Chapter 15

14.4K 568 35
                                    

Habang kumakain kami ng agahan hindi ko mapigilan na hindi pagmasdan si Dad at si Mom.

The both of them were eating silently. Unlike before na palagi silang masayang nag uusap.

I cleared my throat to get their attention at nagtagumpay naman ako.

"Ganito nalang po ba tayo palagi?"

"What do you mean anak?"- Dad asked as he wipe his lips.

"This...ano cold treatment nalang po ba kayo lagi?"

Pinabalik balik ko ang mata sa kanilang dalawa.

"Okay naman kami ng papa mo anak"

I put down my utensils and drink my own water.

"Hindi ko po ramdam. If this is still about the mistress thing.. please tama na. I don't want the both of you to act this way"

Natahimik naman sila pareho. Kita ko sa mukha ni Mom ang pag aalangan.

"I don't have a mistress. Ang mama mo lang ang ayaw maniwala"- segunda ni Dad.

Then what about the architect?, what's your relationship with her?

Gusto ko sana itanong pero nanahimik na lang ako.

Narinig ko ang pag urong ng bangko at alam kong tumayo na si Dad.

"Mauna nako"- he said and I felt him kiss my head.

Hindi naman umiwas si Mom ng ikiss din sya ni Dad.

Nang makita kong nakalabas na si Dad ng dining area tumayo nadin ako at nag paalam kay Mom.


Instead of using my car , nag intay nalang ako ng taxi.

I'm just wearing a casual attire dahil plano kona kagabi na hindi muna ako papasok sa opisina ngayon

"Manong pakisundan po yung itim na kotse"- sabi ko sa driver na agad naman nyang sinunod.

Habang tinatahak namin ang daan sinuot kona ang salamin ko at itinali kona ang buhok ko.

Huminto ang sasakyan ni Dad sa isang restaurant.

Ito yung restaurant na kinainan namin dati ni Alfred at yung unang beses na nakita ko ng face to face si Jo.

Pinalagpas ko ang taxi para hindi ako mahalata ng driver namin na nakasunod.

Nagbayad ako at bumaba. Nang makita ko na busy ang driver ni Dad pasimple akong lumagpas dito at pumasok sa loob ng restaurant.

Inilibot ko ang paningin ko at nagtaka ako ng hindi ko sya makita.

Sakto naman na may dumaan waiter sa tabi ko.

"Kuya sandali.."

Nilingon naman ako nito at nginitian.

"Yes maam?"

"Nasan yung matandang pumasok dito kanina?"

Lumingon naman ito sa paligid. Mostly couple na mga bata pa ang nanduon at yung iba grupo ng magkakaibigan na nakain din.

"Wala naman pong matanda dito pero baka po nasa VIP room sya"

"VIP room?"

"Nasa second floor po Maam. Pero hindi ko po alam kung nanduon nga sya"

"Sige salamat"

Umalis na sya kaya naman pumunta nako sa may hagdan at umakyat sa second floor.

May mga kumakain din duon pero wala talaga si Dad.

Wanting my Dad so called MistressWhere stories live. Discover now