Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 6

36.4K 987 408
                                    


Nervous

Finally, Dino showed up. Kinunotan niya agad ng noo si Seprimo na nakaupo sa aking tabi at bakas ko sa kaniyang ekspresyon ang pagtataka at pagkairita.

"Hoy Rimo. Bakit mo kinakausap si Cari?" matapang na sabi ni Dino kaya mabilis namang humalakhak si Seprimo.

He's dripping wet dahil sa kaniyang pawis. He looks more handsome. Nagtama ang mga mata namin pero muli niya rin ibinalik ang kaniyang mga mata kay Seprimo.

"I was just checking her, hinihintay ka pala..." kalmadong sabi ni Seprimo.

"Checking mo mukha mo, palagi kitang naririnig na kausap sila Hernan na pupuntahan niyo 'yung room ni Cari... ano huh?" mahina akong natawa sa tono ng boses ni Dino.

Para siyang batang nagyayabang na binilhan siya ng mas mahal na sapatos ng kaniyang tatay kaysa kay Seprimo.

Seprimo chuckled as he stares onto Dino. "You're funny, Dino... but yes, I am interested on her. You got a problem with that?" nakangising sabi ni Seprimo kaya nagtaas ng kilay sa kaniya si Dino.

"Mayroon, bakit? Naka-reserve na siya sa akin kaya wala ka ng pag-asa, doon ka na mag-training ka baka i-seminar kita ng basketball... palakas ka muna..." ani Dino at nilipat na ang mga mata sa akin.

Humalakhak si Seprimo at umiling pa. "You're such a kid, Dino... I should get to training, panoorin mo ako Cari..." ani Seprimo at ngumisi sa akin.

Hindi ako nag-react sa sinabi niya. I am just wearing my straight face and wala akong balak i-entertain siya. He's creepy.

Nang makaalis si Seprimo ay umupo si Dino sa tabi ko. Hinihingal pa siya habang puno ng pawis ang kaniyang katawan.

"I am sorry. He's a creepy guy... pinatakbo pa kasi ako..." aniya at ngumiti sa akin.

Umiling ako. "I can handle it, Dino... wala siyang palag sa akin kaya no worries, though ang creepy niya nga," sabi ko kaya humalakhak siya.

"Well, he's a total creep. Huwag mo na pansinin, marami 'yang ginagalaw na babae tapos binubuntis. Kupal 'yan e..." aniya at nilingon si Seprimo na naglalaro na sa court.

Napangiwi ako. Yuck, such an asshole.

"Mag-training ka na, baka mamaya pagalitan ka pa dahil nakaupo ka pa rito..." sabi ko.

Hinawi niya ang buhok niyang napunta sa kaniyang mukha. Binasa niya ang labi niya atsaka ako binalingan ng tingin. "Yeah, I should do that... diyan ka lang ah, atsaka ako ang panoorin mo hindi 'yung Rimo na 'yon." Umirap ako at tumango.

I sat quietly while watching Dino playing. Nag-stretching muna sila, did some shootings tapos atsaka sila nag-proceed sa game.

Habang nanunood ako ay bigla kong naalala si Ross. I used to watch him play noong high school. I was his number one supporter pero never been just his fan girls, but iniwanan niya naman ako so parang gano'n na nga rin.

I wonder kung ilan na ang naging girlfriend ni Ross at ginanito niya rin? Siguro he's happy with someone else right now. Baka nga he's having a casual sex already... I think if I am not mistaken he's already 2nd year college now.

Ipinagkibit balikat ko na lang ito at pinanood si Dino. Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang pagsiko ni Seprimo kay Dino sa kaniyang tagiliran kaya napatigil si Dino at matalim na tiningnan si Seprimo.

I can't hear them pero nakikita kong nag-uusap sila. Dino looks mad while Seprimo is acting innocent pero kitang-kita ko rin naman 'yung ginawa niya.

Taming the Heat (La Grandeza Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon