12

7 1 0
                                    

Chapter 12

"Oh bat parang sabog ang lagay mo na yan?"



Inirapan ko nalang si Ria at ininom ang pineapple juice ko. Pano ba naman kasi, nakakabadtrip na nakakahiya!


Maaga akong umalis ng condo at sinigurado ko talagang di ko maaabutan doon si Jairus. Nakakahiya kaya!



"Baka naman LQ sila ni Renz," sabi ni Kristoff.


"Baka ni Jairus." dagdag naman ni Mikael.


"Bat naman siya nasama dito?" mataray na tanong ko sakanila. Nagkibit-balikat nalang sila at hindi sumagot.



Papunta na sana ako ng next class ko nang tumawag si Papa. Gosh di ko pa siya nakakausap since nung sa Siargao!



"Hello, Pa."


[Punta ka dito sa HQ after class mo. May sasabihin lang ako.]


"Pa, about dun kay Jairus..."


[Mamaya nalang, 'nak. May aasikasuhin pa ako eh. Ingat!]



Binaba na niya ang tawag at dumiretso na ako klase ko. Isang subject nalang naman bago ako uuwi eh.


After ng klase ay nagdrive na agad ako papuntang HQ. Naroon na rin sila Renz at Clyde. Umupo ako sa isang upuan sa harap ni Papa.



"Ano meron?" Agad na tanong ko.


"Icut ko muna vacation niyo dahil importanteng misyon ito." Paliwanag ni Papa.


"Why? Emergency mission?" tanong ko naman.


"May magaganap na auction sa Sequero Hotel. Mga malalaking businessmans ang naroon." pagsisimula ni Papa. "You need to get the 'Aurora necklace'."


"What is that?"


"The necklace of Princess Alina, the Princess of Priare Kingdom." Sabi pa ni Papa at binigyan kami ng tig-iisang folder.



Grabe! Ang ganda ng kwintas!


Isang kulay pink na diamond ang nakalagay sa gitna. Simple lang ito pero sobrang elegante! Di kataka-takang pagiinteresan ng marami.



"Let's bring two teams para sa paglalagyan ng mga aution items." Sabi ko na agad naman nililista ni Kia.


"John, give me the floor plan of the hotel." utos naman ni Clyde.


"Ah Renz," tawag ko naman. "Prepare an exit plan."


"Okay, i'll give it tomorrow."


"Papa, are you sure hindi lahat ng tao sa hotel na yun ay members ng Black Sindicate?"


"Chinecheck ko pa iyon," sabi niya at bumalik ulit sa pagtatype sa laptop. "Dahil sa nangyari sa last mission, paniguradong magtataas sila ng security ngayon."


"I'm sorry," sabi ko at yumuko.


"It's not your fault, iha." sabi ni Papa at nginitian ako.





"Papa, about dun kay Jairus..." sabi ko kay Papa habang naglalakad kami palabas ng HQ.


"Hmmm?"


"Ano napag-usapan niyo?"


"Wala naman. Tinatanong ko lang siya kung anong intensyon niya sayo, then bigla nalang siya nagpaalam manligaw HAHAHA!" Paliwanag niya na at sobrang saya pa niya. Grabe bat parang binubugaw ako?!





Hurricane's PassionWhere stories live. Discover now