c h a p t e r 8

26 4 0
                                    

Pagdating ko sa lab bumungad sa akin ang mahabang pila ng mga pasyente sa OPD. Kawawang Lia, paniguradong bugbog na naman siya ngayong araw haha.

"Good morning guys! Lia! Andami mong bisita sa labas ah haha!" panunukso ko kay Lia.

Binigyan niya ko ng masamang tingin, "wag mo 'kong umpisahan Lorie! Ang aga-aga, naiistress nako! Hay!"

"Haha labyu Lia! Gusto mo bang ako nalang ang mag-warding?" humarap sa akin si Lia at nilapitan ako.

Bigla nya akong niyakap, "Lorieee huhu, you're my saviour! Okay lang ba talaga? Di ka ba busy sa section mo?"

Tinignan ko yung lagayan ng mga samples sa may reception, "wala pa namang samples para sa bacte, kaya okay lang."

"Thank you! Thank you talaga Lorie! You're the best!" niyakap niya ako ulit at bumalik na sa section niya.

Nagsuot na ako ng PPE at nag printa ng mga requests para sa monitoring. Buti na lang, di masyadong madami. Kinuha ko yung phleb kit ko at nagpaalam na sa kanila Adi.

Castillo, room 404 bed 2, check. Santos, room 301, check. Ramos, room 306, check. Iniisa-isa ko yung mga natapos ko ng kunan ng dugo. Okay nice, apat nalang yung natira.

"Okay na po Sir, thank you po." Finally! Isa nalang kulang, kay Caleb na lang. Sa totoo lang gusto ko ring makita sa personal yung taong naging daan ng pagkakaibigan namin nila Lia.

Bumaba na ako sa ground floor at dumiretso sa kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumagot kaya binuksan ko nalang yung pinto. Nakita kong tulog si Caleb at yung kasama niya, ito ba yung Gavin o yung Axel? Ewan.

Tinapik ko ng mahina sa braso si Caleb, "Sir? Sir Cariaso? Good morning po! For monitoring po ulit." Gumising siya at umayos sa pagkakahiga. Inayos niya rin yung buhok niya at sinilip ako habang nagsusuot ako ng gloves. Nagtataka siya siguro ba't hindi si Lia yung nandito.

"Okay na po Sir, thank you po." Inayos ko yung mga gamit ko at aalis na sana nang may biglang pumasok.

"Uy Lia, nandito ka pala!" nginitian niya ako at hinampas yung nakahiga. "Hoy Gavin! Umayos ka nga! Di ka na nahiya kay Lia!"

Nagulat yung Gavin at biglang umupo ng maayos, "Uy Lia! Hi! Good morning!" bati niya sakin.

Hindi ba halata na hindi ako si Malia? Tinanggal ko yung mask ko bago nagsalita at nakita kong gulat na gulat silang dalawa. "H-hi! Hindi ako si Malia. Busy kasi siya sa lab kaya ako muna yung sumalo sa iba niyang gawain."

"Ay sorry Ms. Beautiful! Hindi kasi halata na di ikaw si Lia, pareho kasi kayong sexy, matang-"

"Tumahimik ka nga Gavin! Sorry ulit Miss." pagputol nung isang naka dextrose, Axel ata pangalan niya.

"Ah okay." sagot ko at sinuot ulit yung mask ko. "Sige."

Nung pagkalabas ko ng kwarto narinig ko yung Axel, "ang suplada naman! Kaibigan ba yun ni Lia?"

Aba! Iba kung manghusga! Suplada? Bakit? Ano bang gusto niyang isagot ko sa kanila? Close ba kami? Sus!

"Okay nako, kayo ba? Handang-handa nakong lumabas!" lumapit samin ni Lia si Adi na dala-dala na yung bag niya. Di halatang excited ang babaeng 'to.

"Teka, ire-release ko lang 'tong mga results tapos okay na. Mauna ka ng mag-ayos Lorie, susunod nalang ako." sagot ni Lia.

Tumayo na ako at dumiretso sa locker room. Inayos ko yung mga gamit ko at lumabas. Excited na akong makita si Jo. Saktong-sakto, off duty kaming tatlo bukas kaya mags-sleep over kami sa bahay ni Lia. Maya-maya lang ay sumunod na din si Lia sa amin palabas.

Pumunta kaming tatlo sa SM at dumiretso muna sa Uniqlo habang hinihintay na makarating si Jo. Sinusundan ko lang silang dalawa kasi wala ako sa mood para magshopping.

"Nagtext si Jo, na-stuck daw siya sa traffic. Tara F21 na naman tayo! Wala masyadong maganda dito eh." sabi ni Adi. Umalis na kami ng Uniqlo.

Habang paakyat sa second floor biglang nagsalita si Adi, "Uy parang si Axel at Gavin yun ah!" at itinuro yung dalawang lalake na nakatayo sa isang shop.

Dumiretso si Lia at Adi sa kanila, "Gav? Axel? Uy! Ba't kayo andito? At tsaka, ikaw Axel, kaka-discharge mo lang ah? Ba't gumagala ka na agad?" tanong ni Lia sa kanilang dalawa.

"Hi Adi at Lia! Ba't kayo andito?" sagot nung Gavin.

Lalapitan ko na sana sila kaso biglang tumawag si Jo, "Sa'n kayo banda? Ba't di sumasagot si Adi? Kanina ko pa siya tinatawagan. Andito nako."

"May kausap kasi sila, sabihan ko na, punta na kami dyan."

Nilapitan ko silang apat at nagulat yung Axel nung nakita ako. Anong poblema ng taong 'to? Sinabihan ko sila Lia na dumating na si Jo. Nilingon ko si Gavin at nginitian habang yung isa, ay nakatitig pa rin sa akin. Ano ako multo?

"Hi! Nice to see you again!" sabi nung Gavin sa akin.

"Uh hi!" sabi ko sabay ngiti. Buti pa tong taong 'to, mabait, kaya lang para siyang chickboy. Tapos itong isa, ewan, gwapo nga pero ang feeling naman. Macho, pero ang lakas manghusga ng tao parang babae, pwe! Sayang ka boy.

"Uy sige! Una na kami sa inyo! Andito na kasi yung kaibigan namin eh. Bye!" biglang sabat ni Lia. "Tara na guys!"

Tinawagan ko si Jo at sinabihan na dumiretso na sa Healthy Shabu-shabu.

"Jolivia Onggg! I miss you!" as usual, napaka-OA talaga nitong si Adi. Nahiya si Jo sa ginawa niya kaya tinakpan niya yung bibig ni Adi na hangang ngayon ay nagdadrama parin.

Pumasok na kami sa loob ng HSS, namiss kong kumain dito. Naaalala ko pa nun, yung unang beses namin kumain dito ay yung araw na nakita ko si Lia na umiiyak. Nahiya daw siya sa akin kasi di ako nakapasok sa isang subject dahil sinamahan ko siya kaya niyaya niya akong magdinner kasama yung mga kaibigan niya which is si Jo at Adi. Simula nun, naging magkaibigan na kaming apat.

Habang hinihintay na maluto yung  pagkain namin ay nagkwentuhan muna kami.

"Ahem! Lorie. May sasabihin ka ba sa amin?" biglang tanong ni Lia.

Ako? Wala naman ah. Iniling ko yung ulo ko at nakita kong takang-taka rin sila Jo at Adi kung anong ibig sabihin niLia.

"Sure ka? Kitang-kita ko kaya kanina ang sama ng tingin mo kay Axel. Nagkita na ba kayo dati?"

"Ah yung lalakeng yun? Nagkita kami kanina lang nung nagwarding ako. Pumasok siya sa kwarto ni Caleb, inakala niyang ako ikaw. Nagsorry sila sa akin, sinabi ko 'ah sige' tapos lumabas. Alam niyo bang sinabihan niya ako ng suplada nung pagkalabas ko ng kwarto ni Caleb. Nakakainis! Pasalamat siya, pasyente siya sus kung hindi. Naku!" inis kung sabi sa kanila.

Tawang-tawa silang tatlo lalong-lalo na si Jo, "OMG! May katapat na si Axel haha I ship!"

"Anong ship? Hoy tumahimik ka nga Jo! Ang feeling ng taong yun porket gwapo. H'wag dun!"

Sinisiko ako ni Adi na tawang-tawa pa rin, "Uyyy! Lorie! May lovelife na!"

"Luto na 'tong pagkain, kumain na kayo. Nagugutom na ata kayo kaya kung ano-ano na lang ang mga pinagsasabi niyo. Nakakakilabot! Kain na!" sabi ko sa kanila sabay abot ng mga pagkain.

What? Ako at ang taong yun? Tss N E V E R M I N D.

Met Him AgainWhere stories live. Discover now