19

4 1 0
                                    

Chapter 19

"Happy anniversary love!"



Unti-unti akong napamulat ng mata at nakita ko si Jairus na masayang nakatayo at may hawak na cake. Nakangiti akong bumangon at umupo.



"Happy anniversary," mahinang sabi ko naman. Nilapag niya muna ang cake sa side table bago umupo sa harap ko.



Nakatingin lang kami sa mata ng isa't-isa.



"I love you," nakangiting sabi ko.


"I love you too."  sagot naman niya.



Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko. Apakasweet naman pala!



"Get up! We're going somewhere." sabi niya at hinila ako patayo ng higaan.

"Where?"


"Somewhere." sabi niya at pabirong kinindatan pa ako.



Nagbihis nalang ako ng off-shoulder white flowy dress at white sandals. Naglagay na rin ako ng light make-up at ginawang curl ang dulo ng buhok ko. Alam ko naman mag-ayos kahit agent ako.



"Let's go." sabi ni Jairus paglabas ko sa condo. Nakasuot siya ng white polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko at brown cargo shorts. Nakashades pa ang nakbo.



Habang papunta kami sa pupuntahan namin na di ko alam kung saan, andaming lumilipad sa isip ko. Akalain mong 2 years na kami!


Chill lang naman kami, nag-aaway pero magbabati rin. Wala naman ako pinagseselosan kaya okay lang. Siya lang nagseselos kay Renz. But I'm happy kasi nakilala ko siya.


Hanggang ngayon di ko pa ren nasasabi sakanya ang about sa agency. These last few weeks din kasi naging sobrang busy namin. Siya sa coffee shop nila and ako naman sa school at agency namin.


Bigla ko na namang naalala yung about kay Mr. Villa, pano sila nagkaroon ng koneksyon? Sobrang layo ng industry nila.



"How's your day?" tanong ko kay Jairus habang kumakain kami ng breakfast.


"Yesterday? It was fine naman."


"Ano oras ka nakauwi kagabi?"


"Mga 1am na kasi traffic pa. Ikaw ba? Ano oras ka nakauwi dito?"


"5am na rin. Nagpatulong pa kasi si Papa eh sa mga contract ng investors."



Di ko alam pano ipapasok yung nalaman ko kahapon!


Kakastress!



"Narinig ko nameet mo si Mr. Villa kahapon?" kinakabahang tanong ko.


"Ha? Saan mo nalaman?"


"Ah diba narinig ko kahapon habang magkausap tayo sa phone."


"Ah yun ba, oo nagmeet kami." pansin kong di siya makatingin saakin. Ano bang meron, Jairus?


"Why? Mga armas ang industry niya, while nasa food ka, how come?"


"Ah ano kasi Kylie, binisita lang niya ako kasi nalaman niyang nandito ako sa Pilipinas, friend sila ni Papa."


"Ah business partners?"


"Just... friends."



Hindi nalang ako nagtanong pa at tinanggap nalang ang paliwanag niya. Baka ako pa paghinalaan pag nagtanong pa ako ng nagtanong.



Hurricane's PassionWhere stories live. Discover now