c h a p t e r 5

35 5 0
                                    

"N-name for your cup, Ma'am?" nauutal na tanong ng barista sakin, halatang bago pa siya dito.

"Ana" I smiled at him and roamed around the cafe. I found an empty spot, placed my things on the table and sat down.

While waiting for my coffee, I noticed a couple of guys wearing hoodies with "MEDICINE" printed on it and are bringing thick books entering the cafe.

"One Hot Caramel Macchiato for Ma'am Ana!" sigaw nung barista.

Finally! Lumapit ako sa may counter and nakita kong nandun yung mga lalakeng nakita ko kanina. Infairness, pogi silang lahat lalo na dun sa kay Kuya na nakasalamin. Hmm.

"Ma'am Ana! Hi! Ba't ngayon ka lang nakabalik dito? hehe. This is your coffee, Ma'am" bati ni Harry sa akin, manager ng cafe na to. At oo, loyal customer ako dito kaya kilala niya ko.

"Hi! Medyo hectic sa mga extra-curricular activities eh kaya sa dorm nalang ako nag-aaral. Thank you dito ah!" nginitian ko si Harry at bumalik na sa inuupuan ko.

Inayos ko yung laptop ko pati na rin mga notes na hiniram ko sa mga kaibigan ko. Kailangan kong humabol sa Cytology  na subject kasi twice akong di naka pasok dahil sa mga extra-cu activities.

"Excuse me, is this seat taken?" Oy! si Kuya na nakasalamin! Hawak-hawak yung kape at yung libro niya.

"No. You can take it."

Kinuha niya yung upuan and pumwesto sa harapan ko. OMG! Shet, ang pogi mars! Ano ba Lia, mag concentrate ka nga! Babalik na sana ako sa pag-aaral nang bigla siyang nagsalita.

"Medtech student ka? Sa SAU?" Luh? aba stalker ko ata to. Ba't niya alam kung sa'n ako nag-aaral at pati course ko, alam niya rin.

"Don't get me wrong, di ako stalker o ano man, yung mga libro mo kasi pati damit mo" dugtong niya. Oo nga pala naka club shirt ako at ang laki pa nang nakasulat na 'St. Augustine University' lol muntik ko nang pagbentangan tong taong to.

"Ah oo."

"Diyan din kasi ako nag-aral ng pre-med ko pero BSBiology yung kinuha ko." ohh okay, pero anong pake ko? haha charot lang, wag mataray Lia, pogi yang kausap mo.

"Ohh talaga ba? Ayos." ang awkward ng sagot ko pero di bale na, binuksan ko nalang yung laptop ko para maputol yung pag-uusap namin.

Bakit ang hirap nitong chapter nato? huhu. Wala pa naman sina Jo para turuan ako.

Jo is calling...

sakto! "Joooo! Send help please... sasabog na yung utak ko, ni isa wala akong maintindihan huhu"

"Yan kasi, inuuna pa yung mga kung ano-anong activities. Di kita matutulongan ngayon, may lakad kami ng parents ko. Tumawag ako para sabihin sayo na may quiz sa lunes about sa chapter na yan. Ciao!"

F*ck! Sabado na ngayon, ba't ngayon niya lang sinabi? Paano ko maipapasa yung quiz na yun? Naiiyak na kong tinitigan yung mga notes na hiniram ko.

"Gusto mo turuan kita?" Turo? Sino yun? Yes yes yes please! Agad kong itinaas yung ulo ko at nakita kong nakangiti sa akin si Kuya na nakasalamin. Ay nakikinig nang usapan ng iba?

"Ay nako wag na! Maabala pa kita hehe thank you!" pilitin mo ko please, gusto kong magpatulong! Syempre ano, medstudent na siya, meaning mas may alam to kesa sakin pero nakakahiya eh.

Tiniklop niya yung libro niya at humarap sa akin, "okay lang, tapos na din naman ako sa binabasa ko."

"Okay lang talaga pero if you insist" sabi ko sa kanya sabay abot nung notes. Char Lia, nahiya ka pa niyan ah? hahaha

"Omg! Ganun lang pala yun? Galing! Thank you —"

"Matt"

"Oh thank you talaga, Matt! You are a lifesaver! I'm Lia by the way" sabay abot ng kamay ko.

"I thought your name is Ana?" Hala? Pano niya nalaman yung Ana? tong taong to, nakakapagduda talaga hmm. "Ugh I heard the barista and the manager called you Ana a while ago."

Oh yun pala! Assumera ba apelyedo mo Lia? Amfee! "Ahh ano yun kasi ginagamit ko sa mga cafes para okay lang kahit mali yung spelling, parang screen name ganon hehe"

"Kaya pala, okay! Nice to meet you, Lia! Glad you understand what I taught you."

...

"Lia! Anona? Hoy! Ba't natulala ka diyan? Okay ka lang ba?" ano ba Lia nakakahiya!

"Hi Doc Matt! Wala to, pauwi ka na ba?" Oo, kasama ko dito sa ospital si Matt. Post-Graduate Intern na siya, nakakaproud!

"Anong Doc Matt? Isa pang tawag mo niyan Lia, magagalit na talaga ako sayo!"

"Oo na, binibiro lang kita haha! Ano pauwi kana? Magma-mall kami nila Adi, sama ka?"

Nagkunwari pa siyang nag-iisip pero alam ko namang sasama to, "Sige na nga, sasama nako pero wait samahan mo muna ako dito sa loob, may itatanong ako!"sabay hatak sakin papasok nang kwarto ni Caleb.

"H-hoy anong gagawin ko dito?" wala na kong nagawa, nasa loob na'ko. Nagulat sila Caleb na nakita nila akong hatak-hatak ni Matt.

"Lia? Ano SGPT pati SGOT result niya?" aba gago tong si Matt, ginawa akong nurse?

Siniko ko si Matt! "Gago ka ba? Ano trip mo?" Tinawanan niya lang ako habang binabasa yung chart ni Caleb.

Sinilip ko si Caleb na nakatingin din pala sa akin. Shit. Ba't ako kinakabahan? Nagmamalfunction na ata tong puso ko. Nginitian ko lang siya at iniwas agad yung tingin ko. Kinausap ko sila Gavin na hangang ngayon eh nagtataka parin ba't ako pumasok ulit.

"May something ba sa inyo ni Doc?" tanong sakin ni Axel na may pagdududa yung mga mata.

Ako at si Matt? nakakatawa! Sasagot na sana ako pero nagsalita ulit si Matt.

"Let's do one more test tomorrow to make sure you're doing okay already and then we'll discuss about you going home, okay?" Matt smiled at Caleb and grabbed my hand, "Excuse us."

Di ko nagawang bumitaw sa pagkakahawak ni Matt sakin sa sobrang higpit. Anong poblema ng taong to?

"Oy Matt! Ano y-"

"Tara na! Punta na tayong SM, kanina pako nagugutom eh, kunin ko lang yung bag ko sa locker tapos puntahan ko kayo sa lab, okay? Bye!" sabi niya sabay takbo papalayo sa akin. Nabubuang na ata tong si Matt, psh.

Bumalik nako sa lab at nag ayos ng mga gamit ko para umalis na, kanina pako minamadali ni Adi kasi gusto niya nang mag milktea.

"Are you guys ready?" tanong ni Matt.

"Oy Doki! Sasama ka pala? Manlilibre ka?"

"Sure Lorie basta ilalakad mo ko?"

Aba nagbibinata na si Matt at gusto nang magpalakad hmm.

"Aha alam ko na kanino, sure Dokie! Kaso baka mahihirapan ka ngayon kasi may bumalik eh haha" ba't di ko alam lovelife nang taong to?

"Oy oy! Sino yung nagpapalak- oh! Hi Doc Matt! Ako ba yung gusto mo?" biglang sabat ni Adi. Gaga talaga tong babaeng to, di marunong mahiya!

So ano na ngayon? Magchichismisan na lang ba kami dito? "Aalis pa ba tayo o hindi na? Kasi uuwi nako."

"Ang sungit mo talaga Lia, di ka ba nasiyahan sa warding mo kanina? haha" sagot ni Adi sa akin.

"Isa pang pangungulit mo sa akin tungkol kay Caleb Adi, di nako sasama sa inyo!"

"Oy joke lang Lia! Kalma ka lang okay? Sorry na hehe! Tara na bago pa mag-iba yung isip ni Lia!" minsan talaga naiisip ko kung bakit naging kaibigan ko si Adi tss.

Lumabas na kaming apat nang ospital at sumakay sa sasakyan ni Matt. Kukunin ko nalang dito mamaya yung sasakyan ko pauwi. Sumakay ako sa frontseat at inayos yung bag ko. Ikakabit ko na sana yung seatbelt ko nang biglang nagvibrate yung phone ko.

@calebcariaso_ has followed you on instagram.
@itscalebcariaso has followed you on twitter.

Met Him AgainWhere stories live. Discover now