Chapter 32

12.6K 462 22
                                    


We're back again in the city and the days passed by quickly.

Christmas is approaching but I'm kinda sad because Leil decided to go back in abroad.

Nuong umuwi kasi kami ni Jo galing probinsya , kinabukasan nuon umalis din si Leil papuntang New York.

Nagkaron kami ng madamdaming pamamaalam pero nakatanggap padin sya sakin ng batok.

Sino ba naman kasing matinong anak ang uunahin pa ang pagbalik sa abroad kesa magcelebrate ng pasko kasama ang magulang nya?

"Gusto nadin naman nila ako lumayas dahil ayaw ko padin iwan ang photography , kaya hayaan mo na akong umalis"

Iyon yung sinabi nya sakin nuong hinatid ko sya sa airport. Kaya malakas ang batok na natanggap nya sakin.

Sabi naman nya babalik sya next year. Hay ewan ko ba at bakit hindi padin matanggap nina Tito at Tita na ang unica hija nila ay ibang trabaho ang gusto.

"Anak.."- narinig ko ang boses ni Mama kaya napalingon ako sa gawi nya.

Nandito ako ngayon sa may garden. Nagbabasa ng magazine.
Sinarado ko iyon at nilapag sa mesa.

"Bakit po?"

"Magpapasko na. Wala kabang balak?"

"Balak po?"

"Balita ko may dinedate ka daw"

"San nyo naman po nakuha yan?"

Umayos ako ng upo at medyo naasiwa ng pagmasdan ako ni mama.

"Palagi kang masaya akala mo ba hindi ko napapansin?, lalo na umuwi ka nuong nagpunta ka sa ibang lugar"

Napakamot naman ako sa kilay ko at nahihiyang tumango kay mama.

"I think I've found the one Mom.."

"You just think?"

"Fine.. I've felt it too. Actually I'm planning to invite her to come over this Christmas"

Sumilay naman ang ngiti sa labi nya at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mona man na hindi kami against ng Daddy mo sa gusto mo. Just make sure you will never be hurt okay?, at sana worth it yung taong yun para sayo"

Ngumiti din ako at ginantihan ang paghawak nya sa kamay ko.

"Don't worry Mom. She's worth it"- nakangiti kong sabi sa kanya.

Pasimple akong sumilip sa mga pader dito sa bahay. Tahimik ang buong mansyon kaya naman inuna kong puntahan ang office ni Dad.

Ngayon lang ako makikialam ng gamit pero I just want to make sure na hindi magagalit si Mama kapag nakita nya si Jo.

Binuksan ko ang mga drawer ng table ni Dad at hinanap ang mga litrato na binato dati ni Mama sa kanya.

Napahinga ako ng malalim ng makita ko iyon. Mga stolen shots iyon ni Dad habang katabi ang isang babae. Kahit hindi nakuha ang mukha ni Jo , panigurado mamumukhaan ni Mama ang likuran nito.
Pero sana hindi.

Kinuha ko ang mga pictures at dinala sa kwarto ko at duon itinago.

Napagpasyahan ko naman na maligo na muna dahil gusto kong magpunta sa condo ni Jo.

Miss ko na kasi sya.

Umalis ako sa mansyon at masayang nagdrive papunta duon.



Naabutan ko pa si Vanessa sa loob ng condo nya.

At pansin ko din ang namumuong tensyon dahil nagpapalitan sila ng kakaibang tingin na para bang may secret silang dalawa.

I cleared my throat and both of them look back at me.

May envelope sa center table pero mas tinuon ko ang atensyon sa kanila.

"Did I miss something?"

Ngumiti naman si Vanessa sakin.

"Wala naman Athena. May importante lang kaming pinag usapan ni Kate, ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw sya"

Pansin ko ang paglingon nito kay Jo at tinaasan sya ng kilay. Na parang bang sinasabi na "what is she talking about?"

"Ahm you know what Van , maybe it's better if we talk some other time"- sabi ni Jo at niligpit ang ininuman nila.

"Sige. But don't forget to think about what we've talked earlier"- she said to Jo and glance back to me.

"Mauna nako"- paalam nito sakin.

Ngumiti nalang din ako sa kanya at bumeso. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ni Jo dahil sa ginawa ko pero nag peace sign lang ako sa kanya.

Crush ko dati si Vanessa e haha.

Nang makalabas na si Vanessa saka ako naupo sa couch.

I was about to touch the envelope when she snatch it away.

"Ano bayan?"- takang tanong ko.

"Ahm it was nothing, saglit lang okay?"

Iniwan nya ako sa sala at pumasok sa kwarto nya.
Lumabas din sya pero wala na yung envelope.

"Gusto mo ba ng maiinom?"

Pansin ko pa din na hindi sya makatingin sakin.

Okay? , what's going on?

"Are you okay?"

Nakita ko ang pagkabigla nya dahil sa tanong ko.

Ngumiti naman sya sakin at tumango pero alam ko may mali.

"May gusto kabang sabihin?"

"Wala naman"

Sinenyasan kona man syang maupo sa tabi ko.

She gracefully sit down beside me while playing with her hands.

I hold her hands that caught her attention that's why she end up looking at me.

"May problema kaba?, Did you and Van talked about something bad?"

"Wala. Wag mona isipin yun. Trabaho lang ang pinag usapan namin"

Pinilit kong basahin ang mga mata nya pero wala akong makitang iba duon kundi ang blangkong tingin.

Huminga nalang ako ng malalim at ngumiti.

"Are you free this Christmas?"

"Why?"

"I'm planning to invite you in the mansyon. My mom wanted to meet you"

Nakita ko naman ang pagdaan ng emosyon sa mga mata nya na natakluban din kaagad ng iba pagkatapos nyang ngumiti sakin.

"I'm always celebrating christmas alone and sometimes I'm with Van..."- she said and lick her lower lip.

"So you're not free?"- I asked sounded disappointed.

Sinuklay nya ang buhok nya at tinitigan ako sa mga mata.

"I will accept your invitation Lou. Miss kona din magkaroon ng kasamang pamilya sa hapag kainan"

"If I ask you to be a part of the family , are you willing to say yes to me?"

Lumayo naman sya sakin ng kaunti at tumawa ng mahinhin.

"Are you proposing to me?"

Ako naman ngayon ang natigilan. Am I?

Hoy Tanya ! Christmas dinner lang ang usapan hindi kasalan.

"Ahm.. siguro nga kailangan ko ng maiinom"- pag iba kona lang sa usapan.

Ginulo naman nya ang buhok ko at iniwan nako sa sala.

Kinabahan ako duon. Hindi naman sa ayaw ko syang makasama sa future . It's just that I know both of us isn't ready yet.

Naisip ko padin yung envelope pero mas pinili kona lang na hindi magtanong sa kanya dahil mukhang ayaw din nyang pag usapan iyon.





~~~~~~~

no edits :)

Wanting my Dad so called MistressDove le storie prendono vita. Scoprilo ora