c h a p t e r 7

26 3 0
                                    

Sa kakaisip ko kung ba't niya ko finollow sa mga socmed accounts ko, di ko namalayan na andito na pala kami sa SM. Dumiretso kami sa Conti's para mag meryenda.

Habang naghihintay na dumating ang order namin, nags-scroll ako sa account ni Caleb, "Lia! Kanina ka pa nakatingin sa phone mo, ano ba meron?" 

"Ah ito? Wala, tinitignan ko lang IG feed ni Caleb, finollow niya kasi ako."

"Aba! Aba! May progress na! Ano finollow back mo ba?" excited na tanong ni Adi.

"Oo naman, ba't naman hindi. Pati rin sa twitter, baka sabihing ang feeling ko pag di ko finollow back haha."

"Caleb? Cariaso? Yung liver laceration patient? Kilala niyo yun?" oo nga pala! Nakalimutan kong kasama pala namin si Matt.

"Oo Doki! Kilalang-kilala. Lalo na si Malia haha" tinitigan ko ng masama si Lorie. Nahawa na ata siya kay Adi, napapadalas na yung panunukso niya sa akin. "Kaklase nila noong highschool, si Jo, Adi, Lia at yung dalawang lalake sa kwarto ni Caleb."

"At naging MU sila ni Malia haha! Di ba Lia? Naging prom king at queen pa nga sila eh!" dagdag ni Adi.

Ang daldal ng dalawa! Nakita kong nag-iba yung mukha ni Matt, baka nagugutom na siya. "Ang tagal naman ng order natin!"

"Lia, ano nga ulit yung nangyari after prom? Nakakalimutan ko lagi yung kwento!" tanong ni Lorie sa akin. 

"Ganito kasi yun, ako na magk-kwento Lia, alam ko namang di mo rin aayusin." Uminom muna siya ng tubig at nagsimulang magkwento.

"After nung prom, nagka-ayos na sila, sumasabay sa amin sila Caleb kumain ng lunch, nanunuod kami ng laro ni Caleb, gumagala kapag walang pasok, basta yun! Ang close na nila, yung parang ang tagal na nilang magkaibigan, hangang sa nahulog na ang loob ni Lia. Sinabi niya sa amin ni Jo ang nararamdaman niya kaya sinuportahan namin siya. Araw-araw silang magkasama kaya akala namin ni Jo na mutual ang feelings nilang dalawa. Nawala yung supladang Lia at napalitan ng super clingy na Lia. Nagplano pa nga silang dalawa na pumasok sa iisang university." nahinto sa pagk-kwento si Adi kasi biglang dumating yung order namin. Hay salamat!

"Tapos? Ipagpatuloy mo na Adi!" pagbabalewala ni Lorie sa pagkain, himala!

"2 weeks before graduation, nanuod ulit kami ng laro ni Caleb, championship na kasi kaya gustong pumunta ni Lia kahit ang busy namin sa mga school works. As usual, nanalo ulit si Caleb at nakatanggap ng mga parangal kagaya ng medal at scholarship sa isang university sa ibang lugar. Nagulat kaming lahat lalong-lalo na si Lia. Inintindi ni Lia na sayang ang opportunity kaya okay na sa kanya na di matutupad yung plano nila. Ilang araw ang nakalipas, biglang nagbago ang pakikitungo ni Caleb kay Lia, sobrang lamig. Di namin alam kung anong nangyari. Hangang sa dumating na yung graduation, plinano ni Lia na kausapin si Caleb at tanungin kung anong problema. Linapitan ni Lia si Caleb pero umiwas ito at umalis. Di niya na kinausap si Lia. The end." hingal na hingal si Adi na umiinom ng tubig. "Kain na tayo? Nagutom ako sa kakasalita!"

"So ngayon lang kayo ulit nagkita?  Di mo ba sinubukang umamin sa kanya?" tanong ni Matt.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Lorie, "at dito ako lumabas sa storya niya, nung 1st year college kami, nakita ko siya sa isang sulok sa labas ng auditorium, umiiyak. Tinanong ko kung okay lang ba siya pero niyakap niya ako bigla at humagulgol ng malakas. Pinatahan ko muna siya bago ako umalis sa pagkakayakap niya, ang awkward kaya, di naman kami magkakilala pero naka yakap siya sa akin haha. So ayun, pagkatapos niyang kumalma tinanong ko siya kung anong nangyari, akala ko kasi namatayan siya. Yun pala, nung plano nya ng umamin kay Caleb tungkol sa nararamdaman niya, nakita niya sa account nito na may girlfriend na pala yung tao. Akala nya kasi na gusto rin sya ni Caleb. Nasaktan siya ng sobra kasi first love niya kaya halos dalawang buwan bago siya naka move on. The end."

Tinitigan ako ni Matt na parang naawa siya sa akin. "Buti nalang nakapag move on ka na! Wag ka ng bumalik dun, dito ka nalang sa akin." Nagulat kaming lahat sa sinabi niya, "h-ha-ha joke lang ano ba kayo! sige na kain na tayo!"

Pagkatapos naming kumain, bumili lang kami ng mga kailangang bilhin habang nakasunod sa amin si Matt, ang tahimik niya.

"Thank you Doki sa paghatid! Ikaw na bahala kay Lia ha? Bye Li!" paalam ni Lorie at Adi sa amin. Malapit lang kasi ang condo nila sa SM kaya hinatid na muna sila bago kami bumalik ng ospital para kunin ko yung kotse ko.

Ang lala ng traffic, kanina pa kami dito, di umuusad yung mga sasakyan at hangang ngayon ay tahimik pa din si Matt. "Ang tahimik mo ata ngayon? May poblema ka ba?" di nako nakatiis.

Humarap siya sa akin, ang seryoso ng mukha niya. "May gusto ka ba sa kanya ulit? Please be honest, Lia."

Nagulat ako sa tanong niya, yan ba ang rason kung bakit ang tahimik niya? "Kaya ka ba tahimik kasi -"

"Please answer the question Lia. Do you have feelings for him again?" kanina ko pa naririnig ang tanong na yan! Ano bang meron?

"To be honest Matt, I don't know."

Natahimik ulit siya hangang sa nakarating kami sa ospital. Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyayari sa kanya pero natatakot ako baka magalit siya, di ko pa siya nakitang ganito ka-seryoso. Tinanggal ko yung seatbelt at binuksan yung pintuan  para lumabas pero hinila ako ni Matt pabalik at niyakap ako, sinara ko ulit yung pintuan ng sasakyan.

"M-matt! Hoy okay ka lang ba? May poblema ka ba?"

"Lia! I've been holding myself for so long kasi alam kong di ka pa handa at ayaw mo muna."

"Ha? Ayaw ko munang ano?"  nalilito ako sa sinasabi ni Matt. Di pa ako handa sa ano?

"You told me before kaya ayaw mo munang pumasok sa isang relasyon kasi ayaw mong masaktan ulit. Lia, di kita tinanong, di ko sinabi sayo kasi gusto kong hintayin yung panahon kung kelan handa ka na."

Nagugulohan pa rin ako. Di naman kami uminom ng alak kanina ah? Ba't para siyang lasing na kung ano-anong pinagsasabi.

"Ano... wala lang to Lia, naalala ko lang na sinabi mo yun noon tsaka gusto lang talaga kita ihug hehe. Kalimutan mo nalang yung mga sinabi ko, okay? Sige na, uuwi ka pa. Bye! Ingat ka!"

Met Him AgainWhere stories live. Discover now