Chapter 2

20.7K 661 71
                                    

Salubong ang kilay na tinitignan ko ang mga pictures na nagkalat sa harapan ko.

Package ito na dumating kanina para sa akin.

Nandito ako ngayon sa condo ko. Hindi na muna ako umuwi sa mansyon kanina dahil madami pa akong tatapusin na trabaho at naintindihan naman iyon ni Mom.

Binaba ko ang picture kung saan naka ngito si Dad habang kausap ang isang nakatalikod na babae. Ang sunod kong dinampot ay ang picture kung saan kita na ang mukha nito.

"Are you kidding me?!"

I'm expecting the woman to be old pero iba ang nakikita ko sa litrato!

It's a young woman for pete sake! Ano sugar daddy nya si dad?!

Matagal kong tinitigan ang babae sa litratro at ewan ko pero parang may kamukha sya na kakilala ko dati hindi ko lang matandaan.

All the pictures are taken from different occasions. Hindi naman sila mag isa , may mga kasama din silang ibang tao pero mas madami ang pictures na mag kausap sila o di kaya naman ay nakahawak si Dad sa balikat nito habang may sinasabi.

Tinawagan ko ang inutusan kong tao at mabilis naman itong sumagot.

"Are you sure that it's the right woman?"

"Yes Maam. Hindi ko po hinayaan na mawala sa paningin ko si Sir"

"She look young"- naguguluhan na sabi ko.

"Yes Maam she's just 26"

"What?!"

She's just three years older than me! I cringe at the thought na kabet sya ni Dad. Impossible pero bakit lagi silang magkasama?
Wala naman nabanggit si Dad na may business partner sya na bata.

"Are you sure?"

"Yes I'm sure. I didn't get the other info about her. She's so private."

"What is her name?"

"Kate Josephine Martinez, she's also a college graduate"

"What course?"

"Architecture"

"Okay thank you"

Binaba ko ang phone ko at muling tinitigan ang picture.

Architect?, so may posibilidad na may koneksyon nga sila ni Dad.

Pero bakit inililihim ni Dad samin kung sino ang mga nakakasalamuha nya?

And this woman? How can they say na kabet sya ni Dad? Palihim ba silang nagkikitang dalawa?

Andami kong tanong pero nagdesisyon ako na itago nalang muna ang mga litrato at bumalik na ako sa kwarto para maligo.

Kailangan ko pang kausapin si Alfred. Sana lang hindi ako mabwiset sa kanya.

Nagsuot ako ng isang white button down shirt and black skinny jeans paired with my black heels.

Itinaas ko din ang buhok ko at ng masiguro kona okay na ako dinampot kona ang envelope at lumabas na ako ng unit ko.

Sumakay ako sa kotse at nagtungo sa office ni Alfred.

Pagkapasok ko everyone turn their gaze on me. Ang iba ang tumigil pa sa pag uusap para lang matignan ako.

Lumapit ako sa front desk.

"What can I do for you Maam?"

"I need to talk to Mr. Alfred Salvador, pakisabi nandito si Athena Cortez"

After talking to the phone aligaga na napatingin ito sakin.

"Umakyat na daw po kayo Maam at saka.. congrats po"

Wanting my Dad so called MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon