c h a p t e r 2

50 5 0
                                    

Ano kayang pwedeng kainin mamaya pag-uwi? Pastil? Barbecue? o Fried Chicken? Tagal naman ng sundo namin, nagugutom nako, kainis!

"Sasa!" sabay kaming napalingon ng kapatid ko habang naglalakad papuntang canteen.

"Ano na naman? Kung tawagin mo kong Sasa kala mo naman close tayo" iritang sagot niya dun sa kaklase niya, Win ata yung pangalan nun.

"Ay kailangang maging close para matawag ka na Sasa? hahaha" ayaw niya kasing tinatawag siyang ganun ng mga di niya lubos na kakilala.

"Ano ba kasing kailangan mo Win? Kanina ka pa sa classroom!"

Napansin ata ni Win na parang naiinis na siya "Ah- ha?- ano wala naman sige bye ingat pauwi!" at tumakbo siya nang mabilis palabas ng campus. 

My sister rolled her eyes and continued walking. "Weirdo" she whispered.

Habang papalapit na kami sa canteen, may narinig akong nagtatawanan sa loob. Ang iingay! Sino ba yun?

"Malia! diba yan yung pangalan ng wolf? Yung tagabantay? HAHAHAHA"  alam ko na kung sino.

Si Caleb.

"Caleb yung pangalan pero di naman pang bibliya yung ugali pwe!" sabay taas ng kilay ko. Nagulat siya nang makita ako, akala niya siguro di ko siya narinig at di ko siya papatulan. Feeling eh! kala mo naman kagwapuhan.

"Ang sungit ng ate mo Ally, buti di ka nagmana sa kanya"

Tawang-tawa yung kapatid ko sa sinabi ni Caleb "Ba't ba kasi kayo away nang away? Pag kayo ma fall sa isa't isa"

Ano daw? Sinong mafafall? Ako at yung demonyong yun? Jusmio! Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya! No way! Never! Over my dead body! Kadiri!

Magsasalita pa sana yung Caleb, buti nalang dumating na yung sundo namin.

"LIAAAA!!! I miss you! Long time no see!" napaka-OA talaga nitong si Adi, kala mo naman di kami nagkita during summer break. 4th year highschool na kami pero yung ugali niya parang pang-gradeschool pa rin tss.

"OA mo! tabi nga diyan pipili nako ng uupuan ko" sabi ko kay Adi na nakaharang sa pintuan.

"Hep hep! No no!" kinuha ni Jo yung bag ko na nilagay ko sa isang upuan sa harap. "Wala daw munang uupo sabi ni Mdm., may seat plan daw kasi"

Ano na naman bang pakulo 'to? Ugh.

Pumasok na kaming lahat sa classroom pagkatapos ng flag ceremony. Isa-isang tinawag ni Mdm. yung mga uupo sa harapan.

"Okay Cariaso, Concepcion, dito kayo sa 3rd row, 3rd column" sino daw? ako at si? mali ata yung narinig ko.

"Caleb!" napatingin kaming lahat sa may pinto. "First day of class, late ka na agad! Dito ka sa tabi ni Lia," nanlaki yung mga mata namin pareho.

WHAT? HELL NO!

Okay Li, kalma. Kumalma ka Malia, makipagpalit ka nalang mamaya sa kahit na sino basta di lang siya yung makakatabi mo. Okay, problem solved ...

"Yan na yung seating arrangement ninyo for the whole school year, okay? Demerit kapag may magpapalit ng upuan. Class dismiss."

O M G. This isn't happening. No. No.

***

Caleb. Siya nga. Shit bakit siya andito? Teka, ba't andami niyang sugat?

"Ma'am Lia! Ma'am Lia! Huy Ma'am! okay ka lang po ba?" tanong nung nurse na nag-aasikaso sa kanya.

"Oo, malapit na kong matapos. CBC w/ platelet pati CT-BT lang ba yung request nito?"

"Opo Ma'am, STAT po ha hehe" tumango ako at inayos yung mga ginamit ko.

"Malia ..."

I heard him.

He called me.

Wait.

Why do I feel nervous?

What?

Why is my heart beating so fast?

"Malia"

Should I look at him? or Should I just pretend that I didn't heard him?

Anona Lia?

"Li! Huy! Tara na, STAT yan diba?" tinapik ako sa balikat ni Lorie. Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Shit! Ano ba Lia! Ano bang nangyayari sayo?

Pagkadating ko sa lab, agad kong prinocess yung blood sample ni Caleb.

"Ma'am Lia, ito po yung request ni Cariaso" kukunin ko na sana yung papel kaso inunahan ako ni Adi

"Caleb Cariaso, 23. WAIT, WHAT? CALEB CARIASO? As in yung Caleb na kilala ko? mo?natin?"

Ang drama talaga. Tumango nalang ako at dali-daling kinuha yung request kay Adi na nakatulala pa para makapag release na ako ng result.

Habang pinipirmahan ko yung result, di ko namalayang lumapit pala silang dalawa sa section ko.

"So, kaya ka ba natulala kanina sa ER dahil nagulat ka na makita mo siya ulit o dahil bumalik yung ano mo sa kanya?" tanong sakin ni Lorie na may pagdududa yung mukha.

Bumalik yung feelings ko? Di no.

"Anong ano? wala no! nagulat lang akong makita siya ulit after 5 years."

5 years, wow ang tagal na pala.

Met Him AgainWhere stories live. Discover now