ilan sa aming mga kamag-anak ay malayo sa España.

"So, wait," she held out her palm, "You're telling me that Juan drove you home?" I nodded briefly as an answer.

"Juan Gomez de Liaño?"

"Oo."

"Juan – the curly-haired Juan?"

Natawa ako sa kaniya at naalala tuloy ang kulot na buhok ni Juan. "Yes, Clarisse."

"Juan GDL?"

"GDL?" Kunot noo kong tanong.

"Gomez de Liaño! A famous UAAP basketball player, dubbed as a child prodigy, half Spanish, and a handsome, hot, good-looking guy!" She sounded like a fan, to be honest. I rolled my eyes at her ecstasy and stood up to go to my kitchen.

A basketball player? So that explains why he was wearing jersey shorts yesterday and all the Nike stuff.

"Okay."

Sa totoo lang, wala talaga ako gaanong interesy. I didn't have a knack for famous personalities. Para sa akin, tao pa rin naman sila. Yun nga lang, they are standing in the limelight, making them very remarkable to other people.

Besides, Juan just did me a favor. I guess he's kind at least at magandang senyales naman iyon para sa isang taong sikat.

"What?!"

Namilog ang aking mata sa muling pagsigaw ni Clarisse mula sa sala. She sounded like she's very much surprised of my response. I can't do anything about it. Wala talaga akong interest sa mga sikat or more so about basketball players.

"Belle, baka ito na ang love life na ipinagdadasal ko para sa'yo!" She laughed out loud while pacing her way, following me in my kitchen.

Minsan hindi ko rin talaga maitindihan ang tumatakbo sa isip ng kaibigan ko. Kanina ang usapan lang namin ay ang pagiging sikat ni Juan pero bakit kasama na ang usapang love life?

Not a Coincidence | Juan GDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon