c h a p t e r 4

35 5 0
                                    

"Liaaa! Spill the chika! Now na!" pagkatapos kong kunan ng dugo si Caleb, bumalik na ako sa lab at nakita kong hinintay ako ng dalawang to sa section ko. Mga chismosa talaga.

"Anong chika? Tigil-tigilan mo nga ako Adi."

Nilapitan ako ni Lorie at binigyan ng *talaga ba?* na mga mata.

"Wala nga, narinig niya lang yung boses ko nung nasa banyo siya tapos paglabas niya tinanong niya si Gavin kung sino daw yun, ba't daw kaboses ko. Yun lang."

Kilig na kilig yung dalawa na wala namang kakilig kilig dun sa sinabi ko.

"Uyyy Lia, muling ibalik na ba ito?" pang-aasar ni Lorie sa akin.

Anong muling ibalik? Eh wala namang babalikan in the first place, mga tangang 'to.

Iniwan ko silang dalawa dun na hanggang ngayon ay para paring mga baliw na tawang-tawa at kinikilig.

"Adi, pa check nga kung may reagent pa ba para sa SGOT pati SGPT, konti nalang kasi yung laman nito oh!"

"Mamaya na yan, so ano nga? Na recognize niya yung boses mo oh tapos anong nangyari? Ano naging reaction mo? Nagkausap ba kayo? Sabihin mo na kasi" pangungulit nitong si Adi.

Bakit ba binibig deal yung pagkikita namin ulit? Kainis. "Ano ba Adi, binabayaran ka ba ng ospital para makichismis sa mga bagay na dapat di binibigyan ng pansin?"

Halatang nainis si Adi, "ay ang suplada naman! oo na eto na." Umalis siya at pumunta doon sa may ref na nilalagyan ng mga reagents, "oo meron pa pero tag-iisa nalang sila, at oo na, ako na oorder" sabay irap sa akin hahaha alam niya talaga yung ugali ko.

"Buti nalang wala masyadong pasyente ngayon no?" oo nga, pansin ko din, kasi nung mga nakaraang araw halos wala kaming panahon na maka upo man lang sa dami ng pasyente, mapa-out patient man or for admission.

Lumapit sa amin ni Lorie si Adi na yung mukha ay alam na alam ko na kung anong ibig sabihin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano na naman?" inis kong sabi.

"Wala pa nga eh. Pero dahil wala na tayong ginagawa, magsalita ka na, sabihin mo na kung ano yung nangyari kanina" sabi ko na nga ba.

"Wala ngang nangyari, kulit mo naman."

Halatang di kumbinsido yung mga mukha nila, "Lia, alam mo naman sigurong di ka titigilan ni Adi diba hangga't di mo sinasabi?"

"Wala naman kasi talagang nangyari, tahimik lang ako dun di din nagsalita si Gavin. Kinunan ko lang siya ng dugo tapos nagpaalam at nagpasalamat, yun lang."

Oh fuck! Kinamot ko yung ulo nang bigla kong naalala yung sinabi ko kay Caleb nung palabas na ko ng room niya. Shit.

"Sabi ko na may nangyari eh! Ano na Mdm. Lia, ano bang nagawa mo at ginulo mo yang buhok mo?" natatawang tanong ni Adi.

"Get well soon, Logan" nahihiya kong sabi sa kanila.

Nagulat silang dalawa at tumawa. "What the hell Lia? Sinabi mo yun? HAHAHA nasa drama ka girl?" di parin tapos tumawa tong si Adi.

"Pagkatapos nun, umalis nako. Kaya kayo na ang next monitoring ha? Lorie? Pls. save me huhu" pagmamakaawa ko kay Lorie. Nahihiya talaga ako sa sinabi ko kanina.

"No 'wag Lorie, kailangan kung sino yung nasa Hema, siya yung magmomonitor" bruha ka talaga Adi.

Paano ba yan, paano ko na haharapin si Caleb mamaya? Ba't mo naman kasi sinabi yun Lia? Nakakahiya ka talaga huhu

Iniwan kami ni Adi sa section ko dahil may nagpasa ng specimen, mukhang marami haha buti nga sa kanya.

Siniko ako ni Lorie at mukhang seryoso siya, "Ano na plano mo ngayon?"

Plano? Sa kay Caleb? "Plano saan?"

"Kay Caleb, balita ko wala siyang girlfriend ngayon."

"Ano naman kung wala na siyang girlfriend? Alam mo Lorie, wala nakong feelings sa kanya no at tsaka yung sinasabi niyo kanina na muling ibalik? Wala naman kasi akong babalikan in the first place, di naman naging kami." pangiti kong sabi.

"May point ka, pero di mo ba sasabihin sa kanya na may feelings ka sa kanya nuon?"

Bakit ko naman sasabihin? Para masaktan ako ulit kagaya nung nangyari sa akin 5 years ago? 'Wag na no. "Wala, at tsaka di na naman kasi yun importante eh, patay na yung feelings ko sa kanya at inilibing ko na nuon pa."

Tumango nalang si Lorie at tumayo na, "so pwede kayo maging friends ulit?"

"Oo naman." Friends? Kami? ewan.


"Lia! Bilisan mo ah! 'Wag ka munang makipaglandian dun sa bibi mong pasyente haha para di tayo ma stuck sa traffic papuntang SM!" 

"Shut up Adi!" kinuha ko na yung phleb kit at dumiretso sa mga kwarto. Ihuhuli ko na si Caleb kasi nasa ground lang naman yung kwarto niya.

"Full name po natin Ma'am?" tanong ko sa pasyente, buti nalang at sinagot niya nang maayos. Di kagaya nung ibang mga pasyente na nagagalit kung ba't ako tanong nang tanong kung anong pangalan nila. Nakakainis man pero wala akong magagawa at medyo nasanay rin naman nako sa mga ganoong klase na mga pasyente.

Nagpasalamat ako at umalis na ng kwarto. Tinignan ko yung mga requests. Isa nalang, siya nalang yung naiwan. Bumaba na ako at dumiretso sa kwarto niya. Kinatok ko yung pinto at medyo narinig kong madaming tao sa loob. Relax, Lia! Pasyente lang yan, kaya mo yan. Binuksan ng isang lalake yung pinto na pamilyar yung mukha, sa'n ko ba 'to  nakita? Anyways, bilisan mo na Lia para maka alis ka na dito. 

"Sir Cariaso, for monitoring po ulit." sabi  ko habang papalapit sa higaan ni Caleb.

"Uy hi Lia! Dito ka pa pala? Ano oras uwi mo?" tanong sakin ni Gavin.

Nakita kong gulat na gulat yung mukha ni Axel, buti okay na siya. "Lia? As in Malia Concepcion?" tanong niya kay Gavin. Tumango lang si Gavin at binalik sakin yung pansin.

"Oo eh pero last na dito. Uuwi na ako pagkatapos nito." Tinignan ko si Axel at binati siya, "hi Axel! Buti medyo okay ka na!"

Ang awkward. Tahimik lang silang lahat at nakatingin sa amin habang kinukunan ko ng dugo si Caleb. "Ano po full name niyo, Sir?" pakalma kong tanong.

"Caleb Logan Cariaso" sagot niya habang nakakatitig sa akin.

Sinulat ko yung pangalan niya sa tube at inayos yung mga ginamit ko. "Sige po Sir, thank you." Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"You look good in that white gown."

Tinignan ko siya at tinanggal ko yung mask na suot ko. "Salamat" at nginitian ko silang lahat.

Lumabas ako ng kwarto niya at huminga nang malalim, mukhang sasabog na yung dibdib ko sa kaba kanina. Grabe! Ano yun? Ba't may pa compliment? Buti nalang talaga at nakaya kong kumalma kanina.

"Hi Lia! Okay ka lang? Tapos ka na bang mag warding?"

Humarap ako dun sa nagsalita at bigla akong nahiya, "H-hi Doc Matt!"

Met Him AgainWhere stories live. Discover now