Chapter 29: The New Rise

43.9K 1.1K 505
                                    

My eyes are puffy the moment I opened them this morning. Although I can't see it, it feels like a heavy sack has been put above on each.

I grunted, shifting in my bed, and opening my heavy-lidded eyes. The incandescent rays of sun promptly greeted me from my window.

It took me a while or for my mind to register that I just woke up from a sleep that was an aftermath of ceaseless crying.

Agad kong inalala ang mga nangyari kagabi at hindi ko alam kung kailan ako tumigil sa kakaiyak pagkatapos kong aminin kina Mama at Papa ang lahat-lahat.

Si Mama ay umiyak din pero si Papa ay hindi. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang humihingi ng tawad sa pagiging walang alam sa lahat ng nangyari.

My father's eyes spoke volume. He didn't say anything nor even utter a single word. He made his presence felt by tenderly holding my shoulder, while my mother held me by her arms.

And it was the most disarming feeling I had in my entire life.

Kahit kailan ay hindi ko sila sisisihin. Desisyon ko ang itago ang lahat sa kanila at wala silang kasalanan doon.

But one thing's for sure, everything feels better now that I've told the truth to my parents.

The day passed by quickly for me because I woke up late. Ramdam ko rin na hindi gaanong nagsasalita sila Mama at Papa sa loob ng bahay. Alam kong pinapakiramdaman pa nila kung ayos na ba ako o hindi pa.

Mistulang walang tao dito base sa kung paano kaming tatlong gumalaw. Kumain kami nang sabay-sabay kanina ngunit malimit lamang ang naging usapan namin.

And I would thank them for that. Wala pa ako sa tamang disposisyon para maging masigla ulit at nakikita nila iyon.

Alas-singko na ng hapon ng nagpaalam ako sa kanila para magpuntang tabing-dagat upang panoorin ang paglubog ng araw.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho, anak," sabi ni Mama at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap.

"Ma, sa dagat lang ako," I chuckled. Naramdaman ko ang hagod niya sa aking likod.

Kahit walang ng ibang salitang lumabas mula sa kaniya, ramdam ko pa rin sa haplos niya na magiging maayos din ang lahat.

Nang makarating ako sa dagat ay hudyat na ng takip-silim. The sky's fiery with abstract strokes of orange and red. The sun's perfectly cut in half at the horizontal end of the sea.

Walang tao sa bandang ito. Lahat ng turista ay nasa kabilang dako. I would say I found a perfect place to end this day.

I gazed through the horizon, holding the cardigan to cover my bare shoulders. The wind's freely swaying around, making the coconut trees dance in a natural way. It plays around me as well, totally blowing my hair.

Nakaupo ako sa buhangin at tinatanaw ang papalubog na araw.

Hanggang dito na lang ang pangamba.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binubuksan ang aking telepono. Alam kong nag-aalala na silang lahat pero ayoko munang humarap sa kanila nang magulo ang aking isip.

Babalik din ako. Sasabihin ko rin kay Juan ang lahat.

Hindi na ako tatakbo.

Hindi na ako aalis.

Pinikit ko ang aking mata at kasabay nito ang pag-agos ng mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.

Why is it so hard to love? Bakit ba ang hirap-hirap?

Not a Coincidence | Juan GDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon