c h a p t e r 3

40 5 0
                                    

"Opo Mrs. as of now, he's doing okay pero we will still monitor his condition through running some tests just to make sure."

"Thank you Doc. Thank you po talaga."

That's my mom. Why is she crying?

I tried to open my eyes.

"Tita! Tita! Si Caleb! Gising na po!" rinig kong sabi ni Gavin.

I saw my mom rushing towards me. Where am I? I scanned the room, a hospital? Why am I at the hospital?

"Caleb! Caleb anak, can you hear mama? My baby can you hear me?" Oh geez! How many times do I have to tell my mom to stop calling me baby especially when I'm with my friends?

Gavin was holding his laugh at the back but I caught him and threw a pillow.

"Okay na po siya Tita, kita niyo yun? Bumalik na po siya sa dati niyang ugali" he was still laughing and my mom joined him too.

I tried to sit down but my body is aching. "What happened?" I asked them.

"Anak, you've been asleep for 2 days after you had your surgery." I was what?

Oh right! I was in a car accident.

"What happened to Axel?"

"Nasa kabilang kwarto bro, okay lang siya. Mas malala yung nangyari sa'yo kesa sa kanya."

I sighed in relief. Thank God.

"Gav, okay lang ba na ikaw muna yung magbabantay kay Caleb? May kailangan kasi akong ayusin sa office, babalik naman ako mamayang dinner. Okay lang ba?"

"Opo Tita, no problem!"

Nagpaalam yung mama ko at umalis na.

"Alam mo bang may nakita ako na ikakasaya ng araw mo?" biglang tanong ni Gavin sa akin.

"Gago ka ba? Kakagising ko nga lang diba, pano ko malalaman?" Tanga to.

"Oh ba't nagagalit? haha sorry naman, pero basta dude, sasaya ka pag nakita mo to."

"Ano ba kasi yan? Pag ako di nasiyahan"

"Basta."

Anong basta? Parang ewan kausap 'tong taong to tsk.

"Ewan ko sayo" Nanuod nalang ako ng tv habang naglalaro ng mobile legends si Gavin.

"Gav, patulong naman, iihi ako" nanlaki yung mata niya

"Bro, di ako handa na makita at mahawakan yung ano mo."

Sira talaga. "Gago! Nagpapatulong lang akong tumayo, dumi ng utak mo. Dali na!"

Tinulungan niya kong tumayo at inihatid sa CR.

While I was doing my business, I heard someone talking.

"Excuse me, Sir Cariaso? Sir?"

Sino kaya yun? Ba't ako hinahanap?

"Uy! Hello! Nasa banyo pa eh, 'lika upo ka muna dito."

Narinig kong nag-uusap si Gavin at yung babaeng dumating. Hay nako! Ilang araw pa nga lang ako dito sa ospital pero 'tong taong to, may nahuli na naman na babae tsk.

"Hoy! Naalala mo pa yun? Grabe nakakahiya hahahaha"

That laugh. It sounded like her's.

Nagmadali akong matapos para makita kung sino yung tumawa.

"Gav, sino yung pumasok? Kaboses ni Malia yun ah?"

Gavin shrugged his shoulders and looked at the girl who was wearing a white lab gown and has a mask on. He winked at her and laugh. Luh? Ang landi ng gago.

"Bro, higa ka na. Kukuha daw ng dugo for monitoring."

Habang kumukuha ng dugo yung babae ay tinitigan ko lang siya. She looked like her. Pero alam kung di siya si Malia kasi magkaiba yung height, medyo may katangkaran tong babaeng nasa harap ko.

"Okay na po Sir, thank you." Inayos niya yung gamit niya at naglakad palabas.

"Get well soon, Logan."

***

Shit! Late na naman ako, patay na naman ako nito kay Mdm. Suarez.

"Caleb Logan Cariaso! Late ka na naman! Isa mo pang late, considered absent ka na, naiintindihan mo?" sabi ko na nga ba.

Tumango ako at nagsorry kay Mdm. Pumasok na ako ng classroom at umupo. Habang inaayos ko yung gamit ko, nakita kong nakangiti yung masungit kong katabi, aba! good mood ata.

"Logan"

What the fuck.  Nilingon ko siya, anong tawag niya sakin?

"Hoyy Logan"

I hate that name, masyadong pangit. Mas gusto kong tinatawag akong Caleb.

"Don't call me that!"

"Bakit? Ayaw mo bang tinatawag kang L O G A N?" tawang-tawa niyang sagot.

"Oo ayoko. Kaya wag mo akong tawaging Logan"

"Oh? Talaga? Edi mas lalo kong gagamitin yung LOGAN hahaha"

Tinignan ko siya, yung tawa niya, yung dimples niya na sobrang lalim, ang mata niya nawawala kapag tumatawa ...

"Hoy bro! Okay ka lang? Ba't natulala ka diyan sa katabi mo?" tanong ni Axel sa akin, sabay hampas nang notebook niya.

Sinong tulala?

"Nafafall na ata bro hahaha" singit naman ni Gavin.

Binatukan ko sila pareho, "hinaan niyo nga yang mga boses ninyo, pag kayo marinig ni Malia, baka akalain niyang may gusto talaga ako sa kanya."

Mga gagong to, sinong nafafall? Ako? Sa supladang to? No way!

Met Him Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن