Chapter 38

12.5K 494 47
                                    

The few months of my life was hell. As in hell !

Nawalan ako ng gana sa buhay ko. Yung mga palagi kong ginagawa itinigil ko pati na din ang pinakamamahal kong opisina minsan kona lamang bisitahin.

Matagal din bago humupa ang balita tungkol sa pagkawala ni Dad at madami ang nagtangka na pabagsakin ang buong empire namin pero hindi sila nagtagumpay dahil tinulungan ako ni Alfred.

Oo si Alfred. Kaibigan ko daw kasi sya kaya hindi nya ako pababayaan kahit pa ilang beses ko daw syang sinaktan.

Sa last will ni Dad lahat ng properties na nasa pangalan ni Dad ay nilipat na sakin kaya kahit nasaan man ako may say ako sa lahat ng ari arian ng Cortez. Parang pinaghandaan nya lahat dahil lahat talaga iniwan nya sakin.

I love archery but I seldom play it because of what happened.

Tahimik naman ang buhay ko pero mas napapadalas ang pag babar ko . Syempre hindi din nawawala yung mga chismis about sa love life ko. Purkit may kausap lang akong babae o lalaki ikakalat na kaagad.

"Hoy bat ka magkakamay ?!, may utensils naman!"- rinig kong saway ni Leil sakin.

Napatingin ako sa kamay ko na may kalat na ng kanin.

Nagluto kasi sya ng pagkain dito sa condo ko. Dinalaw nya ako.

Nakatanggap pa nga ako ng sermon dahil mukha daw akong sabog at putla kona daw.  Kaya naman gusto nya kumain ako ng madami.

"Hayaan mona ako"- sabi ko sa kanya at sumubo.

Hindi naman makapaniwalang nakatingin ito sakin.

"What?,masarap kaya"

"Kailan kapa natuto mag ganyan?"

Napatigil naman ako sa pagkain at napabuntong hininga ng pumasok sa isip ko ang maganda nyang mukha.

"Pwede wag mona ko pansinin?"- sita ko sa kanya.

"Hindi lang ako makapaniwala"- naiiling na sabi nya.

Jo taught me this. Bakit ko pa nga ba ginagawa yung nakasanayan ko kapag kasama sya? , E wala naman sya dito.  Hindi ko nga alam kung kamusta na sya dun.

I'm Athena Louise Cortez . Madaming pera at kayang kaya ko syang sundan kung nasan man sya pero hindi ko ginagawa.

I'm so broken and I don't want to drag her into my messy life.

I'm sure she's making her dreams come true. If she already met someone.. sana wala pa.

Natapos na ako kumain at nag pasya na kong maghugas ng kamay.

"Lumabas labas kana man. Ginagawa mong araw ang gabi tapos ginagawa mo naman gabi ang araw"- sermon nya sakin

Totoo naman. Sa gabi gising na gising ako sa araw tulog. Ewan ko ba. Ang hirap kasi matulog.

Andami kong naiisip. Pinabago ko na nga din yung pwesto ng kama ko sa kwarto nitong unit ko dahil naalala ko lang lagi si Jo.

Yung mga panahon na kasama ko sya at katabi sa kama. Yung pagkain namin sa dining area. Yung mga tawa at ngiti nya , yung pagsasabi nya na mahal nya ako , yung mga yakap at halik nya.. lahat yun hinahanap hanap ko. At hindi ako makapagpahinga kakaisip sa kanya.

Nakakaasar na dahil ako naman yung nagtaboy sa kanya pero ako naman itong nangungulila sa presensya nya.

"Ouch , what the hell?!"

Napahawak ako sa noo ko at sinamaan ng tingin si Leil.

Tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Magbihis ka. Aalis tayo"

Wanting my Dad so called MistressWhere stories live. Discover now